Pumunta sa nilalaman

Hotdog

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lutong hotdog na nakapaloob sa tinapay at pinatungan ng mustasa.

Ang hotdog ay isang uri ng lutung-lutong inasnan at pinatuyo o/at tinapang (pinausukuan) mahalumigmig na langgonisa na may malambot at pantay na habi at lasa. Karaniwang itong ipinapaloob, habang mainit pa, sa isang malambot na hinating-tinapay na halos kasinghaba ng langgonisang ito, at maaaring lagyan o hindi ng mga sahog at pampalasa. Ang nagiging produkto ay karaniwang tinatawag na hotdog.

Ang kabuuang panlasa at sahog ng hotdog ay may malaking pagkakaiba ayon sa rehiyon at sariling kagustuhan, gayon din ang mga hinahalo dito. Ang kabuuang lasa at anyo nito ay may pagkakapareho sa ibang produktong karne mula sa bologna na simple at halos walang lasa, hanggang sa Alemang bockwurst na mas maanghang na uri.

Ang hotdog ay tradisyunal na gawa sa karne ng baka, baboy, o ang pinaghalo nito. Ang kosher ay kadalasang purong-baka. Di-tulad ng ng karamihang langgonisa na maaaring luto o di-luto, ang hotdog ay laging niluluto bago ibenta. Maliban na lamang kung ito ay panis na, ang hotdog ay maaaring ligtas na kainin nang wala nang karagdagang pagluluto. Ito ay pinapainit bago ihain. Mayroong hotdog at longganisang pang-vegetarian, gawa sa meat analogue, sa mga lugar na sikat ang hotdog.

Tinatawag ding frankfurter ,o frank para mas maikli, ang hotdog. Mula ito sa lungsod ng Frankfurt, Germany kung saan nagmula ang longganisa sa tinapay, hawig sa hotdog, ngunit gawa sa purong karneng-baboy. Isa pang bansag ng hotdog ay wieners o weenies na tumutukoy naman sa lungsod ng Vienna, Austria, na sa Aleman ay Wien, tahanan ng longganisang gawa sa pinaghalong karne ng baka at baboy. Ang hotdog ay tinatawag ding tube steak. Sa mga bansang nagsasalita ng Aleman, maliban sa Austria, ang hotdog ay karaniwang tinatawag na Wiener o Wiener Würstchen("maliit na longganisa"). Sa Alemang Switzerland, tinatawag itong Wienerli, samantalang sa Austria, ang ngalang Frankfurter at Frankfurter Würstel ay ginagamit.

Sa United Kingdom, ang mga hotdog ay minsang gawa sa longganisang Briton, niluluto sa pamamagitan ng pag-ihaw o pagprito. Kapag inihanda gamit ang frankfurter, maaari itong i-benta bilang istilong Aleman o istilong Amerikanong hot dog.

Sa Pilipinas, ang hotdog ay impluwensiyang Amerikano.

Mahirap mahinuha kung sino at saan talagang na-imbento ang hotdog, dahil sa dami ng mga kuwentong nagpapatunay ng paglikha ng longganisa, ang paglagay nito sa tinapay o tinapay bilang pagkaing kinakamay, ang pagsikat ng potahe, o ang pagbansag ng pangalang "hot dog" sa longganisa at tinapay bilang pares.

Ang lungsod ng Vienna ay may bakas ng pinagmulan ng hot dog sa wienerwurst o ang Viennese na longganisa, ang lungsod ng Frankfurt sa frankfurter wurst, na may paninindigang inimbento noong dekada 1480; May linya din ang hot dog kay Johann Georghener, isang mangangatay mula sa ika-17 siglo, galing ng lungsod ng Coburg, Bavaria. Sinasabing inimbento ang dachshund o maliit na aso na longganisa at dinala ito sa Frankfurt.

Mga 1870, sa Isla ng Coney, ang imigranteng Aleman na si Charles Feltman ay nagsimulang magbenta ng longganisang ni-rolyo.

Binigyang-ngalan din ang iba para sa pag-imbento ng hot dog, tulad ni Anton Ludwig Feuchtwanger, isang tindero ng longganisang Bavarian, sinimulang magbenta ng longganisa sa rolyo noong World's Fair -na maaaring noong 1893 sa World's Columbian Exposition sa Chicago o noong 1904 sa Louisiana Purchase Exposition sa St.Louis -dahil ang puting gloves ,na binigay niya sa mga mamimili upang makain nila ang kanyang mainit na longganisa nang kumportable, ay nagsimulang mawala.

Ang asosasyon sa hot dog at beysbol (baseball) ay maaaring nagsimula nang kasing-aga ng 1893 kasama si Chris von der Ahe, isang imigranteng Aleman na nagmamay-ari, hindi lamang nang St. Louis Cardinals o St. Louis Browns, kundi pati na din ang isang amusement park, beer garden at brewery malapit sa Parkeng Sportsman, kung saan ibinebenta nia ang kanyang beer.

Noong 1916, isang empleyado ni Feltman, nagngangalang Handwerker ay hinimok ng mga sikat na kliyente na si Eddie Cantor at Jimmy Durante upang pumasok sa isang business competition kasama ang kanyang dating employer. Nadaig ni Handwerker si Feltman sa pamamagitan ng pagbenta ng hot dog sa 5 sentimo, habang ang karibal ay 10 sentimo(sentimong Amerikano o cents). Noong panahon na ang regulasyon sa pagkain ay hindi pa nahuhubog, at ang pinagmulan ng hot dog ay maaaring sa mga panahong ito, siniguro ni Handwerker na may nakikitang mga taong may suot na damit pang-opera na ginagamit ng duktor, upang makasiguro ng potensiyal na mamimili.

Ang terminong dog ay ginagamit na noong 1884 bilang pamalit o kaparehas ng longganisa, at mayroong mga akusasyon na may gumagawa nang longganisang gawa sa karne ng aso simula pa man noong 1845. Ayon sa popular na mitolohiya, ang gamit ng buong pariralang hot dog na tumutukoy sa isang longganisa ay nabanggit ng kartunistang pampahayagan na si Thomas Aloysius "TAD" Dorgan bandang 1900 sa isang kartun na nagtatala ng pagbenta ng hot dog sa isang larong beysbol ng New York Giants, sa Polo Grounds. Bagaman, Ang pinakaunang paggamit ni TAD nang salitang "hot do" ay hindi tumutukoy sa isang larong beysbol sa Polo Grounds kundi sa isang karerang pambisikleta sa Madison Square Graden