Pumunta sa nilalaman

Imperyong Inka

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Imperyong Inka
Tawantinsuyu (Quechua)
1438–1533
Ang Imperyong Incasa pinakadakilang lawak nito
Ang Imperyong Incasa pinakadakilang lawak nito
KatayuanImperyo
KabiseraCusco
(1438–1533)
Karaniwang wikaQuechua (opisyal), Aymara, Puquina, pamilya ng Jaqi, Muchik at ilan pang mas maliliit na wika.
Relihiyon
Relihiyong Inca
PamahalaanBanal, ganap na monarkiya
Sapa Inca 
• 1438–1471
Pachacuti
• 1471–1493
Túpac Inca Yupanqui
• 1493–1527
Huayna Capac
• 1527–1532
Huáscar
• 1532–1533
Atahualpa
PanahonBago-Kolumbiyanong kapanahunan
• Pagbuo ng Tawantinsuyu ni Pachacuti
1438
• Digmaang sibil sa pagitan nina Huáscar at Atahualpa
1529–1532
1533
• Pagtatapos ng huling paglaban ng Inca
1572
Lawak
15272,000,000 km2 (770,000 mi kuw)
Populasyon
• 1527
10000000
Pinalitan
Pumalit
Kaharian ng Cusco
Gobernatura ng Bagong Castile
Gobernatura ng Bagong Toledo
Estadong Neo-Inca
Bahagi ngayon ng Argentina
 Bolivia
 Chile
 Colombia
 Ecuador
 Peru

Ang Imperyong Inka (Quechua: Tawantinsuyu, lit. "Ang Apat na Rehiyon"[2]), kilala rin bilang ang Imperyong Inkano, ay ang pinakamalaking imperyo sa bago-Kolumbiyanong Amerika,[3] at maaaring ang pinakamalaking imperyo sa mundo noong maagang ika-16 na siglo.[4] Ang pampulitika at administratibong istraktura nito ay "ang pinaka-sopistikadong matatagpuan sa mga katutubong tao" sa mga Amerika.[5] Ang sentro ng administratibo, pampulitika at militar ng imperyo ay matatagpuan sa Cusco sa modernong Peru. Ang kabihasnang Inca ay lumitaw mula sa kabundukan ng Peru noong unang bahagi ng ika-13 siglo. Ang huling kuta nito ay sinakop ng mga Espanyol noong 1572.

Mula 1438 hanggang 1533, isinama ng mga Inca ang malaking bahagi ng kanlurang Timog Amerika, na nakasentro sa mga Bulubunduking Andeo, gamit ang pananakop at mapayapang pag-iimpluwensya, bukod sa iba pang mga pamamaraan. Sa pinakamalaki nito, ang imperyo ay sumali sa Peru, sa malaking bahagi ng modernong Ecuador, sa kanluran at timog gitnang Bolivia, sa hilagang-kanluran Argentina, sa hilaga at sentral Chile at sa maliit na bahagi ng timog-kanlurang Colombia, sa isang estado na maihahambing sa mga makasaysayang imperyo ng Eurasya. Ang opisyal na wika nito ay Quechua.[6]

Maraming mga lokal na paraan ng pagsamba ang nagpatuloy sa imperyo, karamihan sa mga ito ay tungkol sa mga lokal na banal na mga Huaca, ngunit hinimok ng pamunuan ng Inca ang pagsamba kay Inti - ang kanilang diyos ng araw - at ipinataw ang kapangyarihan nito sa ibang mga kulto tulad ng sa Pachamama.[7] Itinuring ng mga Inca ang kanilang hari, ang Sapa Inca, bilang ang "anak ng araw."[8]

Ang Imperyong Inca ay kakaiba dahil wala itong maraming mga tampok na nauugnay sa kabihasnan sa Lumang Mundo. Sa mga salita ng isang iskolar, "Walang ang mga Inca ng kulang sa paggamit ng may gulong na sasakyan. Wala silang mga hayop na masasakyan o mapapagtrabaho upang humila ng mga karwahe at mga araro...[Sila] ay walang kaalaman sa bakal at asero...Higit sa lahat, wala silang sistema ng pagsulat...Sa kabila ng mga di-kaya at mga kakulangan nila, ang mga Inca ay nakapagtayo pa rin ng isa sa mga pinakadakilang estadong imperyal sa kasaysayan ng tao."[9]

Ang mga kahanga-hangang katangian ng Imperyong Inca ay kinabibilangan ng monumental na arkitektura nito, lalo na ang pag-aakma ng bato, malawak na kabalagan ng kalsada na umaabot sa lahat ng sulok ng imperyo, makinis na mga tela, paggamit ng mga nakabuhol na tali (quipu) para sa pagtala at komunikasyon, mga pagbabago sa pagsasaka sa mahirap na kapaligiran, at ang organisasyon at pangangasiwa na ipinataw sa mga tao at sa kanilang paggawa.

Ang ekonomiya ng Inca ay inilarawan sa mga nagkakasalungat na paraan ng mga iskolar: bilang "pyudal, alipin, sosyalista (dito ay maaaring pumili sa pagitan ng sosyalistang paraiso o sosyalistang paniniil)".[10] Ang Imperyong Inca ay umiral ng walang pera at walang mga pamilihan. Sa halip, ang pagpapalitan ng mga kalakal at paglilingkod ay batay sa pagtutumbas sa pagitan ng mga indibidwal at sa mga indibidwal, pangkat, at namumunong Inca. Ang "mga buwis" ay binubuo ng obligasyong ng pagtatrabaho ng isang tao sa Imperyo. Ang mga tagapamahala ng Inca (na panteorya ay nag-aari ng lahat ng paraan ng produksyon) ay sumasagot sa pamamagitan ng pagpapagamit sa lupa at mga kalakal at pagbibigay ng pagkain at inumin sa mga pandiriwang handaan para sa kanilang mga pinamumunuan.[11]

Tinukoy ng mga Inca ang kanilang imperyo bilang ang Tawantinsuyu,[2] ang "apat na suyu". Sa wikang Quechua, ang tawa ay apat at ang -ntin ay isang hulapi na ginagamit sa pagpangalan ng pangkat, kaya ang tawantin ay apatan, isang pangkat ng apat na bagay na pinagsama, sa lagay na ito naglalarawan sa apat na suyu ("mga rehiyon" o "lalawigan") na kung alin ang mga sulok ay nagtagpo sa kabisera. Ang apat na suyu ay: Chinchaysuyu (hilaga), Antisuyu (silangan; ang gubat Amasona), Qullasuyu (timog) at Kuntisuyu (kanluran). Ang pangalang Tawantinsuyu ay, sa ganoon, isang naglalarawang termino na nagpapahiwatig ng pagkakaisa ng mga lalawigan. Isinalintitik ng mga Espanyol bilang Tahuatinsuyo or Tahuatinsuyu.

Ang katagang Inka ay nangangahulugan ng "pinuno" o "panginoon" sa Quechua at ginamit natukoy sa namamahalang uri o sa namamahalang pamilya.[12] Ang mga Inca ay isang napakaliit na porsiyento ng kabuuang populasyon ng imperyo, marahil na bumilang ng 15,000 hanggang 40,000 lamang, ngunit namumuno sa isang populasyon na may humigit-kumulang na 10 milyong katao.[13] Hiniram ng mga Espanyol ang termino (isinalintitik bilang Inca sa Espanyol) bilang isang etnikong termino na tumutukoy sa lahat ng pinamumunuan ng imperyo kaysa sa namamahalang uri lamang. Sa gayon, ang pangalang Imperio inca ("Imperyong Inca") ay tumukoy sa bayan na kanilang nakasagupa at pagkatopos sinakop.

Ang Imperyong Inca ang huling kabanata ng libu-libong taon ng kabihasnang Andeo. Ang kabihasnang Andeo ay isa sa limang mga kabihasnan sa mundo na itinuturing ng mga iskolar bilang "malinis", na katutubo at hindi nagmula o humango sa ibang mga kabihasnan.[14]

Sinundan ng Imperyong Inca ang dalawang naglalakihang imperyo sa Andes: ang Tiwanaku (mga 300–1100 AD), na nakabatay sa Ilog Titicaca at ang Wari o Huari (mga 600–1100 AD) na nakasentro malapit sa kasalukuyang lungsod ng Ayacucho. Tinirhan ng Wari ang lugar ng Cuzco ng mahigit-kumulang 400 taon. Nang ganito, marami sa mga katangian ng Imperyong Inca ay nagmula sa naunang mga multi-etniko at malalawak na kalinangan ng Andes.[15]

Ang mga taong Inca ay isang pastoral na tribo sa lugar ng Cusco noong ika-12 siglo. Ang sinaliitang kasaysayan ng Inca ay nagsasabi ng kuwento ng pinagmulan sa tatlong kuweba. Ang gitnang kuweba sa Tampu T'uqu (Tambo Tocco) ay pinangalanang Qhapaq T'uqu ("pangunahing nitso", ibinabaybay din bilang Capac Tocco). Ang ibang mga kuweba ay ang Maras T'uqu (Maras Tocco) at Sutiq T'uqu (Sutic Tocco).[16] Apat na magkakapatid na lalaki at apat na magkakapatid na babae ay lumabas sa gitnang kuweba. Sila ay sina: Ayar Manco, Ayar Cachi, Ayar Awqa (Ayar Auca) at Ayar Uchu; at sina Mama Ocllo, Mama Raua, Mama Huaco and Mama Qura (Mama Cora). Sa labas ng gilid ng mga kuweba dumating ang mga taong magiging ninuno ng lahat ng mga angkan ng Inca.

Si Manco Cápac, ang Unang Inca, 1 sa 14 na Larawan ng mga Haring Inca, baka gitnang-ika-18 siglo. Langis sa kanbas. Museo ng Brooklyn

Kaharian ng Cusco

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa ilalim ng pamumuno ni Manco Cápac, binuo ng mga Inca ang maliit na lungsod-estado ng Kaharian ng Cusco (Quechua: Qusqu', Qosqo). Noong 1438, sinimulan nila ang isang malawak na pagpapalawak sa ilalim ng utos ni Sapa Inca (pinakamahalagang pinuno) na si Pachacuti-Cusi Yupanqui, kung kaninong pangalan ay literal na nangangahulugang "nangyayanig ng lupa". Ang pangalan ni Pachacuti ay ibinigay sa kanya matapos niyang masakop ang Tribo ng mga Chanka (modernong Apurímac). Sa panahon ng kanyang paghahari, siya at ang kanyang anak na si Tupac Yupanqui ay nagdala ng maraming bundok ng Andes (modernong Peru at Ecuador) sa ilalim ng kontrol ng Inca.[17]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Namnama, Katrina; DeGuzman, Kathleen, "The Inca Empire", K12, USA, inarkibo mula sa orihinal noong 27 Pebrero 2008 {{citation}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 McEwan 2008, p. 221.
  3. Schwartz, Glenn M.; Nichols, John J. (15 Agosto 2010). After Collapse: The Regeneration of Complex Societies (sa wikang Ingles). University of Arizona Press. ISBN 978-0-8165-2936-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Moseley, Michael E. (2001), The Incas and their Ancestors, London: Thames and Hudson, p. 7
  5. Mark A. Burkholder and Lyman L. Johnson, Colonial Latin America, 7th edition. New York: Oxford University Press 2010, p. 19
  6. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-07-06. Nakuha noong 2017-11-29.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "The Inca - All Empires" (sa wikang Ingles).
  8. "The Inca." The National Foreign Language Center at the University of Maryland. 29 May 2007. Retrieved 10 Sept 2013.
  9. "McEwan, Gordon F. (2006). The Incas: New Perspectives, New York: W. W. Norton & Co, p. 5
  10. La Lone, Darrell E. The Inca as a Nonmarket Economy: Supply on Command versus Supply and Demand. p. 292. Nakuha noong Agosto 10, 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Morris, Craig and von Hagen, Adrianna (2011), The Incas, London: Thames & Hudson, pp. 48-58
  12. "Inca". American Heritage Dictionary. Houghton Mifflin Company. 2009.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. McEwan 2008, p. 93.
  14. Upton, Gary and von Hagen, Adriana (2015), Encyclopedia of the Incas, New York: Rowand & Littlefield, p. 2. Some scholars cite 6 or 7 pristine civilizations.
  15. McEwan, Gordon F. (2006), The Incas: New Perspectives, New York: W. W. Norton & Company, p. 65
  16. McEwan 2008, p. 57.
  17. Demarest, Arthur Andrew; Conrad, Geoffrey W. (1984). Religion and Empire: The Dynamics of Aztec and Inca Expansionism (sa wikang Ingles). Cambridge, UK: Cambridge University Press. pp. 57–59. ISBN 0-521-31896-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)