Pumunta sa nilalaman

Tablang hash

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hash Table)

Sa agham pangkompyuter, ang tablang hash(hash table o hash map) ay isang estruktura ng datos na gumagamit ng punsiyong hash upang imapa ang tumutukoy na mga halaga na tinatawag na susi(key) sa mga kaugnay nitong mga halaga. Halimbawa, ang isang pangalan ng tao ay inuugnay sa bilang ng telepono nito. Samakatuwid, ang tablang hash ay nag-iimplementa ng isang asosiyatibong array. Ang punsiyong hash ay ginagamit upang itransporma ang isang susi sa isang indeks(ang hash) ng isang elemento ng array(slot o bucker) kung saan ang tumutugong halaga ay hahanapin.