Pumunta sa nilalaman

Imperyo ng Ghana

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Imperyo ng Ghana
Wagadou
c. 100s-300s–c. maagang dekada 1200
Ang Ghana sa kanyang pinakmalaking lawak
Ang Ghana sa kanyang pinakmalaking lawak
KabiseraKoumbi Saleh
Karaniwang wikaFula, Soninke, Malinke, Mande
Relihiyon
Tradisyunal na relihiyong Aprikano, Islam
PamahalaanKingdom
Ghana 
• 700
Kaya Magan Cissé
• dekada 790
Majan Dyabe Cisse
• 1040–1062
Ghana Bassi
• 1203–1235
Soumaba Cisse
Panahonika-9 na dantaon-ika-11 dantaon
• Naitatag
c. 100s-300s
• Sinakop ng Sosso/Sinuko sa Imperyong Mali
c. maagang dekada 1200
Pinalitan
Pumalit
Dhar Tichitt
Djenné-Djenno
Imperyong Mali
Bahagi ngayon ng

Ang Imperyo ng Ghana (c. 100 hanggang c. 1000), tumpak na kilala bilang Wagadou (Ghana ang titulo ng namumuno dito), ay isang Kanlurang Aprikanong imperyo na matatagpuan sa kasalukuyang timog-silangang Mauritania at kanlurang Mali. Mayroon nang mga komplikadong lipunan sa trans-Sahariyanong kalakalan ng asin at ginto sa rehiyon simula pa noong sinaunang panahon,[1] ngunit nagbukas ang pagpapakilala ng kamelyo sa kanluraning Sahara noong ika-3 dantaon CE, ng daan upang magkaroon ng malaking pagbabago sa lugar na naging Imperyo ng Ghana. Noong panahon ng pananakop ng Muslim ng Hilagang Aprika noong ika-7 dantaon, binago ng kamelyo ang sinauna, na nagkaroon ng mas maraming hindi panay na ruta ng kalakalan sa magkakaugnay na kalakalan na bumabagtas mula Morocco hanggang sa Ilog Niger. Lumaki ang Imperyo ng Ghana mula sa pinamaraming trans-Sahariyanong kalakalan ng ginto at asin, na pinahintulot ang pag-unlad ng mga urbanong sentro. Hinimok ng trapiko ang pagpapalawak ng teritoryo upang makuha ang kontrol sa iba't ibang mga ruta ng kalakalan.

Nanatiling hindi tiyak kung kailan nagsimula ang namamayaning dinastiya ng Ghana. Binanggit ito sa unang pagkakataon sa sinulat na tala ni Muḥammad ibn Mūsā al-Khwārizmī noong 830.[2] Noong ika-11 dantaon, naglakbay ang iskolar taga-Córdoba na si Al-Bakri sa rehiyon at nagbigay ng detalyadong pagsasalarawan ng kaharian.

Habang humina ang imperyo, sa wakas, naging kampon ito ng bumabangon na Imperyong Mali sa isang punto noong ika-13 dantaon. Nang, noong 1957, ang Gintong Baybayin ang naging unang bansa sa sub-Sahariyanong Aprika na naging malaya mula sa kolonyal na pamamahala, pinalitan ang pangalan nito sa Ghana bilang pagpupugay sa matagal na nawalang imperyo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Burr, J. Millard and Robert O. Collins, Darfur: The Long Road to Disaster, Markus Wiener Publishers: Princeton, 2006, ISBN 1-55876-405-4, pp. 6–7 (sa Ingles).
  2. al-Kuwarizmi in Levtzion and Hopkins, Corpus, p. 7.