Galileo Galilei

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Galileo Galilei

Larawan ni Galileo Galilei na iginuhit ni Giusto Sustermans.
Kapanganakan 15 Pebrero 1564(1564-02-15)[1]
Pisa,[1] Kadukehan ng Florencia, Italya
Kamatayan 8 Enero 1642 (edad 77)[1]
Arcetri,[1] Kalakhang Kadukehan ng Tuskanya, Italya
Tirahan Kalakhang Kadukehan ng Tuskanya, Italya
Kabansaan Italyano (Tuskano)
Larangan Astronomiya, pisika at matematika
Institusyon Pamantasan ng Pisa
Pamantasan ng Padua
Alma mater Pamantasan ng Pisa
Academic advisors Ostilio Ricci[2]
Notable students Benedetto Castelli
Mario Guiducci
Vincenzo Viviani[3]
Kinikilala dahil sa Kinematics
Dynamics
Astronomiyang naoobserbahan sa pamamagitan ng teleskopyo
Heliosentrismo
Lagda
Mga tala
Ang kaniyang ama ay ang musikerong si Vincenzo Galilei. Ang kinakasamang babae ni Galileo Galilei na si Marina Gamba (1570 – 21 Agosto 1612?) ay nakapagbigay sa kaniya ng dalawang mga anak na babae, na sina Maria Celeste (Virginia, 1600–1634) at Livia (1601–1659), na kapwa naging mga madre, at nabigyan din siya ng anak na lalaking si Vincenzo (1606–1649), isang lutenista.

Si Galileo Galilei[4] (15 Pebrero 1564 – 8 Enero 1642) ay isang Italyanong pisiko, astronomo, pilosopo at siyentipiko[5] na malapit na inuugnay sa rebolusyong maka-agham. Kabilang sa mga nagawa niya ang pagbuti ng teleskopyo, iba't ibang mga astronomikal na pagmamasid, ang una at ikalawang mga batas ng paggalaw (motion), at epektibong pagsuporta para sa paniniwala ni Nicolaus Copernicus. Madalas na tinutukoy siya bilang "ama ng makabagong astronomiya", bilang ang "ama ng makabagong pisika", at bilang "ama ng agham". Tinuturing ang kanyang gawang eksperimental bilang komplementaryo sa mga sulat ni Francis Bacon sa pagtatag ng makabagong kaparaanang maka-agham. Sumabay ang karera ni Galileo kay Johannes Kepler. Sa mga gawain din ni Galileo nagsimula ang mga gawi sa makabagong pananaliksik.[4]

Si Galileo ang unang makabago o modernong siyentipiko at ang unang dakilang siyentipiko nagpa-usad sa agham pagkaraan muling matuklasan ang dating nawalang mga mahahalagang pagkakatuklas na nagawa sa sinaunang Greyigo (nawala ang mga ito noong Mga Panahong Madilim at Gitnang mga Kapanahunan).[5] Tinuturing na isang mahalagang pagkakataon ang mga gawa ni Galileo mula ng kay Aristotle. Karagdagan pa nito, tinatanggap ang kanyang pagsalungat sa Simbahang Katoliko Romano bilang isang pangunahing unang halimbawa ng pagsalungat sa awtoridad at kalayaan ng pag-iisip, partikular sa agham, sa Kanlurang Lipunan.

Si Galileo ang unang taong gumamit ng teleskopyo sa larangan ng astronomiya. Siya ang unang nakatuklas sa apat na mga buwang umiikot sa planetang Jupiter.[5] Ang obserbasyong ito ang nagtulak kay Galileo na baliin ang halos 1,800 taong paniniwalang ang mundo ang sentro o gitna ng Kalawakan. Pinagbawalan si Galileo ng sinaunang Simbahang Katoliko na isa-publiko ang kanyang natuklasan.

Si Galileo man ang nakatagpo kung paano gumagalaw ang mga bagay kapag bumabagsak ang mga ito, sa pamamagitan ng pagsukat ng panahon ng pagkilos ng mga bolang gumugulong mula sa isang dalisdis o gulod. Si Galileo ang naglaan ng mga prinsipyo ng metodong eksperimental o pamamaraan ng pagsubok na ginagamit ng makabagong mga siyentipiko sa pagtuklas.[5]

Ang pangunguna ni Galileo sa pagtataguyod ng Copernicanismo ay kontrobersiyal sa buong buhay nya, sa panahong karamihan ng mga pilosopo at mga astronomero ay naniniwala pa rin sa heosentriko na pananaw na ang Earth ay nasa gitna ng kalawakan. Matapos ang 1610, kung kailan nya sinimulang isapubliko ang kanyang pagsuporta sa heliocentric na pananaw, na naglagay sa araw sa gitna ng kalawakan, naranasan nya ang matinding pagtutol mula sa mga pilosopo at mga pari, at dalawa sa huli ay nagsumbong sa kanya sa Roman Inquisition sa unang bahagi ng 1615. Noong Pebrero 1616, kahit na napawalang-sala na sya, kinundena pa rin ng Simbahang Katoliko ang heliocentrismo bilang "mali at taliwas sa nakasaad sa Bibliya",[6] at si Galileo ay binalaan na i-abanduna ang kanyang suporta para dito—na kanya namang pinangakong gagawin. Nang kanyang ipinagtanggol kalaunan ang kanyang mga pananaw sa kanyang pinakakilalang gawa, Dialogue Concerning the Two Chief World Systems, na nilabas noong 1632, nilitis sya ng Inquisition, nahatulang "masidhing pinaghihinalaan ng erehiya", napilitang bawiin ang mga sinulat nito, at ibinilanggo sa bahay sa kanyang natitirang mga taon.[7][8]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 O'Connor, J. J.; Robertson, E. F.. "Galileo Galilei". The MacTutor History of Mathematics archive. Pamantasan ng San Andres, Eskosya. http://www-history.mcs.st-andrews.ac.uk/Biographies/Galileo.html. Nakuha noong 2007-07-24. 
  2. F. Vinci, Ostilio Ricci da Fermo, Maestro di Galileo Galilei, Fermo, 1929.
  3. NODAK.edu
  4. 4.0 4.1 "Galileo, at artikulo tungkol sa pananaliksik o "research" sa pahina 182". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977).
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp.. (1985). "Who was the First Modern Scientist?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., pahina 45.
  6. Sharratt (1994, pp. 127–131), McMullin (2005a).
  7. Finocchiaro (1997), p. 47.
  8. Hilliam (2005), p. 96.