Giordano Bruno
Ipinanganak | Filippo Bruno Enero o Pebrero 1548 Nola, Kaharian ng Napoles |
---|---|
Namatay | 17 Pebrero 1600 (edad 51–52) Roma, Mga estadong pang-Papa Kamatayan sa pagsunog sa isang poste |
Panahon | Renasimyento |
Eskwela ng pilosopiya | Humanismong Renasimyento Neopythagoreanismo |
Mga pangunahing interes | Kosmolohiya |
Mga kilalang ideya | Maraming mundo |
Naimpluwensiyahan ni
| |
Nakaimpluwensiya kay
|
Si Giordano Bruno (pagbigkas sa wikang Italyano: [dʒorˈdano ˈbruno]; 1548 – Pebrero 17, 1600) (Latin: Iordanus Brunus Nolanus), ipinanganak na Filippo Bruno ay isang Italyanong Dominikanong prayle, pilosopo, matematiko, astrologo at astronomo. Ang kanyang mga teoriyang kosmolohikal ay lumagpas pa sa modelong Heliosentrismo. Kanyang iminungkahi na ang araw ay isang bituin at ang uniberso ay naglalaman ng walang hangganang bilang ng mga tinatahanang daigdig ng ibang mga matatalinong nilalang.[4]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Bruno ay ipinanganak sa Nola (sa communne ng Lalawigan ng Napoles sa rehiyong Campania na bahagi noong ng Kaharian ng Napoles snoong 1548. Anak siya ni Giovanni Bruno na isang sundal at Fraulissa Savolino. Sa kanyang kabataan, ipinadala si Bruno ng kanyang magulang sa Napoles upang mag-aral. Siya ay pribadong tinuruan sa isang monasteryong Agustino at dumalo sa mga pampublikong pagtuturo sa Studium Generale. Sa edad na 17, pumasok siya sa Ordeng Dominicano sa monateryo ng San Domenico Maggiore sa Napoles at kinuha ang pangalang Giordano mula sa kanyang tagapagturo sa metapisikang si Giordano Crispo. Natapos niya ang kanyang novisiado at inordinahang pari nong 1572 sa edad na 24. Sa panahon niya sa Napoles, nakilala si Bruno sa kanyang kahusayan sa pagsasaulo sa memorya. Sa kanyang mga paglalakbay, si Bruno ay unang tumungo sa puerto ng Noli at tapos ay sa Savona, Turin at sa Venecia kung saan niya nilimbag ang kanyang nawalang akdang "Tungkol sa Tanda ng mga Panahon" na may permisyon ng Dominicanong si Remigio Nannini Fiorentino. Mula Venecia ay tumungo siya sa Padua kung saan nakilala ang mga kapwa Dominicano na humikayat sa kanyang muling isuot ang kanyang abito. Mula Padua, siya ay tumungo sa Bergamo at tumawid sa Alps tungo sa Chamberly at Lyon.
Noong Abril 1583, si Bruno ay tumungo sa Inglatera na may mga liham ng rekomendasyon mula kay Henry III bilang panauhin ng embahador na Pranses na si Michel de Castelnau. Siya ay tumira sa embahadang Pranses kasama ng leksikograpong si John Florio. Doon, nakillala niya ang manunulang si Phillip Sydnay at ibang mga kasapi ng loob na samahang Hermetiko ni John Dee. Siya ay nagturo sa Oxford at nabigong makakuha ng posisyon doon. Ang kanyang mga paniniwala ay kontrobersiyal at tinuya siya ng Arsobispo ng Canterbury na si George Abbot sa kanyang pagsuporta sa opinyon ni Nicolaus Copernicus na ang mundo ay umiinog at ang mga kalangitan ay hindi gumagalaw. Natuklasan ni ni Abbot na kinopya ni Bruno si Ficino. Sa panahong ito, naglimbag si Bruno ng mga mahahalagang akda: ang anim na Dialogong Italyano kabilang ang mga traktong pang-kosmolohiyang La cena de le ceneri(Hapunan ng Miyerkoles ng Abo, 1584), De la causa, principio et uno (Tungkol sa Sanhi, Prinsipyo at Pagkakaisa, 1584), De l'infinito, universo et mondi (Tungkol sa walang Hangganan, Uniberso at mga Mundo, 1584), Lo spaccio de la bestia trionfante (Ang Pagpapalayas ng Nagwaging Halimaw, 1584) at ang De gli eroici furori (Tungkol sa Makabayaning Kabaliwan 1585). Si Bruno ang minsan sinasabing nagmungkahi na ang uniberso ay walang hangganan ngunit ito ay unang isinulong ni Thomas Digges noong 1576. Ang isang unibersong may mga alien ay iminungkahi ng Alemanyang kardinal na si Nicholas noong 1440.
Mga paniniwala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon kay Bruno, ang Diyos ay lumalaganap sa isang walang hangganang uniberso. Ito ang tunay na tinapay ng buhay, nagliwanag sa mga bulag, nagpakawala sa dila ng mga mangmang, nagpagaling ng mga lumpo upang ang espirito ng tao ay muling umunlad. Salungat dito, para kay Bruno, ang Kristiyanismo ay isang panloloko. Pinuri ni Bruno ang iba't ibang bala't kayo kung saan itinuro ng Kristiyanismo na ang kamangmangan ng likas na mundo ay maglalapit ng kaluluwa sa Diyos. Kabilang sa mga panloloko ng Kristiyano ang pag-uutos ng kasulatan na kilalanin ang ating kamangmangan lalo na sa tema ni Apostol Pablo ng kamangmangan, ang asetikong mistisismo ni Pseudo-Dionyisus at mga mistiko sa pangkalahatan, ang pang-aangkin ng liwanag ng pananampalataya, ang pagsaabing ang pahayag ng Diyos ay mas dakila sa kaalaman ng tao, ang pagbibigay diin ni Agustin ng Hipona ng nahulog na kalikasan ng sangkatauhan, ang mga kautusan na maging isang tulad ng bata at maamo, at ang kapakumbabaan at pagsunod na ninanais ng kapariang Kristiyano na ituro sa mga tupa nito.Ayon kay Bruno, dapat ibalewala ang mga "kahangalang hangaring ito".[5] Sa parehong galit nina Baruch Spinoza at Friedrich Nietzsche, tinutulan ni Bruno ang kasteng kaparian. sila ay mga parasito na nabubuhay sa mga pagtatrabaho ng iba at umaapekto sa mabahong kalungkutan. Itinaguyod ng kaparian ang pamumuhay ng pag-iisa at pagtakwil sa mundong ito para sa kabilang buhay. Ang gayong mga tao ay pumuksa sa liwanag ng diyos na ang liwanag na ito ang gumawa sa mga kaluluwa ng mga sinaunang tao na maging makabayani at makaDiyos na hinatulan ng mga paring ito dahil sa kanilang pagiging mapagmataas. Ayon din kay Bruno, kung susundin ang kaparian, wala tayong mga templo, mga simbahan, mga kapilya, mga hospisyo, mga hospital, mga kolehiyo, mga unibersidad. Para kay Bruno, ang mga sinaunang Romano ang tanging nakaunawa ng kahalagahan ng kaluwalhatian sa pagtatatag at pagpapanatili ng kabihasnan. Ang isang tunay relihiyon ayon kay Bruno ay tulad ng mga sinaunang tao na pumupuri sa mga tao na may pagsisikap, kalakasan ng katawan at isipan at kaluwalhatiang pangmundo.[5] Gayunpaman, ang relihiyon ayon kay Bruno ay may tungkuling ginagampanan. Ang mga mangmang na mamamayan ay hindi makakapaghangad ng kasakdalang pilosopikal. Kailangan nila ang mga batas at sanksiyon para kontrolin ang kanilang mga pag-aasal. Ang relihiyon sa mga pangako ng kaparusahan at gantimapala ang gamit nito. [5] Gayunpaman, inamin ni Bruno na ang mga Kasulatan ay minsan mga nagtala ng katotohanang pilsopikal. Gayunpaman, ang kasulatan ay pinasimple halimbawa sa [[Eclesiastes] 1:5-6, Aklat ni Josue 10:13 na nagpapahiwatig na ang araw ay umiinog sa hindi gumagalaw na mundo. Ayon kay Bruno, ang pagpapasimpleng ito ay ginawa sa kapakinabangan ng mga mangmang. Ang mga talakayan batay sa isang tunay na heliosentrismo na interpretasyong mosyon na pangkalawakan ay sa pinakamabuti ay lilito sa kanila at sa pinakamasama ay magdadala sa kanila sa kabaligtaran na balewalain ang mga kuwento sa kasulatan ng paghihigante ng Diyos. [5]
Inkisiyong Romano Katoliko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga kasalanan ni Bruno na itinala ng inkisador na si Roberto Bellarmino ang kanyang: pagtanggi sa Trinidad, pagtanggi sa pagkaDiyos ni Hesus, pagtanggi sa pagkabirhen ni Maria, paniniwala sa maraming mundo, reinkarnasyon at dibinasyon.[6] Pinilit ni Bellarmino na bawiin ni Bruno ang kanyang mga erehiya ngunit siya ay tumanggi. Noong Enero 20, 1600, hinatulan ni Papa Clemente VIII na nagkasala ng erehiya si Bruno at hinatulan siya ng kamatayan at pinasunog ng buhay sa isang poste. Siya ay sumikat pagkatapos ng kanyang kamatayan lalo na sa mga komentador noong ika-19 hanggang ika-20 siglo at tumuring sa kanyang isang martir para sa malayang isipan at modernong mga ideyang siyentipiko.
Exoplaneta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang exoplaneta ay isang planetang umiinog sa isang bituin sa labas ng sistemang solar. Kabilang ito sa isang sistemang planetaryong hindi ang sistemang solar. Ang kauna-unahang ebisensiya ng pag-iral ng exoplaneta ay napansin noong 1917 ngunit nakalilalang gayon. Ang kauna-unahang kompirmasyon ng pagtukoy nito ay nangyari noong 1992. Ang isa pang planeta na nakita noong 1988 ay nakumpirma noong 2003. Noong Hulyo 2022, may mga 5,100 kompirmadong exoplaneta sa 3,799 sistemang planetaryo na may 826 sistemang may higit sa isang planeta. Ang 1 sa 5 ng mga tulad ng araw ng bituin ay may laki ng mundo(earth) sa sonang matitirhan ng buhay. Sa pagpapalagay na may 200 bilyong bituin sa Milky way, maaaring ma-hipotesis na may 11 bilyong mga planetang tulad ng mundo na tinitirhan ng buhay sa Milky way at tataas pa sa 40 bilyong kung ang mga planetang umiinog sa mga pulang unano ay isasama.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Leo Catana (2005). The Concept of Contraction in Giordano Bruno's Philosophy. Ashgate Pub. ISBN 978-0754652618.
When Bruno states in De la causa that matter provides the extension of particulars, he follows Averroes.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Frances Yates, "Lull and Bruno" (1982), in Collected Essays: Lull & Bruno, vol. I, London: Routledge & Kegan Paul.
- ↑ Bouvet, Molière; avec une notice sur le théâtre au XVIIe siècle, une biographie chronologique de Molière, une étude générale de son oeuvre, une analyse méthodique du "Malade", des notes, des questions par Alphonse (1973). Le malade imaginaire; L'amour médecin. Paris: Bordas. p. 23. ISBN 978-2-04-006776-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ "The Harbinger. Giordano Bruno". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-05-16. Nakuha noong 2013-07-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 https://plato.stanford.edu/entries/bruno/
- ↑ Mooney, John A. "Giordano Bruno," American Catholic Quarterly Review, Vol. XIV, 1889.