Pumunta sa nilalaman

Inhenyeriyang pamproduksiyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Inhinyeriyang pamproduksiyon)

Ang inhenyeriyang pamproduksiyon o production engineering ay pagsasama ng manufacturing technology at management science. Ang isang inhenyero ay kadalasang may malawak na kaalaman sa mga gawaing pang-inhenheriya at may malay sa hamong pangangasiwa na kaugnay sa produksyon. Ang layunin ay matupad proseso ng produksyon sa pinakamaayos, pinakamahusay, at pinakamatipid na paraan.

Sinasaklaw ng production engineering ang paggamit ng casting,machining processing, joining processing, pagpuputol ng metal at pagdisenyo ng kagamitan, metrolohiya, kagamitang pang-makina, machining systems, automasyon, mga jigs at fixtures, pagdisenyo ng selyo at moldihan, material science, pagdisenyo ng mga parte ng kotse, at pagdididsenyo’t pagyari ng makina. Sa pangkalahatan, kasanib ng production engineering ang manufacturing engineering at industrial engineering.

Sa industriya, kung ang disenyo ay nakilala, ang mga konsepto ng production engineering na ukol sa trabahong pag-aaral, ergonomiya, operation research, manufacturing management, production planning, at iba pa ay gumaganap ng importanteng tungkulin sa mabisang proseso ng mga produkto. Ito ay tumatalakay sa sari-saring disenyo at mabisang pagplano ng buong manufacturing system, na kung saan ay unti-unting nagiging komplikado na may pag-usbong ng masulong na pamamaraan ng produksyon at mga control systems.