Pumunta sa nilalaman

Emperador Xianfeng

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hsien-feng ng Qing)
Si Xianfeng, ang ika-9 na Emperador ng Tsina.

Si Emperador Xianfeng o Emperador Hsien-feng (Tsino: 咸豐帝, pinyin: Xiánfēngdì; 17 Hulyo 1831 – 22 Agosto 1861), ipinanganak bilang Aisin-Gioro I Ju (o Yizhu), ay ang ika-9 na Emperador ng Tsina ng Dinastiyang Qing (Dinastiyang Ching), at ang pampitong emperador ng Qing na namuno sa Tsina, magmula 1850 hanggang 1861.

Mag-anak at maagang bahagi ng buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Yizhu (I Ju) ay ipinanganak noong 1831 sa Kompleks ng Palasyong Pangtag-init ng Imperyo, 8 mga kilometro sa hilaga-kanluran ng mga pader ng Beijing. Siya ang pang-apat na anak na lalaki ni Emperador Daoguang. Ang kaniyang ina ay si Imperyal na Konsorteng Quan (全貴妃), ng angkang Niuhuru (Manchu), at tinatawag ding Emperatris Xiaoquancheng (孝全成皇后) (partikular na noong mamatay) dahil naging Emperatris siya noong 1834. Si Yizhu ay mayroong reputasyon na may kakayahan sa panitikan at pangangasiwa na nalampasan ang kakayahan ng karamihan sa kaniyang mga kapatid na lalaki, na nakapagpahanga sa kaniyang amang si Emperador Daoguang na, dahil ganoon si Yizhu, ay nagpasyang gawin siyang kahalili nito bilang emperador.


TalambuhayKasaysayanTsina Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Tsina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.