Pumunta sa nilalaman

ITC Avant Garde

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
ITC Avant Garde
KategoryaSans-serif
KlasipikasyonHeometrikong sans-serif
Mga nagdisenyoHerb Lubalin, Tom Carnase
FoundryInternational Typeface Corporation
Petsa ng pagkalabas1970-1977

Ang ITC Avant Garde Gothic ay isang tipo ng titik na pamilya na batay sa ginamit na tipo ng titik sa logo ng magasin na Avant Garde. Si Herb Lubalin ang gumawa ng konsepto ng logo at kasamang pamilya ng tipo ng titik sa ulong pambungad nito. Pagkatapos, si Lubalin at si Tom Carnase, kasosyo niya sa kompanya niyang nagdidisenyo, ay nagtrabaho ng magkasama upang baguhin ang ideya sa isang ganap na pamilya ng tipo ng titik.

Inalok ng Graphic Systems Inc. ang tipo ng titik na ito bilang Suave.[1] Ang ITC Lubalin Graph ay ang bersyon slab-serif ng ITC Avant Garde, na dinisenyo din ni Lubalin.[2]

An seryeng pantelebisyon ng Netflix na Master of None ay ginamit ang tipo ng titik na ito sa mga title card nito. Ang pamagat mismo ay gumagamit ng ITC Avant Garde Gothic na may mga alternatibo. [3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lawson, Alexander, Archie Provan, and Frank Romano, Primer Metal Typeface Identification, National Composition Association, Arlington, Virginia, 1976, pp. 34 - 35. (sa Ingles)
  2. ITC Lubalin Graph Font Family - by Herb Lubalin, Ed Benguiat (sa Ingles)[patay na link]
  3. "Master of None Logo?? - forum | dafont.com". www.dafont.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)