Pumunta sa nilalaman

Haumea (mitolohiya)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa mitolohiya ng Hawaii, si Haumea (bigkas [həuˈmɛjə] sa Wikang Hawayan) ay ang Hawayanong diyosa ng paglago at panganganak. Siya ang ina ni Pele, Kanemilohai, Kā-moho-aliʻi, Nāmakaokahaʻi, Kapo at HiʻiakaikapolioPele. [kailangan ng sanggunian] Malakas siyang nilalang at nagsilang ng iba't ibang nilalang. Karamihan ng kanyang mga supling ay dahil sa pag-iibang anyo niya bilang isang binibini. Pinatay siya ni Kaulu.

Ang Hawayanong diyosa ay di dapat ikalito sa Māori na diyos na si Haumia o Haumia-tiketike, ang diyos ng ilang na halaman at ratiles. Siya ang diyos ng ilang na pagkain di gaya ng kapatid niyang si Rongo, ang diyos ng inaalagaang pagkain.

Noong 17 Setyembre 2008 ang International Astronomical Union (IAU) ay pinangalan ang ikalimang nakilalang planetang unano sa Sistemang Solar na "Haumea" gaya ng Hawayanong diyosa. Ang dalawang buwan ng planeta ay ipinangalan sa mga anak na babae ni Haumea. Ang Hiʻiaka, ay galing sa diyosa na mula sa bibig ni Haumea. Ang Namaka naman ay ipinangalan sa spiritong pantubig na mula naman sa katawan ni Haumea.[1]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. IAU names fifth dwarf planet Haumea, International Astronomical Union, News release, September 17, 2008, Paris

Panlabas na Kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]