Pamamaraang makaagham
Ang pamamaraang makaagham o siyentipiko ay isang empirikal na paraan ng pagkuha ng kaalaman sa pamamagitan ng maingat na obserbasyon, mahigpit na pagdududa, pagsubok sa hipotesis, at pagpapatunay sa pamamagitan ng eksperimento. Binuo mula sa mga sinauna at medyebal na kasanayan, kinikilala nito na ang mga kognitibong pagpapalagay ay maaaring makaapekto sa pagpapakahulugan sa mga obserbasyon. Ang pamamaraang makaagham ay naging batayan ng agham mula pa noong ika-17 siglo. Kasama sa siyentipikong pagsisiyasat ang pagbuo ng isang masusubok na hipotesis sa pamamagitan ng induktibong pangangatwiran, pagsubok nito sa pamamagitan ng mga eksperimento at pagsusuring istatistikal, at pagbabago o pagtanggi sa hipotesis batay sa mga resulta.[1][2][3]
Bagama’t iba-iba ang mga pamamaraan sa iba’t ibang larangan, ang pinagbabatayang proseso ay kadalasang magkatulad. Sa mas detalyado: ang pamamaraang siyentipiko ay kinabibilangan ng pagbuo ng mga haka-haka (mga hipotetikal na paliwanag), paghula sa mga lohikal na kahihinatnan ng hipotesis, at pagsasagawa ng mga eksperimento o empirikal na obserbasyon batay sa mga hulang ito.[4] Ang hipotesis ay isang haka-haka na batay sa kaalamang nakalap habang naghahanap ng sagot sa isang tanong. Maaari itong maging napakatiyak o malawak, ngunit dapat itong mapabulaanan. Ibig sabihin, dapat may posibleng kinalabasan ng isang eksperimento o obserbasyon na maaaring sumalungat sa mga hulang hinango mula sa hipotesis; kung wala nito, hindi ito masusubok nang makabuluhan.[5]
Bagama’t ang pamamaraang siyentipiko ay kadalasang inihaharap bilang isang tiyak na pagkakasunod-sunod ng mga hakbang, ito ay kumakatawan sa isang hanay ng pangkalahatang prinsipyo. Hindi lahat ng hakbang ay isinasagawa sa bawat siyentipikong pagsisiyasat (o sa parehong antas ng lawak), at hindi rin sila palaging sumusunod sa parehong pagkakasunud-sunod.[6][7] Maraming mga tuklas ang hindi sumunod sa modelong itinuturo sa aklat-aralin ng pamamaraang siyentipiko, at sa ilang mga kaso, may papel ang pagkakataon.[8][9][10]
Mga elemento ng pagsisiyasat
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang pamamaraang siyentipiko ay ang prosesong ginagamit sa agham.[11] Tulad ng sa iba pang larangan ng pagsisiyasat, ang agham (sa pamamagitan ng pamamaraang siyentipiko) ay maaaring magpalawak ng naunang kaalaman at pag-isahin ang pag-unawa sa mga paksang pinag-aaralan nito sa paglipas ng panahon.[a] Sa kasaysayan, naging mahalaga ang pag-unlad ng pamamaraang siyentipiko sa Rebolusyong Siyentipiko.[14]
Ang pangkalahatang proseso ay kinabibilangan ng pagbuo ng mga haka-haka (hipotesis), paghula sa mga lohikal na kahihinatnan ng mga ito, at pagkatapos ay pagsasagawa ng mga eksperimento batay sa mga hulang iyon upang matukoy kung tama ang orihinal na haka-haka.[15] Gayunpaman, may mga kahirapan sa pagbibigay ng isang pormulang paglalarawan ng pamamaraang ito. Ang pamamaraang siyentipiko ay nakabatay sa mga pangkalahatang prinsipyo sa halip na isang nakapirming pagkakasunud-sunod. Hindi lahat ng hakbang ay nagaganap sa bawat pagsisiyasat, at hindi rin palaging nasa iisang pagkakasunod-sunod. Nangangailangan ito ng katalinuhan, imahinasyon, at pagkamalikhain sa halip na mahigpit na pagsunod sa isang pamamaraan.[16]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pananda
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ang mga paksang pinag-aaralan, ayon sa bokabularyo ng mga siyentipiko nito, ay nilalapitan sa pamamagitan ng isang "pinag-isang pamamaraan".[12]:pp.8,13,33–35,60 Ang mga paksa ay pinag-iisa ng kanilang mga panaguri sa loob ng isang sistema ng mga ekspresyon. Ang proseso ng pag-iisang ito ay pormal na inilahad ni Jacques Herbrand noong 1930.[13]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Newton, Isaac (1999) [1726 (3rd ed.)]. Philosophiæ Naturalis Principia Mathematica [Mga Prinsipyo sa Matematika ng Likas na Pilosopiya]. The Principia: Mathematical Principles of Natural Philosophy. Sinalin ni Cohen, I. Bernard; Whitman, Anne; Budenz, Julia. Includes "A Guide to Newton's Principia" by I. Bernard Cohen, pp. 1–370. (The Principia itself is on pp. 371–946). Berkeley, CA: University of California Press. 791–796 ("Rules of Reasoning in Philosophy"); see also Philosophiæ Naturalis Principia Mathematica#Rules of Reason. ISBN 978-0-520-08817-7.
- ↑ "scientific method", Oxford Dictionaries: British and World English [Mga Diksiyonaryo ng Oxford: Ingles ng mga Briton at ng Daigdig] (sa wikang Ingles), 2016, inarkibo mula sa orihinal noong 2016-06-20, nakuha noong 28 Mayo 2016
- ↑ Oxford English Dictionary [Diksiyonaryong Ingles ng Oxford] (sa wikang Ingles) (ika-3rd (na) labas). Oxford: Oxford University Press. 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-11-29. Nakuha noong 2018-05-31 – sa pamamagitan ni/ng OED Online.
- ↑ Peirce, Charles Sanders (1908). "A Neglected Argument for the Reality of God" [Isang Pinabayaang Argumento para sa Realidad ng Diyos]. Hibbert Journal. 7: 90–112 – sa pamamagitan ni/ng Wikisource. na may mga dagdag na tala. Muling inilimbag gamit ang dating hindi pa nailathalang bahagi, Collected Papers v. 6, mga talata 452–85, The Essential Peirce v. 2, mga pa. 434–450, at sa iba pang lugar. N.B. 435.30 'living institution': Maling isinalin ni Hibbert J. ang 'living institution': ("constitution" para sa "institution")
- ↑ Popper, Karl R. (1959). "The Logic of Scientific Discovery" [Ang Lohika ng Siyentipikong Pagtuklas]. Physics Today (sa wikang Ingles). 12 (11) (ika-Ingles (na) labas): 273. Bibcode:1959PhT....12k..53P. doi:10.1063/1.3060577.
- ↑ Gauch (2003), p. 3: "Ang pamamaraang siyentipiko ay “madalas na maling inilalarawan bilang isang tiyak na pagkakasunod-sunod ng mga hakbang,” sa halip na makita kung ano talaga ito, “isang lubhang pabago-bago at malikhaing proseso” (AAAS 2000:18). Ipinahihiwatig nito na ang agham ay may mga pangkalahatang prinsipyong dapat maunawaan upang mapataas ang produktibidad at mapalawak ang pananaw, hindi na ang mga prinsipyong ito ay nagbibigay ng isang simple at awtomatikong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na dapat sundin. (Isinalin mula sa Ingles)"
- ↑ William Whewell, History of Inductive Science (1837) [Kasaysayan ng Induktibong Agham] (sa wikang Ingles), at sa Philosophy of Inductive Science (1840) [Pilosopiya ng Induktibong Agham] (sa wikang Ingles)
- ↑ Krauss, Alexander (28 Marso 2024). "Redefining the scientific method: as the use of sophisticated scientific methods that extend our mind" [Muling pagbibigay-kahulugan sa pamamaraang siyentipiko: bilang paggamit ng mga sopistikadong pamamaraang siyentipiko na nagpapalawak ng ating isipan]. PNAS Nexus (sa wikang Ingles). 3 (4) pahina 112. doi:10.1093/pnasnexus/pgae112. PMC 10981393. PMID 38560527.
- ↑ Dunbar, K., & Fugelsang, J. (2005). Causal Thinking in Science: How Scientists and Students Interpret the Unexpected. In M. E. Gorman, R.D. Tweney, D. Gooding & A. Kincannon (eds.), Scientific and Technical Thinking. Mahwah, NJ: Lawrence Erlbaum Associates. pp. 57–79.
- ↑ Merton, Robert King; Barber, Elinor; Barber, Elinor G. (2006). "Accidental Discovery in Science". The Travels and Adventures of Serendipity: A Study in Sociological Semantics and the Sociology of Science [Ang Mga Paglalakbay at Pakikipagsapalaran ng Masuwerteng Pagkakataon: Isang Pag-aaral sa Sosyolohikal na Semantika at Sosyolohiya ng Agham] (sa wikang Ingles). Princeton, NJ: Princeton Univ. Press. ISBN 0-691-12630-5.
- ↑ Gauch (2003), p. xv: "Ang tesis ng aklat na ito, gaya ng nakabalangkas sa Kabanata Isa, ay may mga pangkalahatang prinsipyong naaangkop sa lahat ng agham. (Isinalin mula sa Ingles)"
- ↑ Cowles, Henry M. (2020). The Scientific Method: An Evolution of Thinking from Darwin to Dewey [Ang Paraang Siyentipiko: Isang Ebolusyon ng Pag-iisip mula kay Darwin hanggang kay Dewey] (sa wikang Ingles). Cambridge, MA: Palimbagan ng Unibersidad ng Harvard. ISBN 978-0-674-97619-1.
- ↑ Maribel Fernández (Dec 2007) Unification Algorithms Naka-arkibo 2024-12-07 sa Wayback Machine.
- ↑ Lindberg, David C. (2007). The Beginnings of Western Science [Ang Simula ng Kanluraning Agham]. Palimbagan ng Unibersidad ng Chicago. pp. 2–3.
May isang panganib na dapat iwasan. … Kung nais nating bigyang-katarungan ang gawaing pangkasaysayan, dapat nating unawain ang nakaraan ayon sa kung ano ito noon. Nangangahulugan ito na dapat nating labanan ang tukso na halughugin ang nakaraan upang humanap ng mga halimbawa o mga paunang anyo ng modernong agham. … Ang aking pag-aalala ay ang pinagmulan ng mga siyentipikong 'teorya', kung paano ito nabalangkas, at kung paano ito ginamit; … (Isinalin mula sa Ingles)
- ↑ Peirce, Charles Sanders (1908). "A Neglected Argument for the Reality of God". Hibbert Journal. 7: 90–112 – sa pamamagitan ni/ng Wikisource. with added notes. Reprinted with previously unpublished part, Collected Papers v. 6, paragraphs 452–85, The Essential Peirce v. 2, pp. 434–450, and elsewhere. N.B. 435.30 'living institution': Hibbert J. mis-transcribed 'living institution': ("constitution" for "institution")
- ↑ Gauch, Hugh G. Jr. (2003). Scientific Method in Practice. Palimbagan ng Unibersidad ng Cambridge. ISBN 978-0-521-01708-4. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-11-29. Nakuha noong 2020-05-09.