Pumunta sa nilalaman

Rebisyonismong pangkasaysayan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Historikal na rebisyonismo)

Sa historiagrapiya, ang rebisyonismong pangkasaysayan o pagbabagong pangkasaysayan ay ang muling pagpapakahulugan ng mga pananaw na ortodokso sa ebidensiya, mga motibasyon at mga proseso ng paggawa ng pasya na nakapalibot sa isang pangyayari sa kasaysayan.

Mga binagong bersyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kinuwestiyon ang konsepto ng piyudalismo. Mayroon mga paham na rebisyonista ng kasaysayan na pinamumunuan ni Elizabeth A. R. Brown na hindi tinanggap ang katawagan.

Ang pagkatuklas sa bagong mundo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pagbabalik-tanaw ng kolonisasyon ng mga bansa sa Europa sa Amerika, may ilang aklat sa kasaysayan noong nakaraan ang di gaanong binibigyan ng pansin ang mga katutubong Amerikano na madalas binabanggit lamang ng kaunti at hindi sinusubukang intindihin ang mga pangyayari mula sa punto nila. Ito ay makikita sa pagsasalarawan ni Christopher Columbus nang matuklasan ang Amerika. Binago ang pagsasalarawan ng mga pangyayaring ito, at ang kasalukuyang kaalaman ay kinikilatis ang bunga ng paggalugad at kolonisasayon ng mga Europeo sa mga katutubo. Ang mga dalubhasa sa kasaysayan na katulad nina Kirkpatrick Sale at James Loewen ang ilang halimbawa ng rebisyonistang Columbiyano.