Heather Whitestone
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Nobyembre 2010)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Heather Whitestone | |
---|---|
Kapanganakan | Heather Whitestone |
Titulo | Miss Alabama 1994 Miss America 1995 |
Beauty pageant titleholder | |
Major competition(s) | Miss America 1995 (nagwagi) |
Si Heather Whitestone McCallum (isinilang Pebrero 24, 1973 sa Dothan, Alabama) ay isang reyna ng pagandahan na siyang pinakaunang binging tagapaghawak ng titulong Miss America. Nawala ang kaniyang pandinig noong nasa gulang na walong buwan pa lamang.
Ipinanganak at lumaki si Whitestone sa Dothan noong unang taon ng kaniyang buhay. Nag-aral siya sa Central Institute for the Deaf noong 1984 dahil nahihirapan siya sa isang regular na paaralan. Sa CID, uminam ang kaniyang kakayahang bumasa sa antas ng pang-anim na grado sa loob lamang ng tatlong tao, at nakapagtaos nang lumaon noong 1987 na puntos na 3.6 GPA. Lumipat si Whitestone sa Birmingham, Alabama sa edad na labing-anim kasunod ng diborsyon ng kaniyang mga magulang. Nag-aral siya sa Paaralan ng Pinong Sining ng Alama sa loob ngisng taon at nagtapos sa Mataas na Paaralang Berry (kilala ngayon bilang Mataas na Paaralang Hoover) noong 1991.
Nakipagtunggali sa maraming mga patimpalak ng kagandahan si Whitestone. Nanalo siya sa Junior Miss ng Shelby County, Alabama. Sa unang taon niya sa sistemang Miss America, napanalunan niya ang titulong Miss Jacksonville State University at naging unang runner up para sa Miss Alabama 1992, si Kim Wimmer ang naging Miss Alabama ng 1992. Noong sumunod na taon, napagwagian niya ang paligsahang Miss Point Mallard at muling naging ika-1 runner up sa Miss Alabama, kung saan si Kalyn Chapman ang naging Miss Alabama(si Chapman ang ika-1 runner up sa pagandahang Miss Point Mallard noong maging Miss Point Mallard si Whitesone; nagpatuloy si Chapman sa pagkapanalo bilang Miss Leeds upang matanggap sa pakikipaglaban para sa titulong Miss Alabama.) Noong sumunod na taon, napanalunan ni Whitestone ang titulong Miss Cullman Area, at sa wakas nagwagi bilang Miss Alabama noong 1994. Siya ang pinakaunang binging babae na nakakuha sa titulong ito.
Kumatawan si Whitestone para sa Alabama noong idaos ang Miss America ng 1995 sa Atlantic City, New Jersey. Siya ang pinutungan ng korona bilang Miss America 1995.
Kasalukuyan siyang naninirahan sa Atlanta kapiling ang asawang si John McCallum, isang dating asistente sa Kongreso ng Estados Unidos, at ang kanilang tatlong anak.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Heather Whitestone Naka-arkibo 2020-11-28 sa Wayback Machine.
- Miss America 1995: Pagdalaw sa Pilipinas noong 1997 - MCCID Natatanging Alay na Artikulo
Sinundan: Kimberly Clarice Aiken |
Miss America 1995 |
Susunod: Shawntel Smith |