Sistemang Solar
| Age | 4.568 billion years[b] |
|---|---|
| Location | |
| Nearest star |
|
| Population | |
| Stars | Sun |
| Planets | |
| Known dwarf planets | |
| Known natural satellites | 758[5] |
| Known minor planets | 1,368,528[6] |
| Known comets | 4,591 |
| Planetary system | |
| Star spectral type | G2V |
| Frost line | ~5 AU[10] |
| Semi-major axis of outermost planet | 30.07 AU[7] (Neptune) |
| Kuiper cliff | 50–70 AU[8][9] |
| Heliopause | detected at 120 AU[11] |
| Hill sphere | 1.1 pc (230,000 AU)[12] – 0.865 pc (178,419 AU)[13] |
| Orbit about Galactic Center | |
| Invariable-to-galactic plane inclination | ~60°, to the ecliptic[c] |
| Distance to Galactic Center | 24,000–28,000 ly [14] |
| Orbital speed | 720,000 km/h (450,000 mi/h)[15] |
| Orbital period | ~230 million years[15] |
Ang Sistemang Solar o sangkaarawaan ay isang sistemang planetaryo na binubuo ng Araw at ng iba pang mga bagay sa kalawakan na apektado ng pwersa ng grabedad nito.[16] Nabuo ito 4.6 bilyong taon na ang nakalilipas mula nang gumuho ang isang siksik na rehiyon ng isang molekular na ulap, na bumubuo sa Araw at isang protoplanetary disc. Ang Araw ay isang tipikal na bituin na nagpapanatili ng balanseng ekwilibriyo sa pamamagitan ng pagsasanib ng idrohino at elyo sa kaibuturan nito, na naglalabas ng enerhiyang mula sa panlabas na potospir nito.
Binubuo ng walong planeta ang sistemang planetaryo na umiikot sa araw. Apat sa mga ito ay mga planetang terestrial na pangunahing binubuo ng bato at metal—Merkuryo, Benus, ang Daigdig, at Marte, at apat sa mga ito ay mga higanteng planeta na mas malaki kumpara sa apat na planetang terestrial. Ang dalawa sa pinakamalaki, ang Hupiter at Saturno, ay mga gas giant na pangunahing binubuo ng idrohino at elyo, habang ang Urano, at Neptuno ay mga ice giant na pangunahing binubuo ng mga sangkap na may matataas na mga punto ng pagkatunaw tulad ng tubig, metano, at amonya. Mahigit sa 99.86% ng masa ng Sistemang Solar ay mula sa Araw, at halos 90% ng natitirang masa ay mula sa Hupiter at Saturno.
Mayroong isang malakas na kasunduan sa mga astronomo na ang may hindi bababa sa walong planetang unano ang Sistemang Solar—Ceres, Pluto, Haumea, Quaoar, Makemake, Gonggong, Eris, at Sedna. Mayroong malaking bilang ng maliliit na bagay sa Sistemang Solar tulad ng mga asteroyd, meteoroyd, kometa, bulkanoyd (mga batong lumiligid sa araw sa loob ng ligiran ng Merkuryo), sentauro, at mga ulap ng alikabok sa pagitan ng mga planeta. Ilan sa mga ito ay matatagpuan sa Sinturon ng asteroyd (pagitan ng ligiran ng Marte at Hupiter) at Sinturon ng Kuiper (labas ng ligiran ng Neptuno). Anim na planeta, anim na planetang unano, at iba pang mga bagay ang may mga natural na satelayt na umiikot sa kanilang ligiran, na karaniwang tinatawag na mga 'buwan'.
Pagkatuklas at paggalugad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa paglipas ng mga dantaon, unti-uting lumago ang kaalaman ng sangkatauhan sa Sistemang Solar. Hanggang sa huling bahagi ng Gitnang Kapanahunan at Renasimiyento, naniniwala ang mga astronomo mula sa Europa hanggang Indiya na nakatigil ang Daigdig sa gitna ng sansinukob,[17] at tiyak na naiiba sa mga banal o malinang mga bagay na gumagalaw sa kalangitan. Bagaman ang pilosopong Griyego na si Aristarco ng Samos ang nag-mungkahi tungkol sa isang heliosentrikong pagsasaayos ng kosmos, si Nicolaus Copernicus ang unang taong kilala na nakabuo ng sistemang heliosentriko na ginamit ang matematika sa panghuhula.[18][19]
Hindi nagtagumpay ang heliosentrisimo sa heosentrisimo, ngunit ang mga gawa ni Copernicus ay nagkaroon ng mga mananalig, tulad na lang ni Johannes Kepler. Nilikha ni Kepler ang Rudolphine Tables gamit ang isang modelong heliosentriko na mas pinabuti mula kay Copernicus sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga daangtala na maging patambilog, na may kasamang tiyak na datos ng pagmamasid ni Tycho Brahe. Pinagana ng Rudolphine Tables ang mga tiyak na pagkalkula ng posisyon ng mga kilalang planeta noon. Ginamit ito ni Pierre Gassendi upang hulaan ang isang pagdaan ng Merkuryo noong 1631, at ginamit rin ito ni Jeremiah Horrocks para sa isang pagdaan ng Benus noong 1639. Nagbigay ito ng isang malakas na pagpapatunay ng heliosentrisimo at mga daantalang patambilog ni Kepler.[20][21]
Noong ika-17 dantaon, isinapubliko ni Galileo ang paggamit ng teleskopyo sa astronomiya, kung saan natuklasan niya, kasama si Simon Marius, na ang planetang Hupiter ay may kasamang apat na buwan na nasa daantala sa paligid nito.[22] Sinundan ng mga pagtuklas nito ang pagtuklas ni Christiaan Huygens sa buwan ng Saturno na Titan at sa hugis ng mga singsing ng Saturno.[23]
Pagbubuo at ebolusyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sa nakaraan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nabuo ang Sistemang Solar 4.568 bilyong taon na ang nakalipas mula sa pagkagiba ng pwersa ng grabedas ng isang rehiyon sa loob ng isang malaking molekular na ulap. Ang paunang ulap na ito ay maaaring ilang sinag-taon ang haba at maaring nagsilang ng ilang bituin.[24] Gaya ng karaniwang mga molekular na ulap, halos binubuo ang isang ito ng idrohino, na may ilang elyo, at maliit na dami ng mga mas mabibigat na elemento na pinagsama ng mga naunang henerasyon ng mga bituin.[25]
Habang bumabagsak ang pre-solar nebula, naging sanhi ang konserbasyon ng angular momentum upang umikot ito nang mas mabilis.[25] Naging mas mainit kaysa sa nakapalibot na disko ang sentro nito, kung saan nakolekta ang karamihan sa masa. Habang bumibilis ang pag-ikot ng umuungkot na nebula, nagsimula itong pumatag bilang isang protoplanetary disc na may diyametro na humigit-kumulang 200 AU (30 bilyon km; 19 bilyon mi), at isang mainit, at masinsin na protostar sa gitna.[26][27] Ang mga planeta ay nabuo sa pamamagitan ng pag-iipon mula sa diskong ito,[28] kung saan ang mga alikabok at gaas ay dumidikit sa isa't-isa sa pamamagitan ng grabidad at nagbubuklod-buklod upang bumuo ng mas malalaking mga katawan. Daan-daang mga protoplanet ang maaaring umiral sa unang bahagi ng Sistemang Solar, ngunit sila ay maaaring nagsanib o nawasak, kaya naiwan ang mga planeta, planetang unano, at iba pang mga natitirang maliliit na katawan.[29][30]
Dahil sa kanilang mas mataas na mga punto ng pagkulo, tanging ang mga metal at mga silikato lamang ang maaaring umiral sa solidong anyo sa mainit na panloob na Sistemang Solar na malapit sa Araw (sa loob ng frost line). Sa kalaunan ay bubuoin nila ang mga planetang terestrial, o ang mga mababatong planetang Merkuryo, Benus, ang Daigdig, at Marte. Dahil ang mga matitigas na materyales na ito ay binubuo lamang ng isang maliit na bahagi ng solar nebula, hindi lumaki nang napakalaki ang mga planetang terestrial.[29]
Nabuo ang mga higanteng planeta (Hupiter, Saturno, Urano, at Neptuno) sa labas ng frost line, ang punto sa pagitan ng mga ligiran ng Marte at Hupiter kung saan ang materyal ay sapat na malamig upang manatiling solido ang mga sumpunging nagyeyelong looban. Ang mga yelo na bumubuo sa mga planetang ito ay mas marami kaysa sa mga metal at mga silikato na bumubuo sa mga planetang terestrial, na nagpapahintulot sa kanila na lumaki nang sapat upang makuha ang malalaking himpapawid ng idrohino at elyo, ang mga pinakamagaan at pinakamaraming elemento.[29] Nagbuklod-buklod ang mga natirang piraso na hindi kailanman magiging mga planeta sa mga rehiyon tulad ng sinturon ng asteroyd, sinturon ng Kuiper, at ulap na Oort.[29]
Sa loob ng 50 milyong taon, ang tindi at densidad ng idrohino sa gitna ng protostar ay naging sapat nang malaki upang masimulan nito ang termonukleyar na pagsasanib.[31] Habang nag-iipon ang elyo sa kaibuturan nito, lalong lumiliwanag ang Araw;[32] sa unang bahagi ng buhay main-sequence nito, ang liwanag ng Araw ay nasa 70% kaysa sa kung ano ito ngayon.[33] Ang temperatura, bilis ng reaksyon, presyon, at densidad ay tumaas hanggang sa makamit ang hydrostatic equilibrium: ang presyon na dulot ng init na sumasalungat sa puwersa ng grabidad. Sa puntong ito, naging bituing main-sequence ang Araw.[34] Nilikha ng hangin ng Araw ang heliosphere at tinangay ang natitirang gaas at alikabok mula sa protoplanetary disc patungo sa kalawakan.[32]
Kasunod ng pagwawaldas ng protoplanetary disc, iminungkahi ng modelong Nice na ang mga pagtatagpong grabitasyonal sa pagitan ng mga planetasimal at ng mga higanteng planeta ay naging sanhi ng bawat isa na lumipat sa iba't-ibang mga daantala. Humantong ito sa dinamikong kawalang-tatag ng buong sistema, na nakakalat sa mga planetasimal at sa huli ay inilagay ang mga higanteng planeta sa kanilang kasalukuyang mga posisyon. Sa panahong ito, minungkahi ng grand tack hypothesis na ang isang huling papasok na paglipat ng Hupiter ay nagpakalat sa karamihan ng sinturon ng asteroyd, na humantong sa Late Heavy Bombardment ng mga planetang terestrial.[35][36]
Sa kasalukuyan at sa hinaharap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Sistemang Solar ay nananatili sa sa isang medyo matatag at dahan-dahang umuusbong na estado sa pamamagitan ng pagsunod sa mga nakahiwalay na ligiran na sumasailalim sa puwersa ng grabidad ng Araw.[37] Bagama't medyo matibay ang Sistemang Solar sa loob ng bilyun-bilyong taon, ito ay teknikal na magulo, at sa kalaunan ay maaaring magambala. May maliit na posibilidad na isa pang bituin ang dadaan sa Sistemang Solar sa susunod na ilang bilyong taon. Bagama't maaari nitong masira ang sistema at kalaunan ay humantong sa pagpapatalsik ng mga planeta, banggaan ng mga planeta, o mga planeta na tumatama sa Araw milyun-milyong taon ang makalipas, malamang na iiwan nito ang Sistemang Solar tulad sa ngayon.[38]

Magtatagal ng 10 bilyong taon ang yugtong main-sequence ng Araw, mula simula hanggang wakas, kumpara sa humigit-kumulang dalawang bilyong taon para sa lahat ng iba pang kasunod na mga yugto ng pinagsama-samang buhay bago maging retaso ang Araw.[39] Mananatili sa kung ano ang Sistemang Solar ngayon hanggang sa mapalitan ang idrohino sa kaibuturan nito sa elyo, na magaganap nang humigit-kumulang 5 bilyong taon mula ngayon. Mamarkahan nitong ang pagtatapos ng yugtong main-sequence ng Araw. Sa oras na iyon, kukurot ang kaibuturan ng Araw sa hydrogen fusion na nagaganap sa kahabaan ng balat na nakapalibot sa elyong hindi gumagalaw, at ang enerhiyang nailalabas ay mas malaki kaysa sa kasalukuyan. Ang mga panlabas na patong ng Araw ay lalawak sa humigit-kumulang 260 beses sa kasalukuyang diyametro nito, at ang Araw ay magiging isang ganap na pulang higante. Dahil sa tumaas na surface area nito, ang ibabaw ng Araw ay magiging mas malamig (2,600 K (4,220 °F) sa pinakamalamig nito) kaysa sa kung ano ito noong bituing main-sequence pa lamang ito.[39]
Inaasahang mapapasingaw ng lumalawak na Araw ang Merkuryo gayundin sa Benus, at gagawing hindi matitirahan ang Daigdig at Marte (maaaring sisirain din ang Daigdig).[40][41] Sa kalaunan, magiging sapat na mainit ang kaibuturan ng Araw para sa helium fusion; magsusunog ng elyo ang Araw sa isang bahagi ng oras na sinunog nito ang idrohino sa kaibuturan. Hindi sapat ang laki ng Araw upang simulan ang pagsasanib ng mas mabibigat na elemento, at ang mga reaksyong nuklear sa kaibuturan nito ay bababa. Ang mga panlabas na patong nito ay iluluwa sa kalawakan, na mag-iiwan ng isang siksik na puting unano, kalahati ng orihinal na bigat ng Araw ngunit kasinlaki lamang ng Daigdig.[39] Ang mga nailuwang mga panlabas na patong ay maaaring bumuo ng isang planetary nebula, nagbabalik ng ilan sa mga materyal na bumubuo sa Araw – ngunit ngayon ay pinayaman ng mas mabibigat na elemento tulad ng karbon – sa interstellar medium.[42][43]
Komposisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagamat madalas ding gamitin ang salitang "sistemang solar" upang tumukoy sa iba pang mga sistemang planetaryong natuklasan sa mga bituin, ang tamang gamit nito ay sa sistemang kinabibilangan ng Daigdig. Hango ang salitang "solar" mula sa Sol na siyang pangalan ng Araw sa wikang Latin, kaya't marapat na gamitin lamang ang katawagang ito sa sistemang nabuo sa grabitasyon ng Araw. Kapag pinag-uusapan ang iba pang sistemang planetaryo, mas mabuting gamitin ang pangalan ng pangunahing bituin bilang kapalit ng pangalan ng Araw. Halimbawa, ang "sistemang Pollux" o "sistemang 51 Pegasi" upang tumukoy sa mga bituin nito kasama ang mga planetang lumiligid dito. Sa ngayon, umaabot na sa 200 ang bilang ng mga planetang natatagpuan sa ibang bituin.
Araw
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang araw ay ang nag-iisang bituin sa kalagitnaan ng sistemang solar na ay nililibotan ng walong planeta, kasama na ang "Daigdig" (Earth), Ang enerhiyang nagmumula sa anyong ilaw at init na nagmumula rito.
Buwan (Earth)
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mga planeta ng Sistemang Solar at malamang ay mga unanong planeta ay inikutan ng hindi bababa sa 219 natural na satellite o buwan.



Ang Mercury na pinakamaliit at pinakaloob na planeta sa Sistemang Solar ay walang buwan.[44] Ang Venus ay walang buwan.[45] Ang Mundo(Earth) ay may isang buwan. Ang Mars ay may dalawang buwan: ang Phobos at Deimos.[46] Ang Jupiter ay may 80 buwan. Ang Saturn ay may 83 buwan na walang alam na orbito. Kabilang dito ang Titan na ikalawang pinakamalaking buwan sa Sistemang Solar. Ang Uranus ay may 27 buwan. Ang Neptune ay may 14 buwan na ang pinakamalaki ang Triton. Ang Pluto na isang unanong planeta ay may 5 buwan. Ang pinakamalaki rito ang Charon. Sa mga unanong planeta, ang Ceres ay walang buwan.
Bilang ng mga buwan Planeta Mercury Venus Earth Mars Jupiter Saturn Uranus Neptune Bilang ng mga buwan 0 0 1 2 80 83 27 14
(Posibleng unano) Ceres Orcus 2003 AZ84 Pluto Ixion Salacia 2002 MS4 Haumea Quaoar Make-
makeVarda 2002 AW197 2013 FY27 Gong-
gongEris Sedna Bilang ng mga buwan 0 1 1 5 0 1 0 2 1 1 1 0 1 1 1 0
Panloob na mga planeta
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mga "Inner planets" nakacompurmiso sa isang rehiyon ito ay mga tinatawag na mga terrestriyal mga planeta na napapalibutan ng asteriod belt, Ay binubuo ng mga metal at mga bagay, Ang mga inner planets ay malapit sa Araw (Sun), Ito ay may layong 5 AU (750 milyon km; 460 milyon mi).
1. Merkuryo
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang merkuryo ay isang planeta sa sistemang solar ay ang ika-una at pinaka-maliit sa walong planeta, Ipinangalan ito sa Romanong diyos na si Merkuryo.
2. Benus
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang benus ay ang ikalawa at tinaguriang pinakamiit sa walong planeta, dahil sa inilalabas nitong "green house effect" na natatabunan mula sa mababang lebel ng ulap, Nahigitan nito ang planetang Merkuryo na ika-una na katabi mula sa Araw, Pinangalanan mula sa diyosa ng pag-ibig at kagandahan ng mga Romano.
3. Mundo (Earth)
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mundo (earth) ay ikatlong planeta na umiinog sa gitnang bituin na Araw ng sistemang solar, Ang buhay at mayrong mga namumuhay na organismo, kasama nito ang "Buwan" sa pag-ikot sa rehiyon ng "frost line".
4. Marte
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Marte o Mars ay ang ikaapat at mapulang planeta, dito matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa sistemang solar ang "Olympus Mons", ito ay may kasakasamang dalawang siluna ito ang "Phobos" at "Deimos", Ang Mars ay kasinglaki ng kontinente ng Aprika na makikita sa Daigdig.
Panlabas na mga planeta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang "outer region planets" o "giant planets" sa sistemang solar ay nagtataglay ng maraming siluna (buwan) at nag lalabas ng gas, ammonia, yelo at diyamante, Ang planetang Hupiter ay ang pinakamalaki sa 8 walong planeta, na siyang nagbabalanse ng puwersa sa pagitan ng Saturno, Marte at Benus ng asteriod belt mula sa kabilang rehiyon na terrestrayal planeta at frost line.
5. Hupiter
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Hupiter ay ang ikalima at pinakamalaking planeta na nasa loob ng sistemang solar na nasa pagitan ng mga planetang Saturno at Marte. Ang hupiter ang siyang kumokontrol sa puwersa ng mga planetang Marte at Benus mula sa pag-inog nito sa gitnang Araw. Ang planeta ay mayroong mga malalaking bagyo mula sa apat na singsing nito at nagtataglay ng gas.
6. Saturno
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Saturno ay ang ika-anim na planeta sa sistemang solar ito ay mga katabi ng planetang Hupiter at Urano, Ang saturn ay ang tinaguriang the "Jewel Planet of the Solar System" dahil sa taglay nitong nakapalibot na singsing, ito ay napapalibotan ng mga walong siluna ang mga: Mimas, Enceladus, Tethys, Dione, Rhea, Titan, Hyperion, Lapetus.
7. Urano
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Urano o uranus ay ang ika pitong planeta sa loob ng sistemang solar at Jovian planets, ito ay nagtataglay ng ammonia, yelo at masangsang na amoy, may mga ilang pag-ulan ng diyamante, ito ay katabi ng mga planetang Saturno at Neptuno, kasama ng "uranus" ang limang siluna (buwan) sa pag-inog nito ito ang mga: Miranda, Ariel, Umbriel, Titana at Oberon.
8. Neptuno
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Neptuno o neptune ay ang ika walong planeta sa loob ng sistemang solar at Jovian planets, ito ay ang pinakamalayo at dulong planeta maliban sa planetang Pluto na sa ika-siyam na puwesto, Ang Neptuno ay ipinangalan sa Diyos ng dagat ng mga Romano. Ang kasamang siluna (buwan) nito sa pag-inog ay ang Triton.
Kuiper belt
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga planeta sa "kuiper belt" o napapaloob sa "trans-Neptunian region" kabilang ang planetang Pluto at Ceres na tinaguriang mga "dwarf planet".
9. Pluto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Pluto ay ang pinakamaliit na planeta mula sa planetang Merkuryo, Ang "pluto" ay ang ika-siyam na planeta na nakapaloob sa sistemang solar, ngunit hindi nabibilang sa bilang ng walong planeta. kasama ng Pluto ang Ceres sa dwarf planets.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Our Local Galactic Neighborhood". interstellar.jpl.nasa.gov. Interstellar Probe Project. NASA. 2000. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 November 2013. Nakuha noong 8 August 2012.
- ↑ Hurt, R. (8 November 2017). "The Milky Way Galaxy". science.nasa.gov (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 April 2024.
- ↑ Lurie, John C.; Henry, Todd J.; Jao, Wei-Chun; atbp. (2014). "The Solar neighborhood. XXXIV. A search for planets orbiting nearby M dwarfs using astrometry". The Astronomical Journal. 148 (5): 91. arXiv:1407.4820. Bibcode:2014AJ....148...91L. doi:10.1088/0004-6256/148/5/91. ISSN 0004-6256. S2CID 118492541.
- ↑ "The One Hundred Nearest Star Systems". astro.gsu.edu. Research Consortium On Nearby Stars, Georgia State University. 7 September 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 November 2007. Nakuha noong 2 December 2014.
- ↑ "Solar System Objects". NASA/JPL Solar System Dynamics. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 July 2021. Nakuha noong 14 August 2023.
- ↑ "Latest Published Data". The International Astronomical Union Minor Planet Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 March 2019. Nakuha noong 27 May 2024.
- ↑ Yeomans, Donald K. "HORIZONS Web-Interface for Neptune Barycenter (Major Body=8)". jpl.nasa.gov. JPL Horizons On-Line Ephemeris System. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 September 2021. Nakuha noong 18 July 2014. – Select "Ephemeris Type: Orbital Elements", "Time Span: 2000-01-01 12:00 to 2000-01-02". ("Target Body: Neptune Barycenter" and "Center: Solar System Barycenter (@0)".)
- ↑ Chiang, E. I.; Jordan, A. B.; Millis, R. L.; atbp. (2003). "Resonance Occupation in the Kuiper Belt: Case Examples of the 5:2 and Trojan Resonances". The Astronomical Journal. 126 (1): 430–443. arXiv:astro-ph/0301458. Bibcode:2003AJ....126..430C. doi:10.1086/375207. S2CID 54079935.
- ↑ de la Fuente Marcos, C.; de la Fuente Marcos, R. (January 2024). "Past the outer rim, into the unknown: structures beyond the Kuiper Cliff". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society Letters. 527 (1) (nilathala 20 September 2023): L110–L114. arXiv:2309.03885. Bibcode:2024MNRAS.527L.110D. doi:10.1093/mnrasl/slad132. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 October 2023. Nakuha noong 28 September 2023.
- ↑ Mumma, M. J.; Disanti, M. A.; Dello Russo, N.; atbp. (2003). "Remote infrared observations of parent volatiles in comets: A window on the early solar system". Advances in Space Research. 31 (12): 2563–2575. Bibcode:2003AdSpR..31.2563M. CiteSeerX 10.1.1.575.5091. doi:10.1016/S0273-1177(03)00578-7.
- ↑ Greicius, Tony (5 May 2015). "NASA Spacecraft Embarks on Historic Journey Into Interstellar Space". nasa.gov. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 June 2020. Nakuha noong 19 April 2024.
- ↑ Chebotarev, G. A. (1 January 1963). "Gravitational Spheres of the Major Planets, Moon and Sun". Astronomicheskii Zhurnal. 40: 812. Bibcode:1964SvA.....7..618C. ISSN 0004-6299. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 May 2024. Nakuha noong 6 May 2024.
- ↑ Souami, D; Cresson, J; Biernacki, C; Pierret, F (21 August 2020). "On the local and global properties of gravitational spheres of influence". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society. 496 (4): 4287–4297. arXiv:2005.13059. doi:10.1093/mnras/staa1520.
- ↑ Francis, Charles; Anderson, Erik (June 2014). "Two estimates of the distance to the Galactic Centre". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society. 441 (2): 1105–1114. arXiv:1309.2629. Bibcode:2014MNRAS.441.1105F. doi:10.1093/mnras/stu631. S2CID 119235554.
- ↑ 15.0 15.1 "Sun: Facts". science.nasa.gov (sa wikang Ingles). 14 November 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 April 2024. Nakuha noong 19 April 2024.
- ↑ "Our Solar System". NASA Solar System Exploration (sa wikang Ingles). NASA. 22 Marso 2023. Nakuha noong 25 Marso 2023.
- ↑ Orrell, David (2012). Truth Or Beauty: Science and the Quest for Order. Yale University Press. pp. 25–27. ISBN 978-0300186611. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Hulyo 2022. Nakuha noong 23 Abril 2025.
- ↑ Rufus, W. C. (1923). "The astronomical system of Copernicus". Popular Astronomy. Bol. 31. p. 510. Bibcode:1923PA.....31..510R.
- ↑ Weinert, Friedel (2009). Copernicus, Darwin, & Freud: revolutions in the history and philosophy of science (sa wikang Ingles). Wiley-Blackwell. p. 21. ISBN 978-1-4051-8183-9.
- ↑ LoLordo, Antonia (2007). Pierre Gassendi and the Birth of Early Modern Philosophy. New York: Cambridge University Press. pp. 12, 27. ISBN 978-0-511-34982-9. OCLC 182818133. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Abril 2022. Nakuha noong 23 Abril 2022.
- ↑ Athreya, A.; Gingerich, O. (December 1996). "An Analysis of Kepler's Rudolphine Tables and Implications for the Reception of His Physical Astronomy". Bulletin of the American Astronomical Society. 28 (4): 1305. Bibcode:1996AAS...189.2404A.
- ↑ Pasachoff, Jay M. (Mayo 2015). "Simon Marius's Mundus Iovialis: 400th Anniversary in Galileo's Shadow". Journal for the History of Astronomy (sa wikang Ingles). 46 (2): 218–234. Bibcode:2015JHA....46..218P. doi:10.1177/0021828615585493. ISSN 0021-8286. S2CID 120470649. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Nobyembre 2021. Nakuha noong 23 Abril 2022.
- ↑ "Christiaan Huygens: Discoverer of Titan". ESA Space Science (sa wikang Ingles). The European Space Agency. 8 Disyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Disyembre 2019. Nakuha noong 23 Abril 2025.
- ↑ Zabludoff, Ann. "Lecture 13: The Nebular Theory of the origin of the Solar System". NATS 102: The Physical Universe (sa wikang Ingles). University of Arizona. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Agosto 2011. Nakuha noong 6 Mayo 2024.
- ↑ 25.0 25.1 Irvine, W. M. (1983). "The chemical composition of the pre-solar nebula". Cometary exploration; Proceedings of the International Conference. Bol. 1. p. 3. Bibcode:1983coex....1....3I.
- ↑ Greaves, Jane S. (7 Enero 2005). "Disks Around Stars and the Growth of Planetary Systems". Science. 307 (5706): 68–71. Bibcode:2005Sci...307...68G. doi:10.1126/science.1101979. PMID 15637266. S2CID 27720602.
- ↑ National Research Council, Division on Engineering and Physical Sciences; Space Studies Board, Committee on Planetary and Lunar Exploration (1990). "3. Present Understanding of the Origin of Planetary Systems". Strategy for the Detection and Study of Other Planetary Systems and Extrasolar Planetary Materials: 1990–2000. Washington D.C.: National Academies Press. pp. 21–33. ISBN 978-0309041935. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Abril 2022. Nakuha noong 6 Mayo 2024.
- ↑ Boss, A. P.; Durisen, R. H. (2005). "Chondrule-forming Shock Fronts in the Solar Nebula: A Possible Unified Scenario for Planet and Chondrite Formation". The Astrophysical Journal. 621 (2): L137. arXiv:astro-ph/0501592. Bibcode:2005ApJ...621L.137B. doi:10.1086/429160. S2CID 15244154.
- ↑ 29.0 29.1 29.2 29.3 Bennett, Jeffrey O. (2020). "Chapter 8.2". The cosmic perspective (ika-9th (na) labas). Hoboken, New Jersey: Pearson. ISBN 978-0-134-87436-4.
- ↑ Nagasawa, M.; Thommes, E. W.; Kenyon, S. J.; atbp. (2007). "The Diverse Origins of Terrestrial-Planet Systems" (PDF). Mula sa Reipurth, B.; Jewitt, D.; Keil, K. (mga pat.). Protostars and Planets V. Tucson: University of Arizona Press. pp. 639–654. Bibcode:2007prpl.conf..639N. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 12 Abril 2022. Nakuha noong 10 April 2022.
- ↑ Yi, Sukyoung; Demarque, Pierre; Kim, Yong-Cheol; atbp. (2001). "Toward Better Age Estimates for Stellar Populations: The Y2 Isochrones for Solar Mixture". Astrophysical Journal Supplement. 136 (2): 417–437. arXiv:astro-ph/0104292. Bibcode:2001ApJS..136..417Y. doi:10.1086/321795. S2CID 118940644.
- ↑ 32.0 32.1 Gough, D. O. (November 1981). "Solar Interior Structure and Luminosity Variations". Solar Physics. 74 (1): 21–34. Bibcode:1981SoPh...74...21G. doi:10.1007/BF00151270. S2CID 120541081.
- ↑ Shaviv, Nir J. (2003). "Towards a Solution to the Early Faint Sun Paradox: A Lower Cosmic Ray Flux from a Stronger Solar Wind". Journal of Geophysical Research. 108 (A12): 1437. arXiv:astroph/0306477. Bibcode:2003JGRA..108.1437S. doi:10.1029/2003JA009997. S2CID 11148141.
- ↑ Chrysostomou, A.; Lucas, P. W. (2005). "The Formation of Stars". Contemporary Physics. 46 (1): 29–40. Bibcode:2005ConPh..46...29C. doi:10.1080/0010751042000275277. S2CID 120275197.
- ↑ Gomes, R.; Levison, H. F.; Tsiganis, K.; Morbidelli, A. (2005). "Origin of the cataclysmic Late Heavy Bombardment period of the terrestrial planets". Nature. 435 (7041): 466–469. Bibcode:2005Natur.435..466G. doi:10.1038/nature03676. PMID 15917802.
- ↑ Crida, A. (2009). "Solar System Formation". Reviews in Modern Astronomy: Formation and Evolution of Cosmic Structures. Bol. 21. pp. 215–227. arXiv:0903.3008. Bibcode:2009RvMA...21..215C. doi:10.1002/9783527629190.ch12. ISBN 9783527629190. S2CID 118414100.
- ↑ Malhotra, R.; Holman, Matthew; Ito, Takashi (Oktubre 2001). "Chaos and stability of the solar system". Proceedings of the National Academy of Sciences. 98 (22): 12342–12343. Bibcode:2001PNAS...9812342M. doi:10.1073/pnas.231384098. PMC 60054. PMID 11606772.
- ↑ Raymond, Sean; atbp. (27 Nobyembre 2023). "Future trajectories of the Solar System: dynamical simulations of stellar encounters within 100 au". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society. 527 (3): 6126–6138. arXiv:2311.12171. Bibcode:2024MNRAS.527.6126R. doi:10.1093/mnras/stad3604. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Disyembre 2023. Nakuha noong 31 Agosto 2025.
- ↑ 39.0 39.1 39.2 Schröder, K.-P.; Connon Smith, Robert (Mayo 2008). "Distant future of the Sun and Earth revisited". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society. 386 (1): 155–163. arXiv:0801.4031. Bibcode:2008MNRAS.386..155S. doi:10.1111/j.1365-2966.2008.13022.x. S2CID 10073988.
- ↑ "Giant red stars may heat frozen worlds into habitable planets". NASA Science (sa wikang Ingles). 17 Mayo 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Agosto 2025. Nakuha noong 31 Agosto 2025.
- ↑ Aungwerojwit, Amornrat; Gänsicke, Boris T; Dhillon, Vikram S; atbp. (2024). "Long-term variability in debris transiting white dwarfs". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society. 530 (1): 117–128. arXiv:2404.04422. doi:10.1093/mnras/stae750.
- ↑ "Planetary Nebulas". cfa.harvard.edu (sa wikang Ingles). Harvard & Smithsonian Center for Astrophysics. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Abril 2024. Nakuha noong 31 Agosto 2025.
- ↑ Gesicki, K.; Zijlstra, A. A.; Miller Bertolami, M. M. (7 Mayo 2018). "The mysterious age invariance of the planetary nebula luminosity function bright cut-off". Nature Astronomy. 2 (7): 580–584. arXiv:1805.02643. Bibcode:2018NatAs...2..580G. doi:10.1038/s41550-018-0453-9. hdl:11336/82487. S2CID 256708667. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Enero 2024. Nakuha noong 31 Agosto 2025.
- ↑ Warell, J.; Karlsson, O. (2007). "A search for natural satellites of Mercury". Planetary and Space Science. 55 (14): 2037–2041. Bibcode:2007P&SS...55.2037W. doi:10.1016/j.pss.2007.06.004.
- ↑ "Solar System Exploration: Planets: Venus: Moons". NASA. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 February 2016. Nakuha noong 16 March 2008.
- ↑ Sheppard, Scott; atbp. (2004). "A Survey for Outer Satellites of Mars: Limits to Completeness". The Astronomical Journal. 128 (5): 2542–2546. arXiv:astro-ph/0409522. Bibcode:2004AJ....128.2542S. doi:10.1086/424541. S2CID 45681283.
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Talaan ng mga sistema ng mga bituin na pinananatili ng Observatoire de Paris sa pangunguna ni Jean Schneider ng Laboratoire de l'Univers et de ses Théories.
Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2
