Pumunta sa nilalaman

Iñigo Ed. Regalado

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Iñigo Ed Regalado)
Iñigo Ed. Regalado
Kapanganakan1 Hunyo 1888
  • (Maynila, Kalakhang Maynila, Pilipinas)
Kamatayan24 Hulyo 1974
NagtaposPamantasang Sentral ng Maynila
Trabahomamamahayag, makatà
OpisinaDekano ()

Ipinanganak siya noong 16 Marso 1888 sa Sampalok,Manila at anak nina Iñigo Regalado y Corcueca at Saturnina Reyes. Si Iñigo Ed. Regalado ay tanyag noong sa sagisag na Odalager. Naging patnugot siya ng pahayagang Mithi, Watawat, Pagkakaisa, at ng lingguhang magasin na Ilang-ilang. Isa siya sa mga Taliba ng panulaan. Kilala siya bilang makata ng pag-ibig. Ang kanyang mga tula ay natipon sa isang aklat na pinamagatang Damdamin na nagtamo ng unang gantimpala sa Timpalak Komonwelt noong 1941. Nag-aral si Ed. Regalado sa Escuela Muncipal de Sampaloc, at nakuha niya ang kanyang per ito mercantil sa Colegio Filipino, ang Batsilyer sa Sining sa Liceo de Manila, at ang kanyang bachiller en leyes sa La Jurisprudencia. Pumasok rin siya sa Unibersidad ng Pilipinas (Fine Arts), kung saan naging guro niya si Fabian de la Rosa sa pagpipinta, at naging kaklase niya naman sina Fernando Amorsolo at Guillermo Tolentino. Hindi lamang siya makata, isa rin siyang kwentista, nobelista at peryodista. Ang kanyang nobelang Sampaguitang Walang Bango ay nasulat sa panahong Ginto ng nobelang Tagalog. Ito'y tungkol sa isang babaing martir ngunit sa huli ay nagtaksil kaya iniwan ng asawa. Katulad siya ng sampagita na akala ng marami ay maganda, dalisay at namumukod sa kabanguhan subalit sa kabila noon ay naging taksil kaya itinuring na sampagitang walang bango.

Si Odalager bilang manunulat ng maikling kuwento at nobela ay maingat sa pagpili ng mga salitang naglalarawan ng mga tauhan at natural na salitaan at tagpuan. Naging patnugot siya ng Surian ng Wikang Pambansa at guro ng wika sa iba't ibang Unibersidad ng Maynila.

Kung si Odalager ay nakilala bilang isang kwentista, nobelista at mamamahayag sa larangan ng panitikan, higit siyang makata dahil sa kanyang mga tula madarama ang linamnam ng kanyang panulat. Naging paksa ng kanyang mga tula ang buhay at mga bagay-bagay sa kapaligiran.

Tumanggap siya ng Republic Cultural Heritage Award for Literature noong 1968.

Ilan sa mga nasulat ni Odalager ay Sampaguitang Walang Bango, May Pagsinta'y Walang Puso at Dalaginding.

Sa mga tulang nasulat niya, ay mababanggit ang Sabi Ko Na Nga Ba, Dahil sa Pag-ibig, Madaling Araw at Kung Magmahal Ang Isang Dalaga. Ang tula niyang nagbigay sa kanya ng di-kakaunting karangalan ay ang Laura. Tumanggap siya rito ng Unang Gantimpala mula sa Samahang Mananagalog. Pinaksa ng tulang ito ang mga katangian ni Laura, ang musa ni Balagtas sa Florante at Laura.

Mga Akda

Koleksiyon ng mga Tula Damdamin at Bulalakaw ng Paggiliw

Maikling Kuwento Sa Laot ng Kapalaran at Ang Dalaginding

Iba pang mga gawa Isang Panyo Lamang, Mahiwagang Tao at Sa Bundok

Mga Parangal 1941 Commonwealth Award for Poetry , Patnubay ng Sining at Kalinangan Award, 1963 at Diwa ng Lahi Award, 1972

Sanggunian CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol IX. Philippine Literature. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994. Iñigo Ed. Regalado. (Hinango noong 8 Mayo 2008).