Ika-11 dantaon BC
Itsura
(Idinirekta mula sa Ika-11 dantaon BCE)
Ang ika-11 dantaon BC ay mga taon na binubuo mula 1100 BC hanggang 1001 BC.
Mga pangyayari
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1050 BC: Binihag ng mga Filisteo ang Kaban ng Tipan mula sa mga Israelita sa labanan. (Tinatayang petsa)
- 1046 BC: Pinatalsik ni Haring Wu ng Zhou si Haring Di Xin, ang huling hari ng Dinastiyang Shang at naging unang hari ng Dinastiyang Zhou (1046 BC—256 BC) na itinatag ng kanyang ama na si Haring Wen ng Zhou.
- 1044 BC: Sa pagkamatay ni Smendes I, ang hari ng Ehipto, humalili sa kanya ang dalawang kapwa-rehente, sina Psusennes I at Neferkare Amenemnisu.
- mga 1040 BC: Ipinanganak si David, ang Hari ng Israel.
- 1039 BC: Namatay ang hari ng Ehipto, si Neferkare Amenemnisu.
- 1026 BC: Naging unang hari ng Israelita si Haring Saul, ayon sa Aklat ni Samuel.
- mga 1020 BC: Pagkawasak ng Troya VIIb2.
- 1000s BC: Pinakamaagang ebidensya ng pagsasaka sa kabundukan ng Kenya.
- 1000s BC: Naimbento ang alpabetong Penisyo.
- 1003 BC: Humalili si David kay Haring Saul.
- mga 1000 BC: Dumating ang mga Latin sa Italya.