Pumunta sa nilalaman

Isabel II ng Espanya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Isabella II ng Espanya)
Isabella II
Reyna ng Mga Espanya
Pintura ni Reyna Isabella II na likha ni Luis de Madrazo y Kuntz
Paghahari29 Setyembre 183330 Setyembre 1868
PinaglibinganEl Escorial, Espanya
SinundanFerdinand VII
KahaliliAmadeus I
KonsorteFrancis ng Espanya
SuplingIsabel
Alfonso XII
María
Eulalia
Bahay MaharlikaKabahayan ng Bourbon
AmaFerdinand VII
InaMaria Cristina ng Dalawang Sicilia
Dito tumuturo ang Isabella II, para sa Reyna ng Herusalem na kilala rin bilang Isabella II, tingnan ang Yolande ng Herusalem.

Si Reyna Isabel II (Oktubre 10, 1830 - Abril 10, 1904) o Reyna Isabela ay nagsilbing Reyna ng mga Espanya (opisyal bilang "Reyna ng Mga Espanya" mula Agosto 13, 1836, Isabella II ang "reyna ng Castile, Leon, Aragon,...") Siya ang una at hanggang sa ngayon ang nag-iisang naging reynang reynante, bagaman minsang tinuturing na ikatlong Reynang Reynante ng Espanya, dahil binibilang ang mga dating reynante ng Leon at Castile sa kahanayan ng mga hari at mga hari ng Espanya.

Isinilang si Isabella sa Madrid noong 1830, ang panganay na anak na babae ni Ferdinand VII, hari ng Espanya, at ng ika-apat niyang asawa at pamangkin, si Maria Cristina, na isang Neapolitinang Bourbon at pamangking babae rin ni Marie Antoinette. Naging reyna-rehiyente si Maria Cristina noong Setyembre 29, 1833, kung kailan ipinruklamang reyna ang kaniyang anak na si Isabella, sa edad na tatlong taon, dahil sa pagkamatay ng hari.[1]

Pumanhik si Isabella sa trono dahil pinilit ni Ferdinand VII ang mga Korte Heneral na tulungan siyang maisantabi ang Batas Salikong pinasimulan ng mga Bourbon noong maagang panahon ng ika-18 dantaon, at upang muling ibalik ang dati at matandang batas ng pagpapalitang pang-monarkiya sa Espanya. Nakipaglaban ng pitong taon si Carlos, kapatid na lalaki ni Ferdinand at tinatawag na unang "mapagpanggap" noong kapanahunan ng minoridad (wala sa hustong gulang) ni Isabella, upang kuwestiyunin ang titulo ni Isabella. Tinatawag na mga Carlista ang kaniyang mga tagapagtangkilik at ang hidwaang ito kaugnay ng pagpapalitan sa trono ang naging paksa ng ilang bilang ng mga Digmaang Carlista noong ika-19 dantaon.

Sambutan perayaan Ratu Isabella II dari Sepanyol di Saigon pada 17 Jan 1863.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Karnow, Stanley (1989). "Queen Isabella II, p. 66". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)