Heron ng Alehandriya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hero of Alexandria)
Hero of Alexandria
Kapanganakan10 (Julian)[1]
  • (Alexandria Governorate, Ehipto)
Kamatayan75 (Julian)[1]
MamamayanRoman Egypt
Trabahomathematician,[4] physicist, mechanical automaton engineer, engineer, inventor

Si Heron ng Alejandria o Hero ng Alexandria (ipinanganak noong mga 20 AD) ay isang Griyegong matematiko at imbentor.

Talambuhay[baguhin | baguhin ang wikitext]

Namuhay siya sa Alejandria, Ehipto. Kilala siya dahil sa kanyang nalikhang makinang de-singaw (Ingles: steam engine), isang makinang itinuturing lamang na laruan noong panahon niya. Gumana ang kanyang pinasisingawang makina sa pamamagitan ng singaw na pumipilit sa isang bola o timbulog na pumunta sa kabilang direksiyon o daan, isang kaparaanang nagpapaandar sa mga pangkasalukuyang pandilig o pangwisik ng tubig sa damuhan ng hardin at mga makina ng jet plane o eroplanong sumisibad.

Marami pa siyang nagawang iba pang mga imbensiyong katulad ng mga enggranahe, mga dalawit, mga salamin, isang uri ng metro ng taksing para sa mga karuwaheng pandigma na sumusukat sa layo ng nararating ng mga sasakyang ito, modelong tanghalan o teatrong may mga pigura ng mga tau-tauhang aktor na kusang gumagalaw, at isang templong may mga pintong kusang bumubukas kapag may apoy na nakasindi sa altar nito. Karamihan sa kanyang mga imbensiyon ang itinuturing na panglibangan o pang-aliw lamang at walang mga paggamit na praktikal. Naging layunin lamang ni Heron ang pagbibigay-aliw at pagpapakita ng mga prinsipyo kung paano gumagana ang mga salamin, dalawit, at iba pang mga aparato.

Natuklasan ni Heron ang prinsipyo o dahilan kung paano nagpapatalbog ng liwanag ang mga salamin. Siya rin ang unang nakaunawa sa kalikasan ng hangin. Naipaliwanag niya na maaaring ipaloob ang hangin sa loob ng isang maliit na espasyo dahil sa binubuo ang hangin ng mga atomong nagiging magkakalapit at magkakadikit kapag sinisiksik o sumailalim sa kumpresyon.[5]

Sa matematika, nakilala siya dahil sa pagpapatibay sa pormula ng pagkuha ng sukat ng tatsulok sa pamamagitan lamang ng mga haba ng gilid.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. 1.0 1.1 Error: Unable to display the reference properly. See the documentation for details.
  2. German National Library; Aklatang Estatal ng Berlin; Bavarian State Library; Austrian National Library, Integrated Authority File (sa Aleman at Ingles), Wikidata Q36578, nakuha noong 9 Enero 2015
  3. German National Library; Aklatang Estatal ng Berlin; Bavarian State Library; Austrian National Library, Integrated Authority File (sa Aleman at Ingles), Wikidata Q36578, nakuha noong 31 Disyembre 2014
  4. German National Library; Aklatang Estatal ng Berlin; Bavarian State Library; Austrian National Library, Integrated Authority File (sa Aleman at Ingles), Wikidata Q36578, nakuha noong 24 Hunyo 2015
  5. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was Hero of Alexandria?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., pahina 44.

Matematiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.