Hermaprodit
Ang hermaprodit o hermaprodayt (Ingles: hermaphrodite) ay isang organismo na may sistemang reproduktibo na gumagawa ng parehong lalake at babaeng gameto.[1] Sa mga hayop, ang mga indibidwal na alinman ay lalake o babae ay tinatawag na gonokoriko, na kabaligtaran ng hermaproditiko.[2]
Ang mga indibidwal mula sa maraming taxonomikong pangkat ng mga hayop, karamihan ay mga invertebrado, ay hermaprodit—kaya nilang gumawa ng mga gameto ng parehong kasarian. Sa karamihan ng mga tunicata, molusko, at bulating-lupa, ang pagiging hermaprodit ay normal, na nagbibigay-daan sa isang uri ng sekswal na reproduksyon kung saan alinman sa magkapareha ay maaaring gumanap bilang babae o lalaki. Matatagpuan din ang pagiging hermaprodit sa ilang uri ng isda, ngunit bihira ito sa ibang pangkat ng mga bertebrado. Karamihan sa mga hermaproditikong uri ay nagpapakita ng kakayahang magpunla sa sarili. Ang sariling-pagpupunla (self-fertilization) ay mas karaniwan sa mga halaman, ngunit nangyayari rin ito sa ilang hayop. Ipinapahiwatig nito na may mga puwersang nagtutulak sa ebolusyon ng sariling-pertilisasyon sa parehong mga hayop at halaman. [3]
Tinatayang may 65,000 na uri ng hayop na hermaproditiko, na humigit-kumulang 5% ng lahat ng uri ng hayop, o 33% kung hindi isasama ang mga insekto.[4] Halos lahat ng insekto ay gonokoriko. Walang kilalang hermaproditiko na uri ng mamalya o ibon.[5][6]
Ang hermaproditismo ay hindi dapat ipagkamali sa ovotesticular syndrome sa mga mamalya, na isang hiwalay at hindi kaugnay na penomena. Bagama’t dati ay tinatawag na "totoong hermaprodit" sa mga medikal na babasahin ang mga taong may ganitong kondisyon, itinuturing na itong luma at maling tawag mula noong 2006. Bukod dito, ang mga tao na may ovotesticular syndrome ay wala ring gumaganang hanay ng parehong lalake at babaeng organo.
Mga hayop
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga hermaprodit na nagpapalit-kasarian (Sequential hermaphrodites)
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang sequential hermaphrodites (lit. na 'sunod-sunod na hermaprodit') ay mga organismo na nabuo bilang isang kasarian ngunit nagbabago ng kasarian sa ibang bahagi ng kanilang buhay. Tinatawag din itong "dichogamy" sa agham, lalo na kapag tumutukoy sa mga halaman. Karaniwang halimbawa nito ay mga isda at ilang gastropod gaya ng snail. Naiiba ito sa simultaneous hermaphrodites, na may parehong ganap na ari ng lalaki at babae sa parehong panahon.
Ang mga sequential hermaphrodite ay maaaring hatiin sa tatlong pangunahing kategorya:
- Protandriya: Kung saan ang isang organismo ay unang nabuo bilang lalaki, at pagkatapos ay nagbabago ng kasarian upang maging babae.[7]
- Halimbawa: Ang clownfish ay isang uri ng isdang-dagat na nakatira kasama ng anemonang-dagat (sea anemone). Karaniwan, isang malaking babaeng isda, isang lalaking maaaring magparami, at mas maliliit na lalaking hindi pa maaaring magparami ang magkakasama sa isang anemona. Kapag nawala ang babaeng isda, ang lalaking maaaring magparami ay nagiging babae, at ang pinakamalaking hindi pa maaaring magparami ay nagiging bagong lalaking maaaring magparami.
- Protoginiya: Kung saan ang organismo ay unang nabuo bilang babae, at pagkatapos ay nagbabago ng kasarian upang maging lalaki.[7]
- Halimbawa: Ang mga isdang wrasse ay ang grupo ng isda sa bahura na Karaniwan ang protoginiya. Sa mga espesye na ito, ang mas maliliit at mas batang indibidwal ay babae, ngunit kapag may pagkakataon—halimbawa, kung namatay ang dominanteng lalaking isda—ang isang babae ay maaaring magbago ng kasarian at maging lalaki upang mapanatili ang reproduktibong balanse sa grupo. [8]
- Bidireksiyonal na nagpapalit ng kasarian: Kung saan ang isang hayop ay may parehong sistemang reproduktibo ng lalaki at babae, at maaaring gumanap bilang alinman depende sa pangangailangan o kalagayan sa kanilang kapaligiran o grupo.[7]
- Halimbawa: Ang mga isdang Lytrhrypnus dalli ay kabilang sa mga pangkat ng isda sa bahura sa dagat kung saan nagaganap ang pagpapalit ng kasarian sa dalawang direksyon. Sa kanilang pangkat, kung ang isang isda ay nagiging dominante, maaari siyang magbago ng kasarian at maging lalaki; kung siya naman ay nagiging nasasakupan o mas mababa ang antas, maaari siyang magbago at maging babae. Ang ganitong kakayahan ay nakatutulong sa kanilang pagpapatuloy ng buhay at pagpaparami.[9]
Mga sabayang hermaprodit (Simultaneous hermaphrodites)
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sabayang hermaprodit (simultaneous hermaphrodites) ay mga indibidwal na may parehong lalaki at babaeng kasangkapang sekswal na aktibo sa parehong oras. Kadalasan, nagaganap ang sariling-pagpupunla (self-fertilization).
- Ang mga pulmonate na kuhol at suso sa lupa (pulmunate land snails and land slugs) ang pinaka-kilalang uri ng hayop na sabay na lalaki at babae. Sila rin ang pinaka-karaniwang hayop sa lupa na may ganitong katangian. Nagpapalitan sila ng semilya gamit ang spermatophore na iniimbak naman sa spermatheca. Pagkatapos, pareho silang nangingitlog ng napertilisahang itlog matapos ang ilang panahon. Ang mga itlog ay mapipisa pagkatapos ng pagkabuo. Kadalasan, ang mga kuhol ay nangingitlog mula tagsibol hanggang taglagas.[10]
- Ang banana slug (saging na suso) ay isang halimbawa ng hayop na hermaprodit, na may parehong lalake at babaeng organo. Mas mainam para sa kanila ang makipagtalik kaysa mag-sariling-pertilisasyon dahil mas masigla at iba-iba ang lahi ng anak. Kapag hindi makahanap ng kapareha, nagsasariling-pertilasyon sila. Malaki ang lalaking organo ng banana slug kumpara sa babaeng organo nito. Kapag hindi sila magkaalis habang nakikipagtalik, kinakagat at kinakain nila ang lalaking organo gamit ang radula. Kahit mawalan ng lalaking organo, maaari pa ring magparami ang kuhol bilang babae, kaya mahalaga para sa kanila ang pagiging hermaprodit.[11]
- Ang uring makukulay na susong-dagat na Goniodoranchus reticulatus ay may katangiang hermaphrodit—ibig sabihin, sabay na gumagana ang lalaki at babaeng organo nito kapag nagkakatalik. Pagkatapos magtalik, natatanggal ang panlabas na bahagi ng ari, ngunit muling tumutubo sa loob ng dalawampu’t apat na oras.[12][13]
- Ang mga bulating-lupa (earthworm) ay isa pang halimbawa ng sabay na hermaprodit. Bagamat sila ay may obaryo at testes, mayroon silang mekanismo na nagpoprotekta laban sa sariling pertilisasyon. Nagaganap ang seksuwal na reproduksyon kapag nagkita ang dalawang bulate at nagpapalitan ng gameto, kadalasang nagaganap ito sa mamasa-masang gabi tuwing mainit ang panahon.
Mga halaman
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang salitang hermaprodit ay ginagamit sa larangan ng botanika upang ilarawan, halimbawa, ang isang perpektong bulaklak na may parehong bahagi ng lalaki (gumagawa ng polen) at bahagi ng babae (gumagawa ng itlog ng halaman). Karamihan sa mga halamang namumulaklak ay hermaprodit o may ganitong katangian.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Avise, John C. (2011-03-18). Hermaphroditism: A Primer on the Biology, Ecology, and Evolution of Dual Sexuality (sa wikang Ingles). Columbia University Press. ISBN 978-0-231-52715-6.
- ↑ www.semanticscholar.org https://www.semanticscholar.org/paper/Gonochorism-Holub-Shackelford/9e7c27323bb1b28adbb9d2d363f7e70a696284e6. Nakuha noong 2025-07-13.
{{cite web}}: Missing or empty|title=(tulong) - ↑ Jarne, Philippe; Auld, Josh R. (2006-09). "ANIMALS MIX IT UP TOO: THE DISTRIBUTION OF SELF-FERTILIZATION AMONG HERMAPHRODITIC ANIMALS". Evolution (sa wikang Ingles). 60 (9). doi:10.1554/06-246.1.short. ISSN 0014-3820.
{{cite journal}}: Check date values in:|date=(tulong) - ↑ Royer, M. (1975), Reinboth, Rudolf (pat.), "Hermaphroditism in Insects. Studies on Icerya purchasi", Intersexuality in the Animal Kingdom (sa wikang Ingles), Berlin, Heidelberg: Springer, pp. 135–145, doi:10.1007/978-3-642-66069-6_14, ISBN 978-3-642-66069-6, nakuha noong 2025-07-13
- ↑ Gorshkov, Victor G. (2012-12-06). Physical and Biological Bases of Life Stability: Man, Biota, Environment (sa wikang Ingles). Springer Science & Business Media. ISBN 978-3-642-85001-1.
- ↑ Mills, Alex (2018-01-01). Biology of Sex (sa wikang Ingles). University of Toronto Press. ISBN 978-1-4875-9337-7.
- ↑ 7.0 7.1 7.2 Maling banggit (Hindi tamang
<ref>tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangBarrows-2001); $2 - ↑ Bagemihl B (1999). Biological exuberance : animal homosexuality and natural diversity (ika-2nd (na) labas). New York: St. Martin's Press. ISBN 978-0-312-25377-6.
- ↑ Rodgers EW, Early RL, Grober MA (2007). "Social status determines sexual phenotype in the bi-directional sex changing bluebanded goby Lythrypnus dalli". J Fish Biol. 70 (6): 1660–1668. Bibcode:2007JFBio..70.1660R. doi:10.1111/j.1095-8649.2007.01427.x.
- ↑ Janssen R, Baur B (July 2015). "Seasonal effects on egg production and level of paternity in a natural population of a simultaneous hermaphrodite snail". Ecology and Evolution. 5 (14): 2916–28. Bibcode:2015EcoEv...5.2916J. doi:10.1002/ece3.1560. PMC 4541995. PMID 26306176.
- ↑ Leonard JL, Pearse JS, Harper AB (2002). "Comparative reproductive biology of Ariolimax californicus and A. dolichophallus (Gastropoda; Stylommiatophora)". Invertebrate Reproduction & Development. 41 (1–3): 83–93. Bibcode:2002InvRD..41...83L. doi:10.1080/07924259.2002.9652738. S2CID 83829239.
- ↑ Morelle R (12 February 2013). "Sea slug's 'disposable penis' surprises". BBC News.
- ↑ Sekizawa A, Seki S, Tokuzato M, Shiga S, Nakashima Y (April 2013). "Disposable penis and its replenishment in a simultaneous hermaphrodite". Biology Letters. 9 (2): 20121150. doi:10.1098/rsbl.2012.1150. PMC 3639767. PMID 23407499.