Pumunta sa nilalaman

Heosentrismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Modelong heosentrismo ng uniberso(itaas) kung saan ang mga katawang pangkalawakan na araw at mga planeta ay umiikot sa Daigdig na sentro ng uniberso at ang modelong heliosentrismo (ibaba) na salungat sa geosentrismo kung saan ang mga planeta kabilang ang mundo(earth) ay umiinog sa araw.

Ang heosentrismo ang modelo ng uniberso kung saan ang mundo(earth) ang sentro ng uniberso at ang mga katawang pangkalawakan gaya ng araw at mga planeta ay umiinog dito. Bago ang paglilimbag ng De Revolutionibus orbium coelestium noong 1543 ni Nicolaus Copernicus, ang malawakang paniniwala tungkol sa araw at uniberso na tinatanggap ng mga tao ay ang geosentrismo ni Ptolomeo. Itinaguyod ni Copernicus ang modelong heliosentrismo na ang araw ang sentro ng uniberso at ang mga planeta kabilang ang mundo(earth) ay umiinog dito. Isa sa mga astronomong tutol sa heliosentrismo ni Copernicus si Tycho Brahe na nagbigay ng alternatibo sa geocentrismo kung saan ang araw at buwan ay umiinog sa mundo, ang Mercury at Venus at umiinog sa araw sa loob ng orbito ng araw ng mundo at, Mars, Hupiter at ang Saturn ay umiinog sa araw sa labas ng orbito ng araw sa mundo. Si Brahe ay tutol kay Copernicus dahil sa kadahilanang pang-relihiyon. Si Giordano Bruno ang tanging mamamayan noong panahong ito na nagtanggol sa heliosentrismo ni Copernicus.

Ang alternatibo sa geosentrismo na itinaguyod ni Brahe ang modelo ng uniberso kung saan ang araw at buwan ay umiinog sa mundo at ang Mercury, Venus, Mars at Hupiter at Saturn ay umiinog sa araw. Sa palibot ng mga ito ay mga matatag na bituin na hindi gumagalaw. Sa kanyang 1615 "Liham sa Dakilang Dukesang Cristina", ipinagtanggol ni Galileo ang heliosentrismo at iginiit na ito ay hindi salungat sa Bibliya. Tinanggap ni Galileo ang posisyon ni Agustin ng Hipona na hindi dapat pakahulugang literal ang Bibliya. Ang prayleng Dominicano na si Tommaso Caccini ang unang umatake kay Galileo. Sa sermon ni Caccini noong 1614, kanyang hinayag na mali si Galileo at ginamit sa kanyang sermon ang Aklat ni Josue 10:13 kung saan pinahinto ng Diyos ang araw.

Ang alternatibo sa geosentrismo na itinaguyod ni Brahe kung ang saan araw (astronomiya) at buwan ay umiinog sa mundo ngunit ang Mercury, Venus, Mars at Hupiter at Saturn ay umiinog sa araw. Sa palibot ng mga ito ay mga matatag na bituin na hindi gumagalaw.