Pumunta sa nilalaman

Mark Anthony Fernandez

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Mark Anthony Fernandez ay isang artista sa Pilipinas. Pinanganak noong Enero 18, 1979 sa Chinese General Hospital sa La loma, Quezon City; Siya ang nagiisang anak ni Rudy Fernandez at Alma Moreno. Mga kapatid niya sa ama ay si Rap at Renz Fernandez at mga kapatid niya sa ina si Vandolph Quizon Wynwyn Marquez Yeoj Marquez Vitto Marquez at Alfa Salic. Sa edad na trese ay pumasok sa showbiz bilang isa sa mga kabataang miyembro ng "Guwapings", isang grupo na binuo ng kilalang showbiz manager na si Douglas Quijano at sumikat noong early 90s'. Umani ng paghanga dahil sa kanyang galing sa pag-arte (binansagan "Best Actor of his generation" ng isang kritiko dahil sa ipinamalas niyang galing sa "Mangarap Ka") ngunit dahil sa droga ay naalintana ang career. Sa tulong ng mga magulang at kaibigan, bumangon sa pagkakadapa at noong 2005 ay muling nagbalik sa pelikula at muling pinatunayan ang kakayahan sa piniling propesyon. Mula sa ABS-CBN teleseryeng "Super Inggo" hanggang sa GMA's "Impostora" nakita muli ng publiko ang galing ng aktor.

Noong Septembre 24, 2006 pinakasalan niya si Melissa Garcia, ang matagal na niyang nobya at ina ng kanyang anak, sa isang garden Christian ceremony sa Intramuros.

Pelikula: 1. Guwapings - Jomari Yllana, Eric Fructouso 2. Laklak - Jomari Yllana 3. Mangarap Ka - Claudine Barretto, Boots Anson-Roa, Dante Rivero 4. Istokwa - Spencer Reyes 5 Binibini sa Aking Pangarap - Ruffa Gutierrez 6. Dos Ekis - Rica Paralejo 7. Hesus Rebolosyonaryo - Donita Rose 8. Matimbang Pa Sa Dugo - Rudy Fernandez 9. Biyaheng Langit - Joyce Jimenez 10. Sa Piling ng Mga Belyas - 11. You and Me Against the World - Robin Padilla, Kris Aquino 10. Shake, Rattle and Roll 2K5- Aiai delas Alas, Gloria Romero, Tanya Garcia 11. Batas Militar - Mark Lapid

Taon Titulo Ganap Kompanya
1991 Palibhasa Lalake Himself ABS-CBN
1992 Tropang Trumpo ABC
1992 Gwapings: Live GMA
2001 Ikaw Lang Ang Mamahalin Gabriel GMA
2003 Magpakailanman: The Manny Pacquiao Story Manny Pacquiao GMA
2006 Super Inggo Kanor ABS-CBN
2006 Komiks: Da Adventures of Pedro Penduko Lito ABS-CBN
2007 Impostora Nicolas Cayetano GMA
2007-2008 Kamandag Lucero Serrano / Talim GMA
2008 Ako si Kim Samsoon Cyrus Ruiz GMA
2008-2009 Luna Mystika Dexter Samaniego GMA
2009 All About Eve Kenneth Villareal GMA
2009 Darna Eduardo GMA


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.