Inkoruptibilidad
Itsura
Ang inkoruptibilidad o pagiging hindi nabulok ay isang pinaniniwalaang milagro na pang relihiyon na ang supernatural o pang-diyos na interbensiyon ay pumapayag sa ilang mga katawan ng tao na makaiwas sa normal na proseso ng pagkabulok pagkatapos ng kanilang kamatayan na pinaniniwalaang tanda ng kabanalan. Ang mga katawan na inaangking sumailalim sa kaunti o walang pagkabulok o naantalang pagkabulok ay minsang tinutukoy na inkorupt o inkoruptible. Ito ay pinaniniwalaan sa Simbahang Katoliko Romano at Silangang Ortodokso gayundin sa Budismo gaya ng sa Sokoshinbutsu.