Likas na satelayt

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mga napiling buwan, na sinusukat sa laki ng Daigdig. Labing-siyam na mga buwan ang sapat na ang laki na maging pabilog, at ang isa, ang Titan, ay may mahalagang atmospera.

Isang likas na satelayt o buwan (Ingles: natural satellite) ang isang bagay ng kalawakan na umo-orbit sa isang planeta, na tinatawag na primary (pangunahin). Sa teknikal na termino, maaaring tumutukoy ang natural satellite sa isang planeta na umo-orbit sa isang bituin, o sa isang dwarf galaxy na umo-orbit sa isang pangunahing galaxy, ngunit karaniwan itong kasingkahulugan sa buwan at ginagamit upang tukuyin ang hindi-artipisyal na mga satelayt ng mga planeta, duwendeng planeta, at maliliit na planeta. (Wala pa na kilalang likas na satelayt ng mga buwan.)

May 240 na bagay sa Sistemang Solar na inuuri bilang mga buwan. Kabilang dito ang 166 na umo-orbit sa walong mga planeta ,[1] apat na umo-orbit sa mga planetang dwarf, at mga dosenang pang iba na umo-orbit sa maliliit na bahagi ng sistemang solar. Malamang na mayroon din mga likas na satelayt ang mga ibang bituin, bagaman, wala pang namamasid.

Mga sanggunian[baguhin]



Astronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.