Imprimatur
Ang imprimatur (mula sa Latin na "hayaang mailimbag") ay, sa tamang paggamit, isang deklarasyon na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng isang libro. Madalas na rin itong ginagamit bilang tandâ ng pagsang-ayon o pag-endorso.
Simbahang Katoliko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Simbahang Katoliko ay imprimatur ay isang opisyal na deklarasyon ng isang kinauukulan ng Simbahan na ang isang libro o iba pang tekstong ipalilimbag ay maari nang mailathala.[1][2] Ginagamit lamang ito sa mga aklat na patungkol sa mga paksang panrelihiyon na may Katolikong pananaw.
Ang paggawad ng imprimatur ay karaniwang kasunod ng isang deklarasyon ng pagsang-ayon (tinatawag na nihil obstat)[3] ng isang taong may kaalaman, ortodoksiya at hinahong kailangan upang magbigay ng kapasiyahan tungkol sa kawalan sa ilalathala ng ano mang "makasisira ng tamang pananampalataya o kabutihang asal."[4] Sa Batas Kanoniko, ang taong ito ay kilalá bilang sensura[5] o minsa'y tinutukoy na censor librorum (Latin ng "sensura ng mga aklat"). Sa kontekstong ito, ang salitang "sensura" ay walang negatibong kahulugan na nagbabawal, sa halip tumutukoy ito sa katungkuluan ng isang tao na magsuri—positibo man o negatibo—ng nilalamang doktrina ng ipalalathala.[6] Ang kumperensiyang episkopal ay maaaring maglabás ng talaan ng mga indibidwal na maaaring manungkuluan bilang sensura o kaya'y magbuo ng isang komisyon na mahihingan ng payò, subalit ang bawat ordinaryo ay maaaring mamimilì ng gaganap na sensura.[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Word of the Day: imprimatur". Dictionary.reference.com. 2004-08-19. Nakuha noong 2013-01-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Code of Canon Law, canon 830 §3". Intratext.com. 2007-05-04. Nakuha noong 2013-01-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The America Heritage Dictionary, nakuha noong 2009-07-30
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Code of Canon Law, canon 823 §1
- ↑ Code of Canon Law, canon 830
- ↑ "Roman Catholic Diocese of St. Petersburg, "Office of Censor Librorum"". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-12-02. Nakuha noong 2014-09-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Code of Canon Law, canon 830 §1