Pumunta sa nilalaman

Paligsahan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ilaban)

Ang paligsahan (Ingles: contest, competition, battle), na tinatawag ding tagisan, punyagian, pagtatalo, paglalaban, labanan, tunggalian, pahusayan, kumpetisyon, o kompetisyon ay isang kaganapan kung saan dalawang pangkat o koponan, o dalawang indibidwal, ang nagpapagalingan o nagpapahusayan. Maaaring magkaroon ng isang gantimpala o mga gantimpala para sa maraming nangungunang mga tagaganap o manlalaro, bagaman ang isang tagisan ay maaaring iatang o ipataw para sa layunin ng pagsasanay. Maaaring likas na maganap ang paligsahan, o maaaring binalak ng mga nakikilahok, sa halip na isang inilunsad ng ibang partido. Ang mga pariralang "pataasan ng ihi" at "pataasan ng ere" ay may kahulugang paligsahan.

Sa ibang diwa, ang paligsahan ay maaaring hindi lamang sa pagitan ng dalawang indibidwal, sapagkat maaari ring makilahok o ilahok ang maraming mga grupo, mga hayop, at iba pa, para sa layunin na maangkin ang isang teritoryo, isang lungga, o isang lugar o lokasyon na maaring mapagkunan o makapagbigay ng pangangailangan o mga bagay na kailangan upang mabuhay. Ang tagisan ay lumilitaw kapag ang kahit na dalawang partido ay nagsisikap na makamit ang isang layunin na hindi maaaring pagsaluhan. Likas na nangyayari ang kompetisyon sa pagitan ng mga organismong may buhay na namamarating kasama ng iba pang mga organismo sa loob ng iisang likas na kapaligiran. Bilang halimbawa, ang mga hayop ay nagtutunggalian para sa mga mapagkukunan ng tubig, pagkain, katalik, at iba pang mga mapagkukunang biyolohikal. Ang mga tao ay nakikipagkompetensiya para sa tubig, pagkain, at katalik, bagaman kapag ang mga pangangailangan ito ay nakamit o natanggap na, ang matitinding paglalabanan at pag-aagawan ang lumilitaw dahil sa paghabol sa pagkakaroon ng yaman, ginhawa, katanyagan, at kagitingan. Ang negosyo ay kadalasang may kaugnayan sa kumpetisyon, dahil ang karamihan sa mga kompanya ay nakikipagkompetensiya laban sa kahit na isang ibang kompanya para sa layunin makuha o mapanatili ang iisang pangkat ng mga kliyente.


LaroKalikasanNegosyo Ang lathalaing ito na tungkol sa Laro, Kalikasan at Negosyo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.