Pumunta sa nilalaman

Ilog Túria

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Ilog Túria ay isang ilog na dumadaloy sa Pamayanang Balensyano at umaabot sa Dagat Mediterraneo sa lungsod ng València.

Matapos ang isang malaking baha noong 1957 na labis na pininsala ang València, hinati ang ilog sa dalawa sa kanlurang dulo ng lungsod. Nagpapatuloy ang dating daluyan ng ilog, tuyo, sa gitna ng lungsod, halos umaabot sa dagat. Inilihis ang daloy ng tubig nang patimog sa isang bagong daluyan na iniiwasang ang lungsod hanggang abutin nito sa huli ang dagat.

Isa na ngayong magandang lubog (o sunken sa Inggles) na parke na pinapaari ang mga tao o siklista na tawirin ang buong lungsod nang hindi tumatawid ng anumang kalye. Ang parke, na tinatawag na Jardí del Túria (bigkas [zhar·dí del tú·rya]; “Hardin ng Túria” sa Balensyano), ay may nagraramihang mga pond, bukal, bulaklak, korteng pampalakasan, daanan, at mga taong ikinalulugod ang lahat ng mga ito. Binubuhat ng mararaming tulay sa ibabaw ang trafik patawid ng parke.

Malapit sa timugang dulo ng Jardí ay ang Parc Gulliver (o “Parkeng Gulliver”), isang palaruang pambata na nagtataglay ng isang napakalaking fiberglass na model ni Lemuel Gulliver na nakagapos sa lupa gamit ng mga lubid, ginawa upang mailangkap ang mga slayd at hagdang mapaglalaruan.

Dalawang estasyon ng metro ng València ang nasa ilalim ng daluyan, ang mga pasukan nito na nasa magkabilaang pampang: Túria at Alameda. Sa dulo ng daluyan ng ilog ay ang bagong Ciutat de les Arts i les Ciències ng València.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.