Pumunta sa nilalaman

Ilog Mekong

Mga koordinado: 10°11′N 106°45′E / 10.19°N 106.75°E / 10.19; 106.75
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ilog Mekong
湄公河 (Méigōng Hé) / 澜沧江 (Láncāng Jiāng)
မဲခေါင်မြစ် (Megaung Myit)
ແມ່ນ້ຳຂອງ (Maenam Khong)
แม่น้ำโขง (Maenam Khong)
ទន្លេមេគង្គ (Tônlé Mékôngk)
Sông Mê Kông / Sông Cửu Long (九龍)
Ilog Mekong, Luang Prabang, Laos
Libis-agusan ng Ilog Mekong
Lokasyon
BansaTsina, Myanmar, Laos, Taylandiya, Kambodya, Biyetnam
Pisikal na mga katangian
PinagmulanBukal Lasaigongma (拉赛贡玛)
 ⁃ lokasyonBundok Guozongmucha (果宗木查), Zadoi, Nagsasariling Prepekturang Tibetano ng Yushu, Qinghai
 ⁃ mga koordinado33°42.5′N 94°41.7′E / 33.7083°N 94.6950°E / 33.7083; 94.6950
 ⁃ elebasyon5,224 m (17,139 tal)
BukanaDelta ng Mekong
 ⁃ lokasyon
Biyetnam
 ⁃ mga koordinado
10°11′N 106°45′E / 10.19°N 106.75°E / 10.19; 106.75
 ⁃ elebasyon
0 m (0 tal)
Haba4,350 km (2,700 mi)
Laki ng lunas795,000 km2 (307,000 mi kuw)
Buga 
 ⁃ lokasyonDelta ng Mekong, Dagat Timog Tsina
 ⁃ karaniwan16,000 m3/s (570,000 cu ft/s)
 ⁃ pinakamababa1,400 m3/s (49,000 cu ft/s)
 ⁃ pinakamataas39,000 m3/s (1,400,000 cu ft/s)
Mga anyong lunas
Mga sangang-ilog 
 ⁃ kaliwaSrepok, Nam Khan, Tha, Nam Ou
 ⁃ kananMun, Tonlé Sap, Kok, Ruak

Ang Mekong o Ilog Mekong ay isang ilog sa Silangang Asya at Timog-silangang Asya. Ito ang ika-12 sa mga pinakamahabang itlog sa mundo at ika-3 sa pinakamahaba sa Asya[1] na may tinatantiyang haba na 4,909 km (3,050 mi)[1] at paagusan na may lawak na 795,000 km2 (307,000 mi kuw), na naglalabas ng 475 km3 (114 cu mi) ng tubig kada taon.[2] Mula sa pinagmumulan nito sa Talampas ng Tibet, dumadaloy ang ilog sa Timog-kanlurang Tsina (kung saan ito ay opisyal na tinatawag na Ilog Lancang), Myanmar, Laos, Taylandiya, Kambodya, at timugang Biyetnam. Nagpapahirap sa nabigasyon sa Mekong ang matinding kapanahun-kapanahunang baryasyon ng daloy at presensiya ng mga mabibilis na agos at talon. Gayunpaman, isang pangunahing ruta ng kalakalan ang ilog para sa Tibet at Timog-silangang Asya. Ang pagtatayo ng mga prinsang hidroelektriko sa kahabaan ng Mekong noong d. 2000 hanggang d. 2020 ay nagdulot ng mga malulubhang problema sa ekosistema ng ilog, kabilang dito ang pagpalala ng tagtuyot.[3][4][5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 S. Liu; P. Lu; D. Liu; P. Jin; W. Wang (2009). "Pinpointing source and measuring the lengths of the principal rivers of the world" [Pagtiyak sa pinagmulan at pagsukat ng haba ng mga pangunahing ilog ng mundo]. International Journal of Digital Earth (sa wikang Ingles). 2 (1): 80–87. Bibcode:2009IJDE....2...80L. doi:10.1080/17538940902746082.
  2. "State of the Basin Report, 2010" [Ulat ng Katayuan ng Luwasan, 2010] (PDF). Mekong River Commission (sa wikang Ingles). Vientiane. 2010.
  3. Sasipornkarn, Emmy (16 Agosto 2019). "A dam-building race threatens the Mekong River" [Pabilisan sa pagtatayo ng prinsa, nagsasapanganib sa Ilog Mekong]. Deutsche Welle (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Agosto 2019.
  4. Sripiachai, Pattanapong (29 Oktubre 2019). "Mekong River falls to critical level, sand dunes emerge" [Bumagsak ang Mekong River sa kritikal na antas, lumilitaw ang mga buhangin]. Bangkok Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Nobyembre 2019.
  5. Beech, Hannah (13 Abril 2020). "China Limited the Mekong's Flow. Other Countries Suffered a Drought" [Nilimitahan ng Tsina ang Daloy ng Mekong. Mga Ibang Bansa, Dumanas ng Tagtuyot.]. The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 14 Abril 2020.