Pumunta sa nilalaman

Inabel

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga inabel na tela

Ang inabel,[1] na tinatawag minsan na abel Iloco o abel lamang,[2] ay isang tradisyon sa paghahabi na katutubo sa mga Ilokano sa Hilagang Luzon sa Pilipinas.[3][4] Hinahangad ang telang niyari nito sa mga industriya ng moda at disenyong panloob dahil sa lambot, pagkamatibay, kaangkupan sa klimang tropikal, at para sa mga disenyo na di-marangya.[5][6]

Dahil sa pagkabihira ng mga bihasang manghahabi at pagkabihira ng mga likas na materyales tulad ng sinulid-bulak na yaring-kamay, naging bihira na ang telang ito. Subalit nagpapatuloy pa rin ang mga komunidad ng paghahabi sa mga bayan ng Bangar sa La Union; Santiago, Santa, Bantay, at Vigan sa Ilocos Sur; at Pinili, Paoay, at Sarrat sa Ilocos Norte.[7]

Hinango ang salita mula sa lokal na pandiwa para sa "habi", "abel" at ang pangngalang Ilokano na "inabel", na tumutukoy sa anumang hinabing tela. Inangkop na ito upang tumukoy sa tiyak na uri ng tela na katutubo sa rehiyon ng Ilocos.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Fabella, Mara. "The Geometry of Philippine Textiles". Narra Studio (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-02-27. Nakuha noong 2022-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Enriquez, Marge C. (2019-01-17). "'Abel Iloko' gets a fashion spin". The Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-02-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "How these slow fashion brands dressed the first Filipino Nobel Laureate". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2021-12-29. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-12-29. Nakuha noong 2022-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Valenciano, Al M; Tysmans, Wig. Inabel : Philippine textile from the Ilocos Region [Inabel : Telang Pilipino mula sa Rehiyon ng Ilocos] (sa wikang Ingles) (ika-First (na) edisyon). [Makati, Philippines]. ISBN 9789710579303. OCLC 950450580.
  5. "A contemporary twist to a traditional weave" [Isang kontemporaryong twist sa tradisyonal na habi]. The Philippine Star (sa wikang Ingles). Marso 23, 2018. Nakuha noong 2022-02-18.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "The Inabel of Ilocos: Woven Cloth for Everyday" [Ang Inabel ng Ilocos: Hinabing Tela na Pang-araw-araw]. Narra Studio (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-09-22. Nakuha noong 2022-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Guatlo, Rene E. (2013). Habi: A Journey Through Philippine Handwoven Textiles [Habi: Isang Paglalakbay sa Mga Hinabing-kamay ng Pilipinas] (sa wikang Ingles). The Philippine Textile Council.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Weaving The Islands" [Paghahabi ng Pulo]. FAME+ (sa wikang Ingles). Manila: Manila FAME , Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-06. Nakuha noong 2022-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)