High School Musical: The Musical: The Series
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang High School Musical: The Musical: The Series ay isang Amerikano musikal na drama na may pagkakahawig sa isang dokumentaryo ngunit hindi talaga maituturing na isang tunay na dokyumentaryo. Ito ay serye sa telebisyon na nilikha ni Tim Federle para sa Disney+, at hinango mula sa serye ng pelikulang High School Musical. Ang serye na ito ay gawa ng Chorus Boy at Salty Pictures kasama ng Disney Channel at, ni Oliver Goldstick na siyang nanguna sa paggawa ng naunang apat na bahagi ng palabas. Pinalitan naman siya ni Federle bilang pangunahing tagapamahala para sa mga natitirang bahagi ng serye.
Ang serye ay isang kathang-isip lamang na bersyon ng East High School, kung saan orihinal na kinunan ang pelikulang High School Musical. Ito ay nakasentro sa isang grupo ng kabataan na mahilig sa teatro at sumubok na lumahok sa isang pagtatanghal ng High School Musical: The Musical na gaganapin sa kanilang paaralan. Bukod dito, nakapokus din ang serye sa pagpapakita ng kani-kanilang buhay at karanasan sa pagkakaibigan, pag-ibig, mga interes, pagkakakilanlan, at ang kanilang relasyon sa pamilya. Pinagbibidahan ang serye nina Olivia Rodrigo, Joshua Bassett, Matt Cornett, Sofia Wylie, Larry Saperstein, Julia Lester, Dara Reneé, Frankie A. Rodriguez, Mark St. Cyr, Kate Reinders, at Joe Serafini.
Ang prebyu ng High School Musical: The Musical: The Series ay unang ipinalabas sa Disney Channel, ABC, at Freeform noong ika-8 ng Nobyembre 2019 bago pa man ang opisyal na paglulunsad ng unang bahagi ng serye na may sampung kabanata sa Disney+ noong ika-12 ng Nobyembre. Noong Oktubre 2019 naman ay pormal na inanunsyo ng Disney+ na magkakaroon ng pangalawang bahagi ang serye na may labindalawang kabanata at ipinalabas noong ika-14 ng Mayo 2021.
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito. |