Irap
Itsura
Ang pag-irap ay isang uri ng komunikasyong hindi binibigkas na kinasasangkutan ng mabilis na pagsasara o pagpikit ng mga mata na masusundan ng pag-alis sa harapan ng isang tao, na maaaring tanda ng pagkagalit, pagmamaktol, at pagtatampo dahil sa hindi pagkakasundo o alitan,[1] at maaaring sabayan ng pagmungot o pagsimangot (hindi nakangiti), na masusunndan ng pagdarabog ng mga kamay at mga paa. Sa kadalasan, napagmamasdan ang pag-irap sa mga babaeng galit, mataray, o umiismid. Mailalarawan din ito bilang isang sulyap na pagalit o masikdo.[2]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Panlilisik ng mata