Pumunta sa nilalaman

Hermaphrodite

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hermaprodita)

Sa biyolohiya, ang hermaphrodite ang organismo na may mga organong reproduktibo ng parehong lalake at babae.

Maramin mga pangkat taksonomiko ay walang magkahiwalay na kasariang panlalake at pambabae. Sa mga organismong ito, ang hermaproditism ay isang normal na kondisyon na pumapayag sa isang anyo ng reproduksiyonng seksuwal na ang parehong mga katalik ay maaaring umasal na lalake o babae. Ang karamihan ng mga suso na pulmonate, mga suso na opisthobranch at mga kuhol ay mga hermaphrodite. Ang ilang mga species ng isda ay hermaphrodite rin gayundin ang ilang mga bertebrado. Ang karamihan ng mga halaman ay mga hermaphrodite. Ang ilang mga tao ay nadokumentong mga tunay na hermaphrodite.

Sequential hermaphrodite (dichogamy)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sequential hermaphrodite (dichogamy) ay isang organismong ipinanganak sa isang kasarian at kalaunang nagpapalit o nagbabago sa kabaligtarang kasarian. Ang Protandry ay kapag ang isang organismo ay ipinanganak na lalake ngunit kalaunang nagpapalit sa kasarian ng babae gaya ng isdang clownfish. Ang Protogyny ay kapag ang isang organismo ay ipinanganak na babae ngunit kalaunang nagpapalit sa kasarian ng lalake gaya ng isdang wrasse. Ang bidirectional Sex Changers ay kapag ang organismo ay may parehong mga kasariang panlalake at pambabae ngunit hindi umaasal na babae o lalake sa mga iba't ibang yugto ng buhay nito gaya ng isdang Lythrypnus dalli.

Ang isang simultaneous (o synchronous) hermaphrodite (o homogamous) ay isang matandang organismo na sabay na may parehong mga organong panlalake at pambabae gaya ng ilang mga suso at mga kuhol.

Bukod sa pagkakaroon ng hindi malinaw na panlabas na kasarian, ang tunay na hermaphroditism sa tao ay iba sa pseudohermaphroditism sa dahilang ang karyotype ng taong ito ay may parehong mga pares ng kromosomang XX at XY (47XXY, 46XX/46XY, 46XX/47XXY o 45X/XY mosaic) at may parehong tisyung testikular at obaryo.

Ang hermaphrodite ay ginagamit sa botaniya upang ilarawan ang isang bulaklak na may parehong mga bahaging staminate (lalake na lumilikha ng pollen) at carpellate (babae na lumilikha ng ovule).