Pumunta sa nilalaman

Hyakujuu Sentai Gaoranger

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hyakujuu Sentai Gaoranger
Ang titulong karta para sa Hyakujuu Sentai Gaoranger.
UriTokusatsu
GumawaToei
Pinangungunahan ni/ninaNoboru Kaneko
Kei Horie
Takeru Shibaki
Kazuyoshi Sakai
Mio Takeuchi
Tetsuji Tamayama
Isinalaysay ni/ninaHiroshi Masuoka
KompositorKōtarō Nakagawa
Bansang pinagmulanHapon
WikaHapon
Bilang ng kabanata51
Paggawa
ProdyuserJun Hikasa
Kenji Ōta
Yuka Takahashi
Kōichi Yada
Oras ng pagpapalabasmga nasa 25 min.
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanTV Asahi
Orihinal na pagsasapahimpapawid18 Pebrero 2001 (2001-02-18) –
10 Pebrero 2002 (2002-02-10)
Kronolohiya
Sumunod saMirai Sentai Timeranger
Sinundan ngNinpuu Sentai Hurricaneger

Ang Hyakujuu Sentai Gaoranger (百獣戦隊ガオレンジャー, Hyakujū Sentai Gaorenjā), na Hundred Beast Squadron Gaoranger sa Ingles, ay ang seryeng Super Sentai na ika-25 produksiyon ng TOEI Company Limited. Ang ilang sa mga eksena ng naturang serye ay ginamit sa Power Rangers: Wild Force.

Isang libong taon nang nakalipas, nagkaroon ng hidwaan laban sa mga tao at sa lahi ng mga mala-demonyong Org. Sa tulong ng mga Power Animals, ang mga sinaunang Mandirigmang Gao ay nagapi ang pinuno ng mga Org na si Hyakkimaru, at tuluyan nang naisantabi ang mga org.

Ngayon, nagsimulang nangabuhay namang muli ang mga Org, at ang mga limang mandirigma ay napili ng mga Power Animals. Dapat nilang isantabi muna ang kanilang pangkaraniwang buhay at maging mga bagong henerasyon ng GaoRanger upang ipagtanggol ang kabuhayan sa daigdig.

Hyakujuu Sentai Gaoranger

Si Kakeru Shishi (獅子 走/Shishi Kakeru), ang Blazing Lion (灼熱の獅子/Shakunetsu no Shishi), ay isang beterinaryo na napili ng GaoLion upang maging GaoRed. Siya ang huling napiling kasapi ng GaoRangers, ngunit nagkaroon na siya ng kasanayan sa mga hayop. Ang kanyang iba pang Power Animals ay GaoGorilla at GaoFalcon.

Si Gaku Washio (鷲尾 岳/Washio Gaku,) ang Noble Eagle (孤高の荒鷲/Kokō no Arawashi), ay isang pilotong pang-himpapawid bago siya unang pinili ng GaoEagle upang maging GaoYellow. Siya ang unang nagpasiya na dapat magtawagan ang mga GaoRangers sa kanilang kulay, sa halip na sa pangalan. Ang iba pa niyang Power Animals ay GaoBear at GaoPolar.

Si Kai Samezu (鮫津 海/Samezu Kai), ang Surging Shark (怒涛の鮫/Dotō no Same), ay isang ordinaryong kabataan bago siya pinili ng GaoShark upang maging GaoBlue. Kung kikilalanin siya sa serye, siya pinaka isip-bata sa pangkat. GaoGiraffe ang isa pa niyang Power Animal.

Si Soutarou Ushigome (牛込 草太郎/Ushigome Sōtarō), ang Iron Bison (鋼の猛牛/Hagane no Mōgyū), ay isang nagretirong wrestler ng sumo na nagtrabaho sa tindahan ng mga bulaklak bago siya pinili ng GaoBison na maging GaoBlack. Bagamat siya ang may pinakamalakas na pangangatawan sa kanilang pangkat, siya naman ang pinakamahiyain. GaoRhino at GaoArmadillo ang iba pa niyang mga Power Animals.

Si Sae Taiga (大河冴/Taiga Sae), ang Belle Tiger (麗しの白虎/Urawashi no Byakko), ay estudyante ng martial arts sa pagtuturo ng kanyang ama bago siya pinili ng GaoTiger upang maging GaoWhite. Siya ang pinakabata sa pangkat, ngunit siya ang may mas mataas na antas ng kaisipan. GaoElephant at GaoDeer ang iba pa niyang Power Animals.

Si Tsukumaro Oogami (大神 月麿/Ōgami Tsukumaro)(Shirogane) (シロガネ/Shirogane), ang Sparking Silver Wolf (閃烈の銀狼, Senretsu no Ginrō) ay isang Gao Warrior noong panahon ng Heian isang libong taong nakalipas. Ginamit niya ang kapangyarihan ng Dark Wolf Mask upang talunin si Hyakkimaru. Subalit siya ay naging Duke Org Loki (デュークオルグ狼鬼, Dūku Orugu Rōki) at naka-engkwentro ang iba pang sinaunang GaoWarriors upang isalibing siya para hindi na makagawa pa ng ibang ikasasama. Siya ay nabuhay muli bilang Loki sa kasalukuyan ngunit naalis ang sumpa sa kanya ng mga GaoRanger. Bilang GaoSilver, hawak niya ang Power Animals na GaoWolf, GaoHammerhead, at GaoLigator.

Pangunahing Tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Panauhing Tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sinundan:
Timeranger
Super Sentai
2001 – 2002
Susunod:
Hurricanger