Pumunta sa nilalaman

Hira Devi Waiba

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Hira Devi Waiba (Setyembre 9, 1940 – 19 Enero 19, 2011) ay isang Indianang tradisyong-bayang mananawit sa wikang Nepali at kinikilala bilang nagpanguna ng mga kantang kuwentong bayang Nepali.

Ang kaniyang kanta na "Chura ta Hoina Astura" ay sinasabing ang unang Tamang Selo (isang genre ng tradisyong-bayang kantang Nepali) na naitala kailanman. Si Hira Devi Waiba ay ang tanging Nepali na mananawit ng tradisyong-bayang na nag-cut ng mga album (noong 1974 at 1978) kasama ang HMV.[1] Siya ang nag-iisang Grade A Nepali na Mananawit ng Tradisyong-Bayan sa All India Radio. Siya rin ang unang musikal na artista na ang Music Nepal, isang nangungunang music house sa Nepal, ay nag-record at naglabas ng album.[1]

Buhay at musika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Hira Devi Waiba ay nagmula sa isang pamilya ng mga musikero mula sa Ambootia Tea Estate malapit sa Kurseong at isa sa linya ng mahabang henerasyon ng mga Nepali na mananawit ng tradisyong-pambayan at musikero. Ipinanganak siya sa mga magulang na sina Singh Man Singh Waiba (ama) at Tshering Dolma (ina). Siya ay umawit ng halos 300 katutubong kanta sa panahon ng kaniyang karera sa musika na sumasaklaw sa 40 taon.[2] Nagsimula ang kaniyang karera sa pag-awit nang mag-record siya ng tatlong kanta sa Kurseong para sa Radio Nepal noong 1966. Nagtrabaho siya bilang isang tagapagbalita sa estasyon ng All India Radio sa Kurseong mula 1963 hanggang 1965.[3]

Kabilang sa mga sikat na kanta ni Waiba ang Phariya Lyaaidiyechan, Ora Daudi Jaanda, at Ramri tah Ramri. Bilang pagpupugay sa kaniyang ama, binuksan ni Waiba ang SM Waiba International Music and Dance Academy sa kaniyang tahanan sa Kadamtala, malapit sa Siliguri noong 2008.

Namatay si Hira Waiba noong Enero 19, 2011 sa edad na 71 taon matapos magdusa ng mga pinsala sa paso sa isang aksidente sa sunog sa kaniyang tahanan.[4] Naiwan siya ng dalawang anak na sina Navneet Aditya Waiba at Satya Aditya Waiba na parehong mga musikero.[5]

Parangal ng mga anak

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang pagpupugay sa Alamat na si Hira Devi Waiba, muling ni-record at inilabas ng kaniyang mga anak na sina Satya Waiba at Navneet Aditya Waiba ang ilan sa kaniyang mga tampok na single noong 2016–2017. Kinanta ni Navneet at ginawa at pinamahalaan ni Satya ang proyektong 'Ama Lai Shraddhanjali -Tribute to Mother', na lalong nagpaangat ng pamana ng pamilya.[6][7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "चुरा त होइन अस्तुरा - पहिलो तामाङ सेलो गीत ? - Tamang Online". Tamang Online (sa wikang Ingles). 7 Disyembre 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2018. Nakuha noong 5 Marso 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Darjeeling's folk singer Hira Waiba dies of burn injuries". The Himalayan Times. Nakuha noong 21 Hulyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. "North Bengal & Sikkim | School for Nepali folk music". The Telegraph. Calcutta (Kolkata). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2018. Nakuha noong 5 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Hira Devi dies of burn injuries". The Telegraph. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Oktubre 2012. Nakuha noong 21 Hulyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Navneet Aditya Waiba, Satya Waiba". The Telegraph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Pebrero 2017. Nakuha noong 26 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Songs of Tribute, Ama Lai Shraddhanjali". The Himalayan Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Disyembre 2017. Nakuha noong 10 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Ama Lai Shraddhanjali". Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Pebrero 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)