Ikalawang Konsehong Budista
Ang mga historikal na rekord para sa Ikalawang Konsehong Budista ay pangunahing hinango sa mga kanonikal na Vinaya ng mga iba't ibang eskwela (Theravāda, Sarvāstivāda, Mūlasarvāstivāda, Mahāsanghika, Dharmaguptaka, at Mahīśāsaka). Sa karamihan ng mga kaso, ang mga salaysay na ito ay matatagpuan sa wakas ng bahaging Skandhaka ng Vinaya. Bagaman may mga hindi pagkakaayon sa mga punto ng mga detalye, sila ay magkakaayon sa mga tinatayang sumusunod. Noong mga 100 o 110 taon pagkatapos ng Nirvana ni Budda, napansin ng mongheng si Yasa sa kanyang pagdalaw sa Vesālī ang isang bilang ng mga maluwag na kasanayan sa mga lokal na monghe. Ang isang talaan ng mga 10 punto ay ibinigay: Ang pinakamahalga ng mga mongheng Vesālī na si Vajjiputtakas ay umayon sa pagtanggap ng salapi. Ang malaking kontrobersiya ay sumiklab ng tumangging sundin ni Yasa ang kasanayang ito. Siya ay nilitis ng mga Vajjiputtaka at nagtanggol sa kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsipi sa publiko ng isang bilang ng mga talatang kanonikal na kumokondena sa paggamit ng salapi ng mga monastiko. Sa pagnanais na lutasin ang bagay na ito, kanyang tinipon ang suporta mula sa mga monghe ng ibang mga rehiyon na pangunahin sa kanluran at timog. Ang isang pangkat ay umayon na pumunta sa Vesāli upang lutasin ito. Pagkatapos ng malaking pagmamaniobra, ang isang pagpupulong ay idinaos na dinaluhan ng mga 700 monghe. Ang konseho ng walo ay hinirang upang isaalang-alang ang bagay. Ito ay binuo ng apat na mga lokal at apat na mga 'kanluranin'. Ang bawat mga 10 punto ay tinukoy sa mga alinsunuran. Natagpuan ng komite ang laban sa mga mongheng Vajjiputtaka. Kanilang itinanghal ang kanilang natagpuan sa kapulungan na nakasundong umayon. Ang halos lahat ng mga skolar ay umaayon na ang Ikalawang Konsehong Budista ay isang pangyayaring historikal.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Buddhist council." Encyclopædia Britannica. Ultimate Reference Suite. Chicago: Encyclopædia Britannica, 2008.