Heograpiya ng Taiwan
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Ang Formosa (Tsino: 福爾摩沙 mula sa Portuges: (Ilha) Formosa na ibig sabihin "(pulong) maganda"), kilala rin bilang Taiwan (Tsino: 台灣 kasaysayan Tsino: 大灣 / 台員 / 大員 / 台圓 / 大圓 / 台窩灣), ay ang pinakamalaking pulo sa Republika ng Tsina (Republic of China; ROC) sa Silangang Asya. Matatagpuan ang Taiwan sa silangan ng Kipot ng Taiwan, sa dakong timog-silangang baybayin ng Punong-lupain ng Tsina. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945, pangkat ng mga pulo ay sumailalim sa pamamahala ng Republika ng Tsina.
Ang mga pangunahing pulo ng pangkat ay 394 km (245 milya) ang haba at 144 km (89 mi) ang lapad. Naihiwalay ito mula sa kontinente ng Asya ng 180-kilometro kalapad na Kipot ng Taiwan. Pahilagang-silangan ay ang mga pangunahing pulo ng Hapon, at ang katimugang dulo ng Kapuluan ng Ryukyu ng Hapon ay katapat sa silangan; ang Pilipinas ay matataputan sa timog. Bulubundukin ang pulo at matatagpuan sa Tropiko ng Kanser. Nababalutan ito ng mga halamang tropikal at subtropikal. Ang iba pang mga maliliit na grupo ng pulo ay ang Pescadores, Pulong Lunti at Pulo ng Orkidya; pati na rin ang Kapuluan ng Diaoyutai na kontrolado ng Hapon mula noong dekada 1970 at kilala bilang Senkaku-shotō.
Pinamamahalaan ang grupo ng pulo ng Republika ng Tsina (Republic of China; ROC) mula 1945 nang natamo ng ROC ang Taiwan mula sa Hapon bilang bunga ng Ikalang Digmaang Pandaigdig. Pagkaraan ng apat na taon, natalo sa Digmaang Sibil ng Tsina ang ROC sa Partido Komunista ng Tsina at umurong sa Taiwan. Ngayon, ang Taiwan ang bumubuo sa karamihan ng teritoryo ng ROC at ang ROC mismo ay karaniwang kilala bilang "Taiwan".[3] Komplikado ang katayuang pampolitika ng Taiwan dahil inaangkin ito ng Republikang Popular ng Tsina (People's Republic of China; PRC) na naitatag noong 1949 sa Mainland China at itinuturing ang sarili bilang kahaliling estado ng ROC.[4] Unang idinagdag ng Hapon ang Taiwan sa Dinastiyang Qing noong 1895. Sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isinuko ng Hapon soberanya nito sa Taiwan.[5] Gayunman, hindi matukoy kung paano isinaalang-alang ng Hapon ang soberanya ng Taiwan.[5] Hindi maliwanag ang katayuan ng Taiwan.[5]
Ang mabilis na paglago ng ekonomiya ng Taiwan sa mga dekada matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang nagpabago nito tungo sa isang masulong na ekonomiya (advanced economoy) bilang isa sa Apat na Tigreng Asyano (Four Asian Tigers).[6] Kilala bilang Milagro ng Taiwan (Taiwan Miracle) ang pagtaas ng ekonomiyang ito. Isinauri ito bilang isang maunlad o masulong na ekonomiya ng IMF at may mataas na kitang ekonomiya (high-income economy) ng World Bank. Gumaganap ng isang mahalagang papel sa pandaigdigang ekonomiya ang industriya ng teknolohiya nito.[7] Gumagawa ang mga kompanyang Taywanes ng malaking bahagi ng consumer electronics ng mundo, bagaman gawa sa kanilang mga pabrika sa Punong-lupain ng Tsina ang karamihan sa mga ito.[8]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "CIA Fact Book – Taiwan". CIA. ISSN 1553-8133. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-16. Nakuha noong 2009-06-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Karaniwang tumutukoy ang Waishengren sa mga taong lumipat mula mainland China patungong Taiwan pangkatapos 1949 nang umurong ang KMT sa Taiwan dulot ng Chinese Civil War, at kanilang descendants na ipinanganak sa Taiwan. Karaniwang hindi isinasama ang mga citize ng People's Republic of China na lumipat sa Taiwan kamakailan lamang.
- ↑ "Country Profile:Taiwan". BBC. Nakuha noong 2009-09-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The One-China Principle and the Taiwan Issue". Taiwan Affairs Office and the Information Office of the State Council of the People's Republic of China. 2000-02-21. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-02-13. Nakuha noong 2008-08-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 "【日々是世界 国際情勢分析】「地位未定」発言で日台膠着状態". Sankei Shimbun. 2009-07-28. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-31. Nakuha noong 2009-10-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ World Economic Outlook-publish sa pamamagitan ng IMF
- ↑ "Why Taiwan Matters". BusinessWeek. 16 Mayo 2005.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Slideshow: Taiwan's Tech Clout". BusinessWeek. 16 Mayo 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-04. Nakuha noong 2009-12-29.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)