Impact

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Impact (estilo ng titik))
Jump to navigation Jump to search
Impact
Impact font sample png.png
KategoryaSans-serif
KlasipikasyonRealista
Mga nagdisenyoGeoffrey Lee
FoundryStephenson Blake
Petsa ng pagkalikha1965
Mga baryasyonImpact Wide

Impact ang pangalan ng isang realistang sans-serif na pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo ni Geoffrey Lee noong 1965 at nilabas ng Stephenson Blake foundry ng Sheffield. Kilala ito sa pagkakabilang sa sentral na bahagi ng mga tipo ng titik para sa pakete o package ng Web at ipinapamahagi sa Microsoft Windows simula sa bersyong Windows 98. Sa kasalukuyan, higit na ginagamit ito para sa mga image macro o ibang meme sa Internet.[1]

Naging isang direktor ng disenyo sa pag-aanunsyo si Lee at dinisenyo ang Impact na inisip ang mga paskil at materyal sa publisidad.[2]

Nilayon ang Impact na umakma sa isang uso noong dekada 1960 na tumutungo sa makapal at "industriyal" na mga sans-serif.[3]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Brideau, K.; Berret, C. (16 Disyembre 2014). "A Brief Introduction to Impact: 'The Meme Font'" (sa Ingles). Journal of Visual Culture 13 (3): 307–313. doi:10.1177/1470412914544515. 
  2. "Geoffrey Lee" (sa Ingles). http://www.identifont.com/show?1KY. Hinango noong 22 Agosto 2015. 
  3. Mosley, James. "The Nymph and the Grot, an update" (sa Ingles). http://typefoundry.blogspot.co.uk/2007/01/nymph-and-grot-update.html. Hinango noong 6 Marso 2016.