Pumunta sa nilalaman

Human papillomavirus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Human papillomavirus
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian
ICD-10B97.7
ICD-9078.1 079.4
DiseasesDB6032
eMedicinemed/1037
MeSHD030361

Ang human papillomavirus o HPV ay isang virus mula sa pamilyang papillomavirus na may kakayahang humawa ng mga tao. Gaya ng lahat ng mga papillomaviruse, ang HPV ay lumilikha lamang ng mga produktibong mga impeksiyon sa keratinocytes ng balat o mukosang membrano. Bagaman ang karamihan ng mga malapit sa 200 na uri ng HPV ay hindi nagsasanhi ng mga sintomas sa maraming mga tao, ang ilang mga uri ay nagsasanhi ng kulugo samantalang ang maliit na bilang nito ay nagsasanhi ng kanser sa cervix, puke at anus(sa babae) o kanser ng anus at titi sa mga lalaki. Ito ay nagsasanhi rin ng mga kanser sa ulo at leeg(dila, tonsil at lalamunan). Kamakailan lang, ang HPV ay naiugnay sa dumagdag na panganib ng sakit na cardiovascular.