Pumunta sa nilalaman

Henri de Toulouse-Lautrec

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Henri de Toulouse-Lautrec (1894)

Henri de Toulouse-Lautrec (24 Nobyembre 1864 – 9 Setyembre 1901), na may buong pangalang Henri Marie Raymond de Toulouse-Lautrec-Monfa, ay isang Pranses na pintor ng sining noong panahon Pagkaraan ng Impresyonismo. Ipinanganak siya sa isang maharlikang mag-anak, ngunit higit na namuhay sa piling mga aktor, mga mananayaw, at mga patutot ng Paris. Bantog siya sa pagpipinta ng mga buhay ng mga taong ito, sa aliwan ng Paris, at maramin pang mga larawan. Dalubhasa siya sa pagguhit o pagdodrowing, at gumawa rin ng maraming inilimbag o inimprentang mga poster o karatula upang maipatalastas ang mga aliwan.


TalambuhayPransiyaSining Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pransiya at Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.