Ilustrado (seryeng pantelebisyon)
Ang Ilustrado ay isang palabas sa telebisyon ng GMA Network sa Pilipinas. Tungkol ang programa sa buhay ni Jose Rizal noong kanyang kabataan at paano siya umibig na naging inspirasyon ng paglikha ng Maria Clara, isang tauhan sa Noli Me Tangere. Ang serye ay pinagbibidahan ni Alden Richards bilang si Jose Rizal. Ang gawad bilang Pinakamahusay na Aktor (Best Actor) sa ika-29 na Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television ay binigay kay Richards sa kanyang pagganap bilang si Rizal.
Noong Marso 2016, nailabas ang serye sa DVD ng GMA Records Home Video.[1] Nai-stream ang serye sa YouTube.[2]
Saligan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kailangang iwan ni José Rizal ang pamilya niya upang tapusin ang kanyang pag-aaral sa ibang bansa, habang nangungulila siya, at tiniis ang malayong ugnayan sa kanyang iniirog. Bumalik siya sa kanyang tahanan at ginamit ang kaalaman at kasanayan na natutunan niya sa labas ng bansa upang mapabuti ang buhay ng kanyang pamilya at kababayan.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "GMA Records on Facebook". 1 Marso 2016. Nakuha noong 13 Marso 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ilustrado (Full Episodes) - YouTube". Nakuha noong 15 Pebrero 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ilustrado" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Marso 2018. Nakuha noong 28 Marso 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)