Pumunta sa nilalaman

Magreb

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hilagang-Kanlurang Aprika)
Ang Unyong Magreb

Ang Magreb[1] (Arabe: المغرب العربي; Bereber: Tamazgha; Ingles: Maghreb o Maghrib) ay isang rehiyon ng hilagang Aprika.

Ito ay karaniwang tumutukoy sa limang bansa sa hilagang Aprika, kahit na madalas nitong tinitiyak lamang yaong tatlong mga bansang nagpa-Pranses (Algeria, Marwekos at Tunez). Ito ay katagang Arabe, na nangangahulugang "dako ng taglubog ng araw" o "kanluran" (mula sa paninging Arabe). Ito ngayon ay karaniwang ginagamit upang tumukoy sa kalahatan ng mga bansang Marwekos, Algeria, Tunez, Libya, Mawritanya at ang pinagtututulang teritoryo ng Kanlurang Sahara. Bago itinaguyod ang mga kasalukuyang bansa sa rehiyong ito noong ika-20 siglo, ang katagang "Magreb" ay tumukoy sa mas maliit na kasukatan sa pagitan ng Kabundukang Atlas sa timog at ng Dagat Mediterraneo sa hilaga, at dahil dito hindi nakasama ang karamihan sa lupain ng Libya at ang kabuuan ng Mawritania.[2] Noong panahon ng Kalipato ng Omeya, ang katagang ito ay sumaklaw din sa mga dating-Muslim na mga kabayanan ng Andalucia, Sicilia at Malta.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Magreb (sa Kastila)
  2. Maghreb (sa Ingles)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.