Henri Poincaré
Si Jules Henri Poincaré (Pranses: [ʒyl ɑ̃ʁi pwɛ̃nkaʁe];[1] 29 Abril 1854 – 17 Hulyo 1912) ay isang matematikong Pranses, pisikong teoretikal, inhiyero, at pilosopo ng agham. Siya ay kadalasang inilalarawan bilang isang polimath at sa matematika ang "Ang Huling Unibersalisa" dahil siya ay nanguna sa lahat ng mga larangan ng displina na umiral sa kanyang buhay. Bilang matematiko at pisika, siya ay nakagawa ng maraming mga orihinal na pundamental na mga ambag sa purong matematika, nilalapat na matematika, pisikang matematikal at mekanikang selestiyal. Siya ay responsable sa pagpopormula ng konhekturang Poincaré na isa sa pinakasikat na hindi nalulutas na mga problema sa matematika hanggang ito ay malutas noong 2002-2003. Sa kanyang pagsasaliksik sa problemang tatlong katawan, si Poincaré ang naging unang tao na makatuklas ng sistemang magulong deterministiko na naglatag ng mga pundasyon ng modernong teoriya ng kaguluhan. Siya ay itinuturing ring isa sa mga tagapagtatag ng larangan ng topolihiya. Ginawang maliwanag ni Poincaré ang kahalagahan ng pagbibigay pansin sa pagiging hindi mababago ng mga batas ng pisika sa sa ilalim ng iba't ibang mga transpormasyonh at ang una na magtanghal ng mga transpormasyong Lorentz sa modernong simetrikal na mga anyo nito. Natuklasan ni Poincaré ang natitirang relatibistikong mga transpormasyong belosidad at itinala ang mga ito sa isang liham sa pisikong Dutch na si Hendrik Lorentz (1853–1928) noong 1905. Kaya kanyang nakamit ang perpektong pagiging hindi mababago ng lahat ng mga ekwasyon ni Maxwell na isang mahalagang hakban sa pormulasyon ng teoriya ng espesyal na relatibidad. Ang grupong Poincaré na ginagamit sa pisika at matematika ay ipinangalan sa kanya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.