Pumunta sa nilalaman

Inkisisyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ingkisisyon)
Paglalarawan ng inkisisyon ni Galileo sa harap ng banal na opisina ng Romano Katoliko na ipininta ni Joseph-Nicolas Robert-Fleury noong ika-19 na siglo CE.

Ang inkisisyon (Ingles: The Inquisition, Latin: Inquisitio Haereticae Pravitatis, o "pagsisiyasat sa heretikal na pagiging liko") ay ang paglaban sa mga heretiko ng ilang mga institusyon sa sistemang pang hustisya ng Romano Katoliko. Ito ay nagsimula noong ika-12 siglo CE sa pagpapakilala ng pagpapahirap (torture) sa pag-uusig ng heresiya (maling doktrina). Ang mga pagsasanay ng inkisisyon ay ginagamit din para sa mga paglabas sa batas na kanon bukod sa heresiya.

Noong 1184, si Papa Lucio III ay naglabas ng bulang pang-papa laban sa mga erehe na naglatag ng karamihan sa mga prinsipal ng hurisprudensiya na kalaunang ginamit sa inkisisyon.

Noong 1233, itinatag ni Papa Gregorio IX ang inkisisyon at nagpadala ng mga decretal kung saan inituos na sunugin ang mga erehe. Sa pamamagitan ng pagpapahirap at inkisisyon ni Konrad von Marburg, natuklasan ang isang kultong Luciferiano na sumasamba kay Satanas sa anyo ng isang itim na pusa. Inilarawan sa vox in Rama ni Papa Gregorio IX ang inisiasyon ng mga kasapi sa kultong ito. Dahil dito, nagkaroon ng pamahiin sa Europa kung saan ang itim na pusa ay inuugnay kay Satanas at pagsusunog ng mga pusa sa Europa at Pransiya ay naging libangan ng mga mamamayan na pinaniniwalaang ng ilang historyan na nag-ambag sa pagkalat ng salot na Itim na Kamatayan na pumatay ng hanggang 200 milyong tao noong ika-14 siglo.

Mga talatang ginamit ng nagsagawa ng inkisisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Deuteronomio 13

[baguhin | baguhin ang wikitext]
1 “Kung may lumitaw sa inyo na isang propeta, o isang mapanaginipin ng mga panaginip, at bigyan ka niya ng isang tanda o kababalaghan,
2 at ang tanda o ang kababalaghan ay mangyari, na kanyang sabihin sa iyo, ‘Sumunod tayo sa ibang mga diyos,’ na hindi mo kilala, ‘at ating paglingkuran sila,’
3 huwag mong papakinggan ang mga salita ng propetang iyon, o ng mapanaginiping iyon sapagkat sinusubok kayo ng Panginoon ninyong Diyos, upang malaman kung iniibig ninyo ang Panginoon ninyong Diyos ng inyong buong puso at kaluluwa.
4 Kayo'y lalakad ayon sa Panginoon ninyong Diyos, at matatakot sa kanya, tutupad ng kanyang mga utos, susunod sa kanyang tinig, maglilingkod sa kanya, at mananatili sa kanya.
5 At ang propetang iyon o ang mapanaginiping iyon ay papatayin, sapagkat siya'y nagsalita ng paghihimagsik laban sa Panginoon ninyong Diyos na naglabas sa inyo sa lupain ng Ehipto, at tumubos sa iyo sa bahay ng pagkaalipin, upang iligaw ka sa daan na iniutos ng Panginoon mong Diyos upang iyong lakaran. Ganito mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo.
6 “Kung ang iyong kapatid na lalaki, na anak ng iyong ina, o ang iyong anak na lalaki o babae, o ang asawa ng iyong kaibigan, o ang iyong kaibigan na parang iyong sariling kaluluwa, ay humimok sa iyo nang lihim, na magsabi, ‘Tayo'y humayo at maglingkod sa ibang mga diyos,’ na hindi mo nakilala, ninyo o ng iyong mga ninuno;
7 sa mga diyos ng mga bayan na nasa palibot ninyo na malapit sa iyo, o malayo sa iyo, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa;
8 ay huwag kang padadala sa kanya o papakinggan siya; ni huwag mong titingnan siya ng may awa, ni patatawarin, ni ikukubli siya;
9 kundi papatayin mo siya. Ikaw ang mangunguna upang patayin siya, at pagkatapos ay ang buong bayan.
10 Iyong babatuhin siya ng mga bato upang siya'y mamatay, sapagkat kanyang pinagsikapang ilayo ka sa Panginoon mong Diyos, na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, sa bahay ng pagkaalipin.
11 At maririnig ng buong Israel, at matatakot, at hindi na gagawa ng anumang kasamaang gaya nito sa gitna mo.
12 “Kung iyong marinig sa isa sa iyong mga lunsod na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos upang manirahan ka roon,
13 na ilang masasamang tao mula sa mga kasama mo ang umalis at iniligaw ang mga naninirahan sa lunsod, na sinasabi, ‘Tayo'y humayo at maglingkod sa ibang mga diyos,’ na hindi ninyo nakilala;
14 ay iyo ngang usisain at siyasatin, at itanong na mabuti; at kung totoo na nagawa sa gitna mo ang gayong karumaldumal na bagay;
15 ay iyong lilipulin ang mga naninirahan sa lunsod na iyon sa pamamagitan ng talim ng tabak at iyong lubos na pupuksain ang lahat ng naroon at ang mga hayop doon sa pamamagitan ng talim ng tabak.
16 At iyong titipunin sa liwasan ang lahat ng nasamsam doon, at iyong susunugin sa apoy ang lunsod, at ang lahat ng nasamsam doon, bilang handog na sinusunog para sa Panginoon mong Diyos. Ito ay magiging isang bunton magpakailanman; hindi na muling maitatayo.
17 Huwag mong hayaang lumapat sa iyong kamay ang anumang bagay na itinalaga, upang talikuran ng Panginoon ang bagsik ng kanyang galit, pagpakitaan ka niya ng kaawaan, mahabag sa iyo at paramihin ka, gaya ng ipinangako niya sa iyong mga magulang,
18 kapag pinakinggan mo ang tinig ng Panginoon mong Diyos, at iyong sinunod ang lahat ng kanyang mga utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, at iyong ginawa ang matuwid sa paningin ng Panginoon mong Diyos.

Ang karamihan sa mga elemento ng Kautusan ni Moises ay ginaya sa inkisisyon gaya ng:

  • Pagpatay sa mga propeta at mapaganipin na isang kaso na humantong sa pagpatay kay Juana ng Arko.
  • Ang mga miyembro ng pamilya ay hinikayat na tumestigo laban sa isa't isa
  • Pagimbestiga sa mga bayan na nalihis sa tamang pananamplataya
  • Palipol sa buong bayan upang alisin ang erehiya

Ebanghelyo ni Juan 15:6

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kung ang sinuman ay hindi manatili sa akin, siya'y itatapong katulad ng sanga at matutuyo, at sila ay titipunin at ihahagis sa apoy at masusunog.

Tomas ng Aquino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kanyang akdang teolohikal na Summa Thelogica, isinulat ni Tomas ng Aquino(1225-1274) na isang prayleng Dominicano at pari :

Kaya kung ang mga mandaraya ng salapi at ibang manggagawa ng kasamaan ay madaliang kinokondena sa kamatayan ng mga autoridad na sekular, may mas dakilang dahilan para sa mga erehe na hindi lamang itiwalag kundi patayin din...Gayunpaman sa bahagi ng Simbahan, may kahabagan na tumitingin sa pag-akay ng mga nalihis kaya siya ay kinokondena hindi sa unang pagkakataon ngunit pagkatapos ng una at ikalawang pagsaway gaya nang inutos ng mga apostol. Pagkatapos nito, kung matigas na ang kanyang ulo, ang Simbahan ay hindi na umaasa sa kanyang pagbabago at tumtingin sa kaligtasan ng iba sa pamamagitan ng pagtitiwalag sa taong ito at paghihiwalay sa kanya sa Simbahan at sa karagdagan ay ibibigay siya sa tribunal na sekular upang puksain mula sa mundo sa pamamagitan ng kamatayan.