Huwag kang mangangalunya
Ang "Huwag kang mangangalunya" o "Huwag kang makikiapid" ay isa sa mga Sampung Utos, na matatagpuan sa Aklat ng Exodo (Exodo 20:1[1]) ng Bibliang Hebreo o Lumang Tipan. Tinuturing itong ika-6 na utos ng Romano Katoliko at Lutheranong awtoridad, ngunit ikapito sa mga awtoridad na Hudyo at Protestante. Hindi malinaw na tinukoy kung ano ang sumasakop sa pangangalunya sa binanggit na ito sa Biblia, at naging paksa ng pagtatalo sa loob ng Hudaismo at Kristiyanismo.
Sa Bagong Tipan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa mga ebanghelyo, pinagtibay ni Jesus ang kautusan laban sa pakikiapid[2] at tila pinalawak ito.”[3]
Islam
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nabanggit ang pag-iwas sa pakikiapid sa Surat Al-Isra':
At huwag kayong lumapit sa pakikiapid na gawain at sa anumang magiging daan tungo rito; upang hindi kayo makagawa nito, dahil katiyakang ito ay karumal-dumal na gawain at napakasamang pamamaraan. (وَلَا تَقْرَبُوا ٱلزِّنَى ۖ إِنَّهُ كَانَ فَاحِشَةً وَسَاءَ سَبِيلًا)
— Quran 17:32