Ida B. Wells
Si Ida Bell Wells-Barnett (Hulyo 16, 1862 – Marso 25, 1931) ay isang Amerikanong Aprikanong mamamahayag, patnugot (editor ng kopya) ng pahayagan, supragista, sosyologa, at isang maagang pinuno ng kilusan na para sa mga karapatang sibil. Isa siyang kasamang may-ari at editor ng Memphis Free Speech.[1] Isa siyang aktibistang laban sa lynching (pagpatay nang walang paglilitis, partikular na sa pamamagitan ng pagbitay). Idinukomento niya ang pagli-lynch sa Estados Unidos, na ipinapakita kung paanong ito ay isang paraan ng pagkuntrol o pagpaparusa sa mga itim na tao na nakikipagkumpitensiya sa mga taong puti ang kulay ng balat, na madalas na nasa ilalim ng pagbibintang na mga sumbong na sala ng panggagahasa.[2] Nagin aktibo siya sa mga karapatan ng kababaihan at sa kilusan para sa karapatang bumoto ng kababaihan, at sa paglulunsad ng ilang kinikilalang mga organisasyon ng mga babae. Isang mayroong kasanayan at mapanghikayat na mananayusay si Wells, at naglakbay sa iba't ibang lugar ng mundo upang magbigay ng mga panayam.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R117.
- ↑ "Ida B. Wells Speaks Out Against Lynching", na nasa: Susan Ware, editor. Modern American Women: a Documentary History
- ↑ Wells,Ida B. Papers, "Lynch Laws in All of Its Phases, Box 8, folder 8, Special collections Research Center, Pamantasan ng Chicago. Napuntahan noong 2 Abril 2011.