Pumunta sa nilalaman

Pluto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pluto ⯓
Isang pinagsamang larawan ng Pluto na kinuha ng New Horizons noong Hulyo 14, 2015 mula sa layo na 450,000 kilometro. Ang larawan ay malapit sa tunay na kulay ng Pluto.
Pagkatuklas
Natuklasan niClyde W. Tombaugh
Natuklasan noongPebrero 18, 1930
Designasyon
Designasyong MPC134340 Pluto
Bigkas /ˈplt/
Ipinangalan kayPluto
Kategorya ng planetang menor
  • Dwarf planet
  • Trans-Neptunian object
  • Plutoid
  • Kuiper belt object
  • Plutino
Pang-uriPlutonian
Orbital characteristics[4][a]
Epoch J2000
Aphelion
  • 49.319 AU
  • (7311000000 km)
Perihelion
  • 29.656 AU
  • (4437000000 km)
  • (5 September 1989)[1]
Semi-major axis
  • 39.487 AU
  • (5874000000 km)
Eccentricity0.24897
Orbital period
Synodic period366.73 na araw[2]
Average orbital speed4.67 km/s[2]
Mean anomaly14.85 deg
Inclination
  • 17.1405°
  • (11.88° tungo sa ekwador ng Araw)
Longitude of ascending node110.301°
Argument of perihelion113.777°
Known satellites5
Pisikal na katangian
Mean radius
Pang-ibabaw na sukat
  • 1.77×107 km2[b]
  • 0.035 na mga Daigdig
Volume
  • 6.99×109 km3[c]
  • 0.0064 na mga Daigdig
Mass
Mean density1.88 g/cm3[7]
Surface gravity
Escape velocity1.212 km/s[e]
Sidereal rotation period
  • 6.387230 d
  • 6 d, 9 h, 17 m, 36 s
Equatorial rotation velocity47.18 km/h
Axial tilt119.591°±0.014° (to orbit)[6][f]
North pole right ascension132.993°[8]
North pole declination−6.163°[8]
Albedo0.49 to 0.66 (geometric, varies by 35%)[2][9]
Surface temp. min mean max
Kelvin 33 K 44 K (−229 °C) 55 K
Apparent magnitude13.65[2] to 16.3[10]
(mean is 15.1)[2]
Absolute magnitude (H)−0.7[11]
Angular diameter0.06″ to 0.11″[2][g]
Atmosphere
Surface pressure0.30 Pa (summer maximum) to 1.0 Pa[13]
Composition by volumeNitrogen, methane, carbon monoxide[12]
Planetang Pluto
Pluto at Karonte

Ang Pluto (minor-planet designation: 134340 Pluto; sagisag: ⯓[14] o ♇[15]) ay isang planetang unano sa Kuiper belt, isang sinturon ng mga bagay lampas sa Neptune. Ito ay ang unang bagay sa Kuiper belt na natuklasan. Ito ay ang pinakamalaki at ikalawang pinaka-mabigat na kilalang unanong planeta sa Sistemang Solar at ang ikasiyam na pinakamalaking at ikasampung pinaka-mabigat na bagay na direktang nag-oorbit sa Araw. Ito ay ang pinakamalaking kilalang trans-Neptununian object (TNO) ayon sa volume ngunit magaan kaysa Eris, isang dwarf planet sa scattered disc. Tulad ng iba pang bagay sa Kuiper belt, ang Pluto ay pangunahing gawa ng yelo at bato[16] at mas maliit-mga isang-kaanim ng mass ng Buwan at isang-katlo ng volume nito. Ito ay mayroong katamtamang eccentric at nakahilig naorbit at may layong 30 hanggang 49 astronomical unit o AU (4.4-7300000000 km) mula sa Araw. Nangangahulugan ito na ang Pluto ay may panahong mas malapit sa Araw kaysa Neptune, ngunit mayroon Pluto at Neputune ng isang matatag na orbital resonance na pumipigil sa kanilang pagbabanggaan. Noong 2014, Pluto ay 32.6 AU ang layo mula sa Araw Ang liawanag ng Araw ay umaabot ng 5.5 oras upang maabot ang Pluto sa kanyang average na layo (39.4 AU).[17]

Ang Pluto ay natuklasan noong 1930 ni Clyde Tombaugh, at noon ay orihinal na itinuturing na ikasiyam na planeta mula sa Araw Matapos ang 1992, ang katayuan nito bilang isang planeta ay pinag-alinlangan nang makatulas ng ilang mga bagay na may kaparehong laki sa Kuiper belt. Noong 2005, Eris, na 27% na mas massive kaysa sa Pluto, ay natuklasan, na nagtulak sa International Astronomical Union (IAU) upang pormal na bigyan ng depisiyon ang salitang "planeta" sa unang pagkakataon sa sumunod na taon.[18] Ang depinisyong ito ibinukod at Pluto at nauri bilang isang miyembro ng bagong kategoryang "dwarf planeta" (at partikular bilang isang plutoid).[19] Tingin ng ilan astronomo na ang Pluto, pati na rin ang iba pang dwarf planet, dapat itururing na mga planeta.[20][21][22]

Ang Pluto ay may limang kilalang buwan: Karonte (Charon, ang pinakamalaki, na may diameter na lagpas kalahati ng Pluto), Styx, Nix, Kerberos, at Hydra.[23] Ang Pluto at Karonte ay itinuturing rin na isang binary system dahil ang barycenter ng ​​kanilang mga orbit ay hindi matatagpuan sa loob ng mga ito.[24] Hindi pormal na binigyang depinisyon ng IAU ang "binary dwarf planet", kaya ang Karonte ay opisyal na nauuri bilang isang buwan ng Pluto.[25]

Noong 14 Hulyo 2015, ang spacecraft New Horizons ang naging unang spacecraft na nag-fly-by sa Pluto.[26][27][28] Sa loob ng maikling flyby na ito, ang New Horizons ay nakagawa ng detalyadong pagsukat at mga obserbasyon ng Pluto at mga buwan nito.[29]

Pagkadiskubre

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong dekada 1840, ginamit ni Urbain Le Verrier ang Newtonian mechanics upang bigyang prediksiyon ang posisyon ng hindi pang natuklasang planeta na Neptune pagkatapos ang analisis sa perturbation sa orbit ng Uranus.[30] Ang mga sumunod na obserbasyon sa Neptune sa huling bahagi ng ika-19 na siglo ay humantong sa pag-espukula ng mga astronomo na ang orbit Uranus ay naiimpluwensiyahan ng isa pang planeta bukod sa Neptune.

Noong 1906, si Percival Lowell – isang mayamang taga-Boston na nagtatag sa Lowell Observatory sa Flagstaff, Arizona, noong 1894 – ay nagsimula ng isang malawak na proyekto sa paghahanap ng isang posibleng ikasiyam na planeta, at tinaguriang niya itong "Planet X".[31] Noong 1909, iminungkahi nina Lowell at William H. Pickering ang ilang mga posibleng celestial coordinate para sa naturang planeta.[32] Isinasagawa ni Lowell at ng kanyang obserbatoryo ang paghahanap hanggang sa kanyang kamatayan noong 1916, ngunit sila ay nabigo. Hindi alam ni Lowell, ang kanyang mga survey ay nakakuha ng dalawang malabong imahen ng Pluto noong 19 Marso at 7 Abril 1915, ngunit hindi nila nakilala kung ano ang mga ito.[32][33] Mayroong iba pang labing-apat obserbasyon bago ang pagkakatuklas, sa mga ito ang pinakalumang ay ginawa ng Yerkes Observatory noong 20 Agosto 1909.[34]

Ang balo ni Percival, si Constance Lowell, ay nagtangkang umagaw sa pamanang milyong dolyar na bahagi ng obserbatoryo para sa kanyang sarili. Dahil sa na sampung taon paghahabla, ang paghahanap para sa Planet X ay ​​hindi naipagpatuloy hanggang 1929.[35] Sa panahong iyon, si Vesto Melvin Slipher, ang direktor ng obserbatoryo, ay buong ipinasa ang trabaho sa paghahanap ng Planet X sa 23-taong gulang na si Clyde Tombaugh, na kararating pa lamang sa Lowell Observatory matapos na-impress si Slipher sa isang habawa ng kanyang guhit pang-astronomya.[35]

Ang mga gawain ni Tombaugh ay sistematikong kunan ng imahen sa kalangitan ng gabi sa pares ng mga larawan, at pagkatapos ay suriin ang bawat pares at tukuyin kung mayroong mga bagay na nagpalit ng posisyon. Gamit ng isang blink comparator, mabilis na pinapalit-palit mga imahen sa bawat plate upang upang lumikha ng ilusyon ng pagkilos ng anumang bagay na nagbago ng posisyon o hitsura. Noong 18 Pebrero 1930, pagkatapos ng halos isang taong paghahanap, natuklasan ni Tombaugh ang isang posibleng gumagalaw na bagay sa mga photographic plates na noong 23 at 29 ng Enero ng taong iyon. Isang mas mababang-kalidad na litrato na kinuha noong Enero 21 ang nakakumpirma sa pagkilos.[36] Matapos makuha ang obserbatoryo ng larawang pangkumpirma, balita ng pagkatuklas ay itinlegrama sa Harvard College Observatory noong 13 Marso 1930.[32]

Pagpapangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagkatuklas napabalita sa buong mundo. Ang Lowell Observatory, na siyang may karapatan na magpangalan sa bagong bagay, na nakatanggap ng higit sa 1,000 mungkahi mula sa lahat ng dako ng mundo, mga pangalang mula Atlas hanggang Zymal.[37] Hinimuk kaagad ni Tombaugh sa Slipher upang magmungkahi ng isang pangalan para sa bagong bagay bago siya maunahan ng iba.[37] Ipinakula ni Constance Lowell ang Zeus , pagkatapos Percival at sa wakas Constance. Ang mga suhestiyong ito ay binalewala.[38]

Ang pangalang Pluto, alinsunod sa diyos ng underworld, ay iminungkahi ni Venetia Burney (1918–2009), isang labing-isang-taon gulang na mag-aaral sa Oxford, England, na noon ay interesado sa classical na mitolohiya.[39] Iminungkahing niya ito sa isang pag-uusap sa kanyang lolo na si Falconer Madan, isang dating librarian sa Bodleian Library ng University of Oxford na ipinasa ang pangalan kay Herbert Hall Turner na propesor sa astronomiya, at itinelegrama naman ito sa mga kasamahan niya sa Estados Unidos.[39]

Ang bagay ay opisyal na pinangalanan noong 24 Marso 1930.[40][41] Ang bawat miyembro ng Lowell Observatory ay pinapayagang pumili sa isang maikling-listahan na may tatlong pangalan: Minerva (na noon ay ipinangalan na para sa isang asteroid), Cronus (na nawalan ng reputasyon dahil iminungkahi kinayayamutang astronomo na si Thomas Jefferson Jackson See), at Pluto. Natanggap ng Pluto ang bawat boto.[42] Ang pangalan ay inihayag sa 1 Mayo 1930.[39] Pagkatapos ng anunsyo, binigyan ni Madan si Venetia ng £5 (katumbas ng 300 GBP, o 450 USD sa 2024)[43] bilang gantimpala.[39]

Nakatulong sa pagkakapili ng pangalan ang unang dalawang titik ng Pluto dahil ito ang mga inisyal ni Percival Lowell. Ang simbolong pang-astronomiya ng Pluto (♇, Unicode U+2647 ♇) ay nilikha bilang isang monogram na gawa sa mga titik na "PL".[44] Ang simbolong pang-astrolohiya ng Pluto ay kahawig ng sa Neptune (♆), ngunit ito ay may bilog kapalit ng gitnang sanga ng sungay ng salapang (⯓, U+2BD3 ⯓).

Ang pangalan ay madaling niyakap ng madla. Noong 1930, si Walt Disney ay nabigyang-inspirasyon nang ipinakilala nito ang alagang aso ni Mickey Mouse na nagngangalang Pluto, ngunit hindi makumpira ni Disney animator Ben Sharpsteen kung bakit ito ang pangalang ibinigay.[45] Noong 1941, pinangalanan ni Glenn T. Seaborg ang bagong likhang element na plutonium alinsunod sa Pluto, sa pagsunod sa tradisyon ng pagbibigay ng pangalan sa mga elemento matapos makatuklas ng bagong planeta, sinundan nito ang uranium, na ipinagalana sa Uranus, at neptunium na ipinangalan sa Neptune.[46]

Karamihan ng mga wika gumamit ng pangalang "Pluto" sa iba't-ibang transliterasyon.[h] Sa Japanese, Houei Nojiri ang iminungkahing salin, Meiōsei (冥王星, "Star of the King (God) of the Underworld") at ito ay hiniram sa Chinese, Korean, at Vietnamese.[47][48][49] Ang ilang wika sa India ay gumamit ng pangalang Pluto, ngunit ang iba, tulad ng Hindi, ay gumamit ng pangalanng Yama , ang Tagapag-alaga ng Impiyerno sa mitolohiyang Hindu at Buddhist, pati na rin Vietnamese.[48] Sa mga wikang Polynesian madalas na ginagamit ang pangalan ng katutubong diyos ng underworld, pati na sa Maori bilang Whiro .[48]

Planet X pinabulaanan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang natagpuan, ang kalabuan at kakulangan ng naaninag na disc ng Pluto ang nagdulot ng pagdududa sa ideya na ito ang Planet X ni Lowell.[31] Ang mga tantiya sa mass ng Pluto ay pababa nang pababa sa buong ika-20 siglo.[50]

Tantiya sa Mass ng Pluto
Taon Mass Tantiya ng
1915 7 Earth Lowell (prediksiyon para Planet X)[31]
1931 1 Earth Nicholson & Mayall[51][52][53]
1948 0.1 (1/10) Earth Kuiper[54]
1976 0.01 (1/100) Earth Cruikshank, Pilcher, & Morrison[55]
1978 0.0015 (1/650) Earth Christy & Harrington[56]
2006 0.00218 (1/459) Earth Buie et al.[6]

Unang kinakalkula ng mga astronomo ang mass nito batay sa na epekto nito sa Neptune at Uranus. Noong 1931, ang Pluto ay nakalkula nang humigit kumulang sa mass ng Earth, na may karagdagang mga kalkulasyon noong 1948 nagdadala ng mass pababa sa humigit-kumulang na mass ng Mars.[52][54] Noong 1976, sina Dale Cruikshank, Carl Pilcher at David Morrison ng University of Hawaii ang nagkalkula sa albedo ng Pluto sa unang pagkakataon, at nakitaan ito na tugma nang sa yelong methane; nangangahulugan ito na ang Pluto napakakinang para sa laki nito at samakatuwid ay hindi maaaring maging mas mababa sa 1 porsiyento ng mass ng Earth.[55] (Ang albedo Pluto ng ay higit na 1.4–1.9 beses ng sa Earth.[2])

Noong 1978, pagkatapos matuklasan ang buwan ng Pluto na Karonte nasukat ang mass Pluto sa unang pagkakataon: humigit-kumulang sa 0.2% nang sa Earth, at malayong maliit para makaimpluwensiya sa pagkakaiba ng orbit ng Uranus. Ang sumunod na paghahanap para sa isang alternatibong Planet X, pinakakilala dito ang kay Robert Sutton Harrington, [57] ay nabigo. Noong 1992, ginamit ni Myles Standish ang data mula sa pag-flyby ng Voyager 2 sa Neptune noong 1989, dito binago ang tantiya sa mass Neptune pababa ng 0.5%--isang halagang maihahambing sa mass ng Mars – upang muling kalkulahin ang gravitational effect nito sa Uranus. Gamit ang bagong dagdag na pigura, ang mga pagkakaiba (discrepancy), kasama ang pangangailangan ng isang Planet X, ay naglaho.[58] Sa ngayon, ang karamihan ng mga siyentipiko ay sumang-ayon na ang Planet X, sa depenisyon ni Lowell, ay hindi umiiral.[59] Gumawa ng prediksiyon si Lowell sa orbit at posisyon ng Planet X noong 1915 na medyo malapit sa aktuwal na orbit at posisyon ng Pluto sa panahong iyon nito; pagkaraan sinabi ni Ernest W. Brown na ang pagkakatuklas ng Pluto ay nagkataon lang (coincidence),[60] isang pananaw na umiiral hanggang ngayon.[58]

  1. Ang mga elementong orbital ay tumutukoy sa barycenter ng sistemang Pluto at barycenter ng Sistemang Solar, at ang kaagarang nag-oosculate na mga value sa tiyak na epokong J2000. Ang mga datos sa barycenter quantities ay ibinigay mula sa sentrong planetal, at ito ay hindi nagbabago ng masyado sa pangaraw-araw na basehan mula sa paggalaw ng mga buwan. Ang orbital period ng Pluto ay nakalista bilang 248 na taon dahil karamihan sa mga sanggunian ay ginagamit ang mas matatag na barycenter ng Sistemang Solar (Araw+Jupiter) upang ilista ang orbital period ng sistemang Pluto–Karonte. Isang solusyong helyosentrikong J2000 ay bibigay ng datos na 246 na taon.
  2. Surface area derived from the radius r: .
  3. Volume v derived from the radius r: .
  4. Surface gravity derived from the mass M, the gravitational constant G and the radius r: .
  5. Escape velocity derived from the mass M, the gravitational constant G and the radius r: .
  6. Based on the orientation of Charon's orbit, which is assumed the same as Pluto's spin axis due to the mutual tidal locking.
  7. Based on geometry of minimum and maximum distance from Earth and Pluto radius in the factsheet
  8. The equivalence is less close in languages whose phonology differs widely from Greek's, such as Somali Buluuto and Navajo Tłóotoo.
  1. "Horizon Online Ephemeris System for Pluto Barycenter". JPL Horizons On-Line Ephemeris System @ Solar System Dynamics Group. Nakuha noong 16 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (set Observer Location to @0 to place the observer at the center of the Sun-Jupiter system)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 2.8 Williams, David R. (24 Hulyo 2015). "Pluto Fact Sheet". NASA. Nakuha noong 6 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Seligman, Courtney. "Rotation Period and Day Length". Nakuha noong 13 Agosto 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "HORIZONS Web-Interface for Pluto Barycenter (Major Body = 9)". JPL Horizons On-Line Ephemeris System. Nakuha noong 11 Oktubre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Select "Ephemeris Type: Elements", "Target Body: Pluto Barycenter" and "Center: @Sun".
  5. NASA's New Horizons Team Reveals New Scientific Findings on Pluto. NASA. 24 Hulyo 2015. Naganap noong 52:30. Nakuha noong 30 Hulyo 2015. We had an uncertainty that ranged over maybe 70 kilometers, we've collapsed that to plus and minus two, and it's centered around 1186{{cite midyang AV}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 Buie, Marc W.; Grundy, William M.; Young, Eliot F.; atbp. (2006). "Orbits and photometry of Pluto's satellites: Charon, S/2005 P1, and S/2005 P2". Astronomical Journal. 132 (1): 290. arXiv:astro-ph/0512491. Bibcode:2006AJ....132..290B. doi:10.1086/504422.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Here's How to Make NASA's Pluto Flyby a 'Teachable Moment' for Students
  8. 8.0 8.1 Archinal, B. A.; A’Hearn, M. F.; Bowell, E.; Conrad, A.; Consolmagno, G. J.; Courtin, R.; Fukushima, T.; Hestroffer, D.; Hilton, J. L.; Krasinsky, G. A.; Neumann, G.; Oberst, J.; Seidelmann, P. K.; Stooke, P.; Tholen, D. J.; Thomas, P. C.; Williams, I. P. (2010). "Report of the IAU Working Group on Cartographic Coordinates and Rotational Elements: 2009". Celestial Mechanics and Dynamical Astronomy. 109 (2): 101–135. doi:10.1007/s10569-010-9320-4. ISSN 0923-2958.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Hamilton, Calvin J. (12 Pebrero 2006). "Dwarf Planet Pluto". Views of the Solar System. Nakuha noong 10 Enero 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "AstDys (134340) Pluto Ephemerides". Department of Mathematics, University of Pisa, Italy. Nakuha noong 27 Hunyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "JPL Small-Body Database Browser: 134340 Pluto". Nakuha noong 12 Hunyo 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Pluto has carbon monoxide in its atmosphere". Physorg.com. 19 Abril 2011. Nakuha noong 22 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Amos, Jonathan (23 Hulyo 2015). "New Horizons: Pluto may have 'nitrogen glaciers'". BBC News. Nakuha noong 26 Hulyo 2015. It could tell from the passage of sunlight and radiowaves through the Plutonian "air" that the pressure was only about 10 microbars at the surface{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. JPL/NASA (2015-04-22). "What is a Dwarf Planet?". Jet Propulsion Laboratory. Nakuha noong 2022-01-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. John Lewis, pat. (2004). Physics and chemistry of the solar system (ika-2 (na) edisyon). Elsevier. p. 64.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Stern, S. Alan; Mitton, Jacqueline (2005). Pluto and Charon: ice worlds on the ragged edge of the solar system. Weinheim:Wiley-VCH. ISBN 3-527-40556-9. Nakuha noong 3 Hulyo 2013.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "NASA: How fast does light travel from the Sun to each of the planets?". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-08-20. Nakuha noong 2015-08-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Astronomers Measure Mass of Largest Dwarf Planet". hubblesite. 2007. Nakuha noong 3 Nobyembre 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Akwagyiram, Alexis (2 Agosto 2005). "Farewell Pluto?". BBC News. Nakuha noong 5 Marso 2006.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Gray, Richard (10 Agosto 2008). "Pluto should get back planet status, say astronomers". The Telegraph. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 29 Oktubre 2014. Nakuha noong 9 Agosto 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Gorwyn, Adam; Alan Stern: ‘A Chihuahua is still a dog, and Pluto is still a planet’, EarthSky interview, 18 February 2010
  22. "Should Large Moons Be Called 'Satellite Planets'?". News.discovery.com. 14 Mayo 2010. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 5 Mayo 2012. Nakuha noong 4 Nobyembre 2011. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Showalter, Mark R. (11 Hulyo 2012). "Hubble Discovers a Fifth Moon Orbiting Pluto (News Release STScI-2012-32)". HubbleSite NewsCenter. Nakuha noong 11 Hulyo 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Olkin, Catherine B.; Wasserman, Lawrence H.; Franz, Otto G. (2003). "The mass ratio of Charon to Pluto from Hubble Space Telescope astrometry with the fine guidance sensors" (PDF). Icarus. Lowell Observatory. 164 (1): 254–259. Bibcode:2003Icar..164..254O. doi:10.1016/S0019-1035(03)00136-2. Nakuha noong 13 Marso 2007.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Pluto and the Developing Landscape of Our Solar System" International Astronomical Union. Retrieved on 27 October 2010.
  26. Chang, Kenneth (14 Hulyo 2015). "NASA's New Horizons Spacecraft Completes Flyby of Pluto". New York Times. Nakuha noong 14 Hulyo 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Dunn, Marcia (14 Hulyo 2015). "Pluto close-up: Spacecraft makes flyby of icy, mystery world". AP News. Nakuha noong 14 Hulyo 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Chang, Kenneth (18 Hulyo 2015). "The Long, Strange Trip to Pluto, and How NASA Nearly Missed It". New York Times. Nakuha noong 19 Hulyo 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Chang, Kenneth (6 Hulyo 2015). "Almost Time for Pluto's Close-Up". The New York Times. Nakuha noong 6 Hulyo 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Croswell, Ken (1997). Planet Quest: The Epic Discovery of Alien Solar Systems. New York: The Free Press. p. 43. ISBN 978-0-684-83252-4. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. 31.0 31.1 31.2 Tombaugh, Clyde W. (1946). "The Search for the Ninth Planet, Pluto". Astronomical Society of the Pacific Leaflets. 5: 73–80. Bibcode:1946ASPL....5...73T.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. 32.0 32.1 32.2 Hoyt, William G. (1976). "W. H. Pickering's Planetary Predictions and the Discovery of Pluto". Isis. 67 (4): 551–564. doi:10.1086/351668. JSTOR 230561.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Littman, Mark (1990). Planets Beyond: Discovering the Outer Solar System. Wiley. p. 70. ISBN 0-471-51053-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Buchwald, Greg; Dimario, Michael; Wild, Walter (2000). "Pluto is Discovered Back in Time". Amateur—Professional Partnerships in Astronomy. San Francisco: San Francisco: Astronomical Society of the Pacific. 220: 335. Bibcode:2000ASPC..220..355B. ISBN 1-58381-052-8.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. 35.0 35.1 Croswell 1997, p. 50.
  36. Croswell 1997, p. 52.
  37. 37.0 37.1 Rao, Joe (11 Marso 2005). "Finding Pluto: Tough Task, Even 75 Years Later". Space.com. Nakuha noong 8 Setyembre 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. Mager, Brad. "The Search Continues". Pluto: The Discovery of Planet X. Nakuha noong 29 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. 39.0 39.1 39.2 39.3 Rincon, Paul (13 Enero 2006). "The girl who named a planet". BBC News. Nakuha noong 12 Abril 2007.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "The Trans-Neptunian Body: Decision to call it Pluto". The Times. 27 Mayo 1930. p. 15.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Name Pluto Given to Body Believed to Be Planet X". The New York Times. Associated Press. 25 Mayo 1930. p. 1. ISSN 0362-4331. Pluto, the title of the Roman gods of the region of darkness, was announced tonight at Lowell Observatory here as the name chosen for the recently discovered trans-Neptunian body, which is believed to be the long-sought Planet X.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. Croswell 1997, pp. 54–55.
  43. UK Retail Price Index inflation figures are based on data from Clark, Gregory (2017). "The Annual RPI and Average Earnings for Britain, 1209 to Present (New Series)". MeasuringWorth. Nakuha noong Enero 27, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. "NASA's Solar System Exploration: Multimedia: Gallery: Pluto's Symbol". NASA. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 1 Oktubre 2006. Nakuha noong 29 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. Heinrichs, Allison M. (2006). "Dwarfed by comparison". Pittsburgh Tribune-Review. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2 Septiyembre 2009. Nakuha noong 26 March 2007. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  46. Clark, David L.; Hobart, David E. (2000). "Reflections on the Legacy of a Legend" (PDF). Nakuha noong 29 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. Renshaw, Steve; Ihara, Saori (2000). "A Tribute to Houei Nojiri". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 10 Hulyo 2015. Nakuha noong 29 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. 48.0 48.1 48.2 "Planetary Linguistics". Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Disyembre 2007. Nakuha noong 12 Hunyo 2007. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. 'Bathrobe'. "Uranus, Neptune, and Pluto in Chinese, Japanese, and Vietnamese". cjvlang.com. Nakuha noong 29 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. Stern, Alan; Tholen, David James (1997). Pluto and Charon. University of Arizona Press. pp. 206–208. ISBN 978-0-8165-1840-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. Crommelin, Andrew Claude de la Cherois (1931). "The Discovery of Pluto". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society. 91: 380–385. Bibcode:1931MNRAS..91..380.. doi:10.1093/mnras/91.4.380.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. 52.0 52.1 Nicholson, Seth B.; Mayall, Nicholas U. (Disyembre 1930). "The Probable Value of the Mass of Pluto". Publications of the Astronomical Society of the Pacific. 42 (250): 350. Bibcode:1930PASP...42..350N. doi:10.1086/124071.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. Nicholson, Seth B.; Mayall, Nicholas U. (Enero 1931). "Positions, Orbit, and Mass of Pluto". Astrophysical Journal. 73: 1. Bibcode:1931ApJ....73....1N. doi:10.1086/143288.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. 54.0 54.1 Kuiper, Gerard P. (1950). "The Diameter of Pluto". Publications of the Astronomical Society of the Pacific. 62 (366): 133–137. Bibcode:1950PASP...62..133K. doi:10.1086/126255.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. 55.0 55.1 Croswell 1997, p. 57.
  56. Christy, James W.; Harrington, Robert Sutton (1978). "The Satellite of Pluto". Astronomical Journal. 83 (8): 1005–1008. Bibcode:1978AJ.....83.1005C. doi:10.1086/112284.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. Seidelmann, P. Kenneth; Harrington, Robert Sutton (1988). "Planet X – The current status". Celestial Mechanics and Dynamical Astronomy. 43: 55–68. Bibcode:1987CeMec..43...55S. doi:10.1007/BF01234554. Nakuha noong 29 Nobyembre 2011.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  58. 58.0 58.1 Standish, E. Myles (1993). "Planet X—No dynamical evidence in the optical observations". Astronomical Journal. 105 (5): 200–2006. Bibcode:1993AJ....105.2000S. doi:10.1086/116575.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. Standage, Tom (2000). The Neptune File. Penguin. p. 168. ISBN 0-8027-1363-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. "History I: The Lowell Observatory in 20th century Astronomy". The Astronomical Society of the Pacific. 28 Hunyo 1994. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 12 Mayo 2020. Nakuha noong 29 Nobyembre 2011. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)