IBM 5100

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Isang IBM 5100.

Ang IBM 5100 Portable Computer ay isang portable na kompyuter na unang ipinakilala noong Septyember 1975, anim na taon bago ang IBM PC. Ito ay nagmula sa isang prototype na tinawag na SCAMP (Special Computer APL Machine Portable) na unang ginawa sa IBM Palo Alto Scientific Center noong 1973. Noong Enero 1978, inanunsyo ng IBM ang IBM 5110, na mas malaki sa IBM 5100, at noong Pebrero 1980 inanunsyo ng IBM ang IBM 5120. Itinigil ang IBM 5100 noong Marso 1982.

Noong ipinakilala ang IBM PC noong 1981, ito ay orihinal na binansagang IBM 5150 kasama sa seryeng "5100", ngunit ang pagkagawa nito o arkitekto ay hindi direktang nagmula sa IBM 5100.