Deklinasyon
Sa astronomiya, ang deklinasyon o declination (pinapaikli bilang dec o δ) ay isa sa dalawang koordinado ng sistemang ekwatoryal ng mga koordinado, isa rito ang kanang asensiyon o oras anggulo. Maaaring ikumpara ang Deklinasyon ng astronomiya sa heograpikong latitud, subalit inilalapat sa panlangit na timbulog. Sinusukat ang deklinasyon sa hilaga at timog degree ng panlangit na ekwador. Mayroong positibong deklinasyon ang mga puntong nasa hilaga ng panlangit na ekwador samantalang negatibong deklinasyon naman ang mga nasa timog nito.
- Mayroong deklinasyon na 0° ang mga bagay na nasa panlangit na ekwador.
- Mayroong deklinasyon na +90° ang mga bagay na nasa panlangit na hilagang polo.
- Mayroong deklinasyon na −90° ang mga bagay na nasa panlangit na timog polo.
Mga bituin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakaposisyon ang isang bituin sa malapit na hindi nagbabagong direksiyon na makikita sa Mundo, na may deklinasyong hindi nagbabago taon-taon, subalit ang kanang asensiyon at deklinasyon ay maaaring magbago dahil sa presisyon ng mga ekinoks, tamang mosyon, at taunang paralaks. Mabilis magbago ang deklinasyon ng lahat ng mga bagay sa sistemang solar kaysa sa mga bituin[1].
Latitud | Sirkumpolar | Hindi Sirkumpolar | Hindi Nakikita | Talababa |
---|---|---|---|---|
90° | +90 hanggang 0 | 0 hanggang -90 | Hilagang polo | |
66.5° | +90 hanggang +23.5 | +23.5 hanggang -23.5 | -23.5 hanggang -90 | Bilog ng Artiko |
45° | +90 hanggang +45 | +45 hanggang -45 | -45 hanggang -90 | kalagitnaan |
23.5° | +90 hanggang +66.5 | +66.5 hanggang -66.5 | -66.5 hanggang -90 | Tropiko ng kanser |
0° | +90 hanggang -90 | Ekwador |
Para sa Timog Hemispero, pagbaligtarin lamang ang palatandaan (+/-). Maaaring makita ang mga bituing na hindi sirkumpolar sa ilang araw lamang o pana-panahon ng taon[2].
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Sproul, Alistair B. "Derivation of the solar geometric relationships using vector analysis" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-06-16. Nakuha noong 28 Pebrero 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ J. W. Spencer (1971). "Fourier series representation of the position of the sun".
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pinakatamang deklinasyon at posisyon ng araw mula sa NOAA (maaaring makita ang mga kodigo sa Javascript)
- Talaan ng mga Deklinasyon ng Araw; Pangkalahatang Balyu para sa Apat na Taon o Siklong Hinakabangan na Taon (hindi malaman ang pinagkuhanan)
- Punksiyong Deklinasyon mula sa Excel, CAD o iba niyong programa. Naka-arkibo 2014-12-13 sa Wayback Machine. Libre at pinakatama ang Sun API. Para sa mga kompyuter ng Windows.
- Paano malaman ang posisyong planetaryo ni Paul Schlyter.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.