Pumunta sa nilalaman

Sabado de Gloria

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Holy Saturday)
Sabado de Gloria
Ang paglibing kay Kristo (Sevilla, Espanya)
Opisyal na pangalanSabado Santo
Ibang tawagBisperas ng Pagkabuhay, Black Saturday
Ipinagdiriwang ngKristiyano
UriRelihiyoso
KahalagahanGinugunita ang araw na si Hesukristo ay nakahimlay sa libingan at nanaog sa mundo ng mga patay
PetsaSabado bago ang Panahon ng Pagkabuhay
2024 datedate missing (please add)
Kaugnay saPasko ng Pagkabuhay

Ang Sábado de Gloria (Sábado ng Luwalhati, Sábado Santo, o Banal na Sábado; Ingles: Black Saturday, Holy Saturday ; Latin: Sabbatum Sanctum) ay ang araw na kasunod ng Biyernes Santo.[1]

Ito ang araw bago ang Pasko ng Pagkabuhay at ang huling araw ng Mahal na Araw, kung kailan naghahanda ang mga Kristiyano para sa Linggo ng Pagkabuhay. Iginugunitâ sa araw na ito ang pagkaratay o paghimlay ng katawan ni Hesukristo sa Santo Sepulkro, habang bumabâ ang kaniyang kaluluwâ sa Sheol (ang tinutukoy na "Kinaroroonan ng mga Yumao" sa Kredong Niseno) upang ipahayag ang Mabuting Balita sa mga patay doon at iyadyâ sila.

Sa Pilipinas, kalimitang itinutuloy ang pansamantalang pagbabawal sa pagdiriwang at ingay na sadyang ipinapatupád mula noong Biyernes Santo. Pagkagat ng dilim sa araw na ito, sinisimulan nang ipagdiwang ng mga simbahan ang Bihilya ng Pagkabuhay.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "About: Holy Saturday". DBpedia. Nakuha noong 10 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Pananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.