Pumunta sa nilalaman

Ikaw Lang Ang Mamahalin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ikaw Lang ang Mamahalin)
Ikaw Lang Ang Mamahalin
Isang kwintas, tanikala ng dalawang buhay
UriRomance, Drama
DirektorLouie Ignacio
Pinangungunahan ni/ninaAngelika dela Cruz
Sunshine Dizon
and Cogie Domingo
(see cast)
Bansang pinagmulanPilipinas
WikaFilipino
Paggawa
Oras ng pagpapalabas30 minutes
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanGMA Network
Fono Video Productions
Orihinal na pagsasapahimpapawid26 Marso 2001 (2001-03-26) –
1 Nobyembre 2002 (2002-11-01)
Kronolohiya
Sinundan ngHabang Kapiling Ka

Ikaw Lang Ang Mamahalin ay isang dating teleserye ng GMA Network. Ito ay isang kuwento ng dalawang magkapatid na ang mga buhay ay nabago sa pamamagitan ng panlilinlang at pag-aari. Ang kuwintas ay ang susi sa pagkatuklas ng kanilang angkan.

"Isang kuwintas, tanikala ng dalawang buhay" Ang mag-inang sina Lilian (Gina Alajar), Mylene (Angelika dela Cruz at Clarissa (Sunshine Dizon) ay naghiwalay ng landas matapos ang sunog na tumupok sa kanilang tirahan. Binigay ni mylene ang kuwintas sa kanyang nakababatang kapatid; ito ang kuwintas na binigay sa kanya ng kanyang ama, si Ferdinand Fuentebella (Albert Martinez). Gayunman, nawalan ng alaala si Mylene, at kinupkop siya ni Meding (Alicia Alonzo), ang kaibigan ni Lilian. Pinangalanan niyang muli ang nakakatandang anak ng kanyang kaibigan bilang "Katherine", bilang alaala sa kanyang anak na nasawi sa isang aksidente. Makalipas ang isang taon, hinangad ni Ferdinand Fuentebella na hanapin ang kanyang tunay na anak. Samantala, pinagtanggol ni Clarissa si Katherine/Mylene sa isang pangyayari; sila'y naging matalik na magkaibigan na naglao'y lumamat dahil sa isang lihim. Nakilala naman ni Ferdinand si Clarissa sa isang aksidente, at nagpanggap si Clarissa na siya si Mylene hanggang sa pinagtagpo silang muli ni Katherine, dahil papasok ang dalaga bilang sekretarya ni Mr. Fuentebella. May pag-asa pa bang malaman ang katotohanan?

Iba pang mga tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Espesyal na mga tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Veka Lopez bilang batang Katherine Morales
  • Empress Schuck bilang batang Clarissa
  • Andrea del Rosario bilang Melisa
  • Tanya Garcia bilang Jessica
  • Toni Gonzaga bilang Maya
  • Trina Zuñiga bilang Marga
  • Gary Valenciano Ricky bilang Lopez
  • Michael De Mesa bilang Elmo
  • Mark Gil bilang Miguel
  • Glaiza de Castro bilang kaibigan ni Marga
  • Jaime Fabregas bilang Don Joselito
  • Gary Estrada
  • Tricia Roman
  • Paolo Bediones