Unang Konsilyo ng Efeso
Unang Konsilyo ng Efeso | |
---|---|
Petsa | 431 CE |
Tinanggap ng | Romano Katoliko, Lumang Katoliko, Silangang Ortodokso, Anglikano, Oriental Ortodokso, Lutherano |
Nakaraang konseho | Unang Konsilyo ng Constantinople |
Sumunod na konseho | Konsilyo ng Chalcedon |
Tinipon ni | Emperor Theodosius II |
Pinangasiwaan ni | Cyril ng Alexandria |
Mga dumalo | 200-250 (ang mga kinatawan ng papa ay dumating na huli) |
Mga Paksa ng talakayan | Nestorianismo, Theotokos, Pelagianismo |
Mga dokumento at salaysay | Ang Kredong Niseno ay kinumpirma, pagkukundena ng mga heresiya, deklarasyon ng Theotokos(Ina ng Diyos). |
Talaang kronolohikal ng mga konsehong ekumenikal |
Ἔφεσος (Éphesos) Efes | |
Kinaroroonan | Selçuk, İzmir Province, Turkey |
---|---|
Rehiyon | Ionia |
Mga koordinado | 37°56′28″N 27°20′31″E / 37.94111°N 27.34194°E |
Klase | Ancient Greek settlement |
Lawak | Wall circuit: 415 ha (1,030 akre) Occupied: 224 ha (550 akre) |
Kasaysayan | |
Nagpatayô | Attic and Ionian Greek colonists |
Itinatag | 10th century BC |
Nilisan | 15th century |
Kapanahunan | Greek Dark Ages to Late Middle Ages |
Pagtatalá | |
Hinukay noong | 1863–1869, 1895 |
(Mga) Arkeologo | John Turtle Wood, Otto Benndorf |
Website | Ephesos Archaeological Site |
Ang Unang Konsilyo ng Efeso ang tinatanggap na Ikatlong Konsilyo Ekumenikal ng Oriental Ortodokso, Silangang Ortodokso, Simbahang Katoliko Romano at iba pang mga pangkat ng Kanluraning Kristiyanismo.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ay idinaos noong 431 CE sa simbahan ni Maria sa Efeso, Asya menor at dinaluhan ng tinatayang mga 250 obispo. Ang mga pagpupulong ay isinagawa sa isang mainit na mga komprontasyon at rekriminasyon na lumikha ng masidhing alitan sa pagitan ni Cirilo ng Alehandriya at Theodosius. Pinatawag ni Theodosius II ang konsilyong ito upang lutasin ang kontrobersiyang Nestorian. Ang doktrina ni Nestorio na Nestorianismo na nagbigay diin sa kawalang pagkakaisa sa pagitan ng mga kalikasang tao at diyos ni Hesus ay humantong sa kanyang pakikipag-alitan sa iba pang mga pinuno ng simbahang Kristiyano na ang pinakakilala ay si Cirilo ng Alehandriya na Patriarka ng Alehandriya. Ang alitan ni Nestorio kay Cirilo ay nagtulak kay Cirilo na maghangad ng balidasyon mula kay Papa Celestino I na nagbigay autorisasyon kay Cirilo na hilingin kay Nestorio na bawiin ang kanyang posisyon o maharap sa pagtitiwalag.
Nagsumamo si Nestorius sa Silangang Romanong Emperador na si Theodosius II na tumawag ng isang konsilyo kung saan ang mga reklamo ay maihahayag na umaasang mapapatunayan ang kanyang ortodoksiya at si Cyril ay makokondena. Gayunpaman, sa huli ay ang katuruan ni Nestorius ang kinondena ng konsilyong ito bilang isang heresiya at opisyal na ginawang anatema. Idineklara rin ng konsilyong ito si Marya bilang Theotokos (tagadala ng diyos).[1] Si Nestorius ay sumalungat sa paggamit ng terminong Theotokos.[2] Ang terminong ito ay matagal nang ginagamit ng mga manunulat na ortodokso at ito ay nagkakamit ng popularidad kasama ng debosyon kay Maria bilang Ina ng Diyos.[2]
Iniulat na itinuro ni Nestorio na may dalawang magkahiwalay na mga persona sa nagkatawang taong si Kristo bagaman kung aktuwal niyang itinuro ito ay tinutulan.[2] Ipinatapon ng konsilyo si Nestorio, itinakwil ang Nestorianismo at ipinahayag ang Birheng Maria bilang isang Theotokos. Pagkatapos sipiin ang Kredong Niceno sa orihinal na anyo nito gaya ng nasa Unang Konsilyo ng Nicaea nang walang mga pagbabago at karagdagan sa Unang Konsilyo ng Constantinople, inihayag nito na "bawal para sa anumang tao na isulong o sumulat o lumikha ng isang ibang(ἑτέραν) Pananampalataya bilang isang katunggali sa natatag ng mga banal na amang tinipon ng Banal na Espiritu sa Nicæa."[3]
Ang pagkukundena kay Nestorio ay humantong sa paghahating Nestorian nang humiwalay ang mga simbahang sumusuporta kay Nestorio lalo na sa Persia mula sa iba pang Kristiyano. Ang mga sumusuporta kay Nestorio ay tinawag na Kristiyanismong Nestoriano, Simbahang Persian o Simbahan ng Silangan at ang mga kinatawan nito sa kasalukuyang panahon ang Simbahang Assyrian ng Silangan, Simbahang Chaldean Syrian, Sinaunang Simbahan ng Silangan at Simbahang Katolikong Chaldean. Si Nestorio ay nagretiro sa isang monasteryo kung saan niya ipinagtatanggol ang kanyang ortodoksiya.